Wishing Signs: 3

17 3 0
                                    

SAM P.O.V

Andito na ako sa mall. Tinext ko na  si Lily at ang bruha nag bibihis pa raw! Nag enjoy raw kasi siya sa paglalaro ng Everwing at nakalimutan lakad namin.

Maglilibot-libot muna ako.

"Third sign, sana makita ko dito sa mall si Ian."

Lakad
Lakad
Hinto
Lakad ulit
Hinto
Lakad --

"Ay teka si Ian ba iyon?"

Lumapit ako ng kaunti, si Ian nga!

"OMG! Sino kaya kasama niya?"

Lalapitan ko pa sana kaso biglang nag ring phone ko.

Si Lily tumatawag.

"Hello?"

"Hoy bruha ka sam nasaan ka? Nandito na ako oh!"

"Pabalik na ako diyan bruha! Wait la--"

Putek! Babaan ba naman ako? kaloka talagang Lily na ito. Sya na nga na late eh. Amp! Binilisan ko na lang paglalakad ko.

"Lily!"

"Sam saan kaba pumunta?" tanong nito.

"Naglilibot-libot lang ako bruha ka! Ang tagal mo kasi. Tapos nakita ko si Ian sa may arcade! Third sign ko iyon. Lalapitan ko pa sana kaso tumawag ka."

"Kyaaaaaah! Talaga? Ang swerte mong bruha ka, dalawang signs na lang ang kulang at makakapagwish kana."

"Sana nga't magkatotoo ang wish ko pag na kompleto ko na."

"Magkakatotoo yan! Tiwala lang. Halika na nga! Magboboy hunting pa  tayo."

Pagkatapos naming magliwaliw at magboy hunting kuno sa mall ni Lily, Umuwi na agad kami.

"Ma andito na ako!"

"Oh anak, tapos ka na bang mag dinner?"

"Opo ma, akyat na po ako! Good Night."

"Sige nak! Magpahinga ka na."

Kapagod talaga ang araw na ito. Pero worth it naman dahil nakita ko si Ian.

Dalawang signs na lang ang kulang at  makakapagwish na talaga ako.

Fourth at Fifth sign ay

"Bukas, dapat makatabi at maka-usap ko si Ian sa simbahan."

Iyan ang last two wishes ko. Alam kong impossible, pero magtitiwala ako sa tadhana at sa kapangyarihan ng pagmamahal ko kay Ian.

Wishing Signs (To Be Edited Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon