Pagkagising ko ay agad kong kinuha ang walis at nagwalis sa bakuran ng bahay...
Medyo madami-dami din ang mga kalat,tuyong dahon at mga damo kaya naman medyo natagalan ako sa paglilinis..sinunog ko narin ang mga ito sa ilalim ng mangga para mamunga din ang punong manggang iyon....
iyon ang punong pinagtaguan ko ng mangyari ang karumaldumal na pangyayari kila mama at papa..
Nagdamo din ako at tinagbas ang mga damong matatayog sa paligid ng bahay
Ng matapos ko ang paglilinis ng bahay ay nagtungo naman ako sa batis na kung saan dati akong naliligo..
Wala paring kupas napakaganda at sariwa parin ng hangin at tubig dito..agad ko namang hinubad ang saplot ko at iniwan ang aking pangbaba at tsaka lumusong sa tubig
"Ang lamig naman ng tubig" sabi ko ng malapat ko ang paa ko sa tubig..sa sobrang linaw nito ay halos nakikita muna ng nasa ilalim nya kahit pa na may kalaliman itong taglay
Pagkatapos kong maligo ay pumunta naman ako ng maliit na bukal na syang pinagkukunan namin ng malinis na inumin nung bata pa ko tsaka ako umuwi
******Papunta ako ngayong bayan para maghanap ng mapapasukang trabaho para may pangtustos naman ako sa mga kailangan ko sa pang-araw araw
Barbara's eatery
masarap na.....sulit pa!Wanted: kusinera 18 years old and above
Wala na akong sinayang na panahon agad akong nagtanong sa kahera kung pwede bang mag-apply bilang kusinera
"Ahmm.. ate pwede pong mag-apply? Kusinera po" tinignan nya naman ako mula ulo.hanggang paa. Umikot pa sya para tingnan ang kabuuhan ko
"Sige, sandali lang tatawagin ko lang si madam barbara" tsaka sya umalis. Maya-maya pa ay bumalik na sya kasama ang isang may katabaang babae na puno ng kulorete ang mukha at katawan
"Sya na ba iyong mag-a-apply?" Tumango naman ang kahera sa winika nya
"Halika iha, ipakita mo.sa akin ang galing mo sa kusina" tsaka sya naglakad papasok sa isang maliit na kwarto ng karinderya
Sumunod naman ako sa kanya habang sinusuri ang mga kagamitan ng kanilang karinderyaMalamig rito dahil maraming electric fan maging mga ilaw ngunit masyadong maingay dahil sa dami ng tao. Kulay puti at asul ang pintura ng mga dingding, mga gawang kahoy naman ang upuan at mga mesa...sa kusina maraming mga kasangkapang panluto....
"Ngayon para makapasa ka magluto ka ng isang putaheng masarap na dapat ay papasok sa aking panlasa" wika ni madam barbara. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko dahil dinuguan ang naisipan kung lutuin.....
Matapos ng naging pagluto ko ay ipinatikim ko ito sa kanya
"Hmm... mabango
At ang asim nya ay tama lang...masarap nga sya... congrats sayo iha tanggap kana bilang aming kusinera"Masaya akong umuwi sa bahay mga maggagabi na ako bago ko narating ang bahay namin.
"Thank you po lord sa bagong trabaho na ibinigay nyo" tsaka.ako natulog na may ngiti saking mga labi
"Ma......pa..... teka lang po...." takbo lang ako ng takbo habang sinusundan ang likod nila mama at papa... alam kong sila yun
Halos panawan na ko ng hangin ng tumigil kami sa isang bangin
"Dothy......" malamig na tawag sakin ni mama
"Ma.....t-teka po... ma!!" Pilit kong inaabot ang kamay ni mama
Tumalon sya sa bangin....
Kasama si papa....."Dothy...anak... bumitaw kana...."
"Mama.....*sob* a-ayoko po" tsaka pilit ko pading inaabot ang kay nya kahit malapit na silang bumagsak...
Nginitian nya lang ako....
"Kaya mo yan...anak.... bumitaw kana sa nakaraan" susunod sana ako ng biglang naging masilaw na puting lugar ang kinalalagyan ko......
"Ma!!" Hingal na hingal akong napaupo sa aking kama tsaka
Sinapo ang dibdib ko dahil medyo hinihingal ako.Pagkatapos mag-ayos ay tumungo na ako papuntang bayan para pumasok sa karinderya ni madam barbara
"Magandang umaga po madam" sakto pag dating ko ay kakabukas palang ng karinderya
"Oh., hija tumuloy kana at ihanda ang dinuguan dahil siguradong mapaparami ang bibili satin nyan" ngnitian ko sya tsaka tinungo ang pasilyo papuntang kusina
Matapos ng naging aking pagluluto ay tumambay naman ako sa counter dahil nakiusap si ate ging- yung tinderang pinagtanungan ko kahapon, na kung maari ay ako muna ang mamahala sa counter dahil pupuntahan nya ang anak nya sa eskwela dahil napaaway ito umano.
"Ms. Isa ngang kare-kare tapos dalawang order ng kanin" order ito ni kuyang tricycle driver. Agad naman akong tumango at ngumiti ibinigay ko ang order nya sa aming waitress na si trisha.
"Kuya 46 po lahat" tsaka nya ibingay sakin ang pera. Inhatid sya ni trisha sa mesang nakahanda para sa kanya
Oh diba kala mo restaurant talaga kaso ngalang ang restaurant nato ay pangmahirap pero malinis naman at masarap kaya bili na !....oh ayan tuloy ahaha
Maya-maya pa dumating na si ate ging nanakakunot ang noo
"Oh ate napano ka?" Bumuntong-hinnga naman sya bago umupo sa kahoy na upuan sa harapan ng counter
"Si makoy kasi napa away nanaman susmaryosep! Suki na ata ako ng guidance office nila eh" alintaya nya sabay inom ng tubig
"Normal lang talaga yan ate ging, teka anong grade naba ni makoy?"
"Yun?, grade six na yun graduating kaso mukhang hindi makakagraduate dahil sa basag ulo talaga ang batang yun"
"Malay mo naman ate ging magbago ang ihip ng hangin diba" muli syang bumuntong hininga tsaka kumuha ulit ng malamig na tubig
"Sana nga..."
Mga bandng alas singko na ng hapon ng magpasya akong umuwi sapagkat mahaba-haba pa ang lalakarin ko tapos liblib na lugar yung lugar kung nasaan ang bahay namin kaya tamang-tama lamang ang oras nato para medyo maliwanag pa kung maglalakad ako
Ng makarating ako ng bahay ay dumiretso agad akong kusina dahil sa uhaw ko sa paglalakad pero nabitawan ko ang hawak ko na baso dahil sa nadatnan ko..
"Susko mariajoseph! Perpetua barbara!" naglikha ng tunog ang pagkabasag ng basong hawak ko dahil sa pagkabigla ko...
Lalaking walang malay...
Puno ng sugat ang buong katawan...
Punit-punit ang puti nyang damit na may bahid na ng dugo mula sa katawan nya...
Hindi tuloy makita ang mukha nya dahil sa nakaharang ang medyo may kahabaan nyang buhok
B-bampira kaya ang isang to?
Hello!!!! Pambawing update ahaha... so ito po muna ang pagtutuunan ko ng pansin
[•],[•]-Itazura_raita/ missy_bunny
YOU ARE READING
FINDING NEMO
Random(FINDING MY VAMPIRE HUSBAND) Sa lugar kung saan ang pagmamahal ay walang puwang... Dugo at buhay ng isang nilalang Ganid at paghihiganti ang nais makamtan.... Pano kung ang taong mahal mo ang sya palang isa sa mga kinamumuhian mo? matagal na sanang...