Wishing Signs: 2

18 4 1
                                    

SAM P.O.V

P.E class namin at ang swerte ko naman talaga! Soccer ang lalaruin namin.

"Sam balita ko nasa field ang varsity team ng soccer ."

Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni lily, di pa naman ako magaling maglaro ng soccer.

"So ano ang second sign mo?" tanong nito.

"Uhmm, dahil paborito ko ang color pink dapat may sout o hawak siyang kahit anong bagay basta pink."

"Pffft! Pink talaga Sam? "

"Oo naman! Ang hot niya kayang tingnan kapag ganoon." kinikilig kong ani.

"Ang laway bruha baka tumulo! HAHAHAHA Sige push natin ito."

Nakikita ko na si Ian pero walang kahit anong pink na sout o hawak.

Nakakalungkot naman.

"Sam? Okay lang yan. Hindi pa naman tapos ang P.E class may chance pa yan!"

"Tama ka! Habang may buhay may pag-asa."

Naglaro na kami ng Soccer.

Sipa doon sipa dito

Takbo dito takbo doon

Kung sineswerte ka nga naman oh! Team ko pa ang nanalo.

"Nice game girls!" Wika ni sir.

"Thank you sir!" kami.

"Okay thats it for today, you may go now girls."

Papaalis na sana kami nang field ng biglang lumapit ang Varsity team saamin.

Nakatingin lang ako sa kanya na naka sout nang PINK na T-shirt.

"Tama nga ako ang hot niyang tingnan sa pink na color. Yummy!"

"Congrats samantha ang galing niyo kanina!"  si Bryan isa sa varsity ng soccer.

Ngumiti lang ako at nag thank you.
Nag paalam  na din sila na magpa-practice na.
Umalis na din kami ni Lily.

"Kyaaaah! Bruha ang hot at gwapo ngang tingnan ni fafaa Ian mo."

"Loka! Uwi na ako bruha, byee!" paalam ko.

"Sigee, ingat ka!"

*****

Sabado ngayon. Di ko makikita si Ian mylaabs so sweet!
Tutulong na lang ako kay Mama sa gawaing bahay.


*****

Kakatapos ko lang maglinis. Umupo muna ako sa sofa at tiningnan cellphone ko.

66 Messages?! Binasa ko isa-isa at mga group text lang naman halos lahat, nag text din ang bruhang si Lily.

Nagyaya lang namang gumala sa mall ang bruha.
Panigurado magboboy hunting lang ito, dadamayin pa ako.

Naligo na ako at nag ayos ng sarili. Pagtingin ko sa oras 12:20 na pala! Makaalis na nga.

"Maaaa! Pupunta po akong mall, kasama si Lily!"

"Sige anak, mag iingat ka! Huwag magpapagabi, wag lalandi"

"Opo ma, byeee!"

Mahal na mahal talaga ako ni mother earth! Syempre nag-iisang anak na ubod ng ganda at saksakan ng bait.  Hahahahahaha

Wishing Signs (To Be Edited Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon