AFTER 10 YEARS
LIM AVIATION SERVICES
RICHARD'S OFFICEPalakad lakad si Richard sa loob ng office nya hanggang sa tumigil sya at napaupo sa harap ng desk nya. Paikot ikot ng eyeball sa loob ng office nya. Sabay hawak ni Richard sa lower lip nya habang malalim ang iniisip.
Richard: Paano ko nga ba gagawin to? Saan ko hahanapin si Maya sa Mindoro? It's been 10 years Maya. Finally, magkikita na tayo ulit. I'm so excited to see you, Maya.
Sabay kuha ni Richard sa phone nya at dial sa Pinas.
***************
PHILIPPINES
LIM RESIDENCE
EXCLUSIVE COMPANY
BEFORE DINNERHabang nasa kitchen sina Grace, Adrian, Greg, Sabel at Doris.
Manang Fe: Mam Grace, dumating na po sina Donya Esmeralda at Sir Richard.
Magsisitayuan na ang mga nasa kitchen. Sabay salubong sa may living room.
Beso pa more.
Grace: How are you son?
Richard: Ok lang po Mommy. I miss you so much, Ma.
Grace: Miss you too!
Habang sa likod ay nagtutulakan sina Doris at Sabel.
Manang Fe: Psst! Sabel... Doris... Ano ba yan?!
Habang nahihiya pang magsabi.
Manang Fe: Doris! Sabel!
Sabel: Magsasalita na po.
Medyo lumapit lapit ng kunti sina Doris at Sabel.
Sabel: Ano po?... Am.... Pwede po ba kayong mayakap Sir Richard?
Mapapatingin sa mga nakapaligid sa kanya si Richard.
Manang Fe: Sabel!
Matatawa na lang si Richard.
Richard: It's ok. Come.
Sabel: Yes!!!
Sabay takbo ni Sabel palapit kay Richard at yun na nga. Hug. Sabay amoy amoy kay Richard.
Sabel: Grabe! Ang gwapo mo talaga Sir Richard! Ang bango pa! Papable!
Sabay magmamakaawa si Doris na sya din makayakap. Aya din ni Richard. Matatawa na lang ang mga nakapaligid sa kanila. Ihihiwalay na ni Manang Fe ang dalawa.
Manang Fe: Doris... Sabel... Tama na yan. Kelangan ng magpahinga ni Sir Richard.
Biglang magriring ang phone ni Richard. Ihihiwalay na nga ni Manang Fe ang dalawa.
Richard: Sorry guys. I have to take this call.
Sasagutin na nga ni Richard ang tawag.
Richard: Yes? Any update? Really?!
Biglang mapapatingin si Richard sa mga nakapaligid sa kanya.
Richard: Ok. Remind me sa office tomorrow first thing in the morning. And please ask Jonathan to book me a flight on Monday..... Thanks.
Manang Fe: Sir Richard, kelangan mo ba talagang magtrabaho agad? Kararating nyo lang. Magbakasyon ka muna Ricardo. Kahit 1 week lang.
Aakbayan ni Richard si Manang Fe.
Richard: Hindi na po kasi sanay ang katawan at utak ko na walang ginagawa Manang Fe.
Manang Fe: Oh sya! Sige. Magpahinga ka na.
