Biglang magtataka si Manang Fe. Na sya naman nina Sabel at Doris sa Servant's Quarter.
Manang Fe: Lagi naman wala dito sina Sir. Kami lang nina Doris at Sabel ng nandito.
Maya: Ang lungkot naman po pala dito.
Sabel: Sinabi mo pa Maya.
Maya: Anong oras po sila umuuwi dito?
Manang Fe: Minsan maaga umuuwi sina Donya Esmeralda at Don Roberto. Halos magkasabay lang kung umuwi sina Mam Grace at Sir Adrian at Sir Greg.
Maya: Marami din po pala kayong kasama dito.
Manang Fe: Medyo nawalan lang ng mga tao dito nung pumunta ng China si Sir Richard. Kababalik nga lang nya tatlong linggo pa lang ang nakakalipas.
Maya: Ganun po ba.
Doris: Ikaw Maya? Magkwento ka naman tungkol sayo.
Biglang matitigilan si Maya. Mapapatingin kina Manang Fe, Doris at Sabel.
Sabel: Oh! Bakit Maya?
Maya: Hindi ko alam kung saan pamilya ako nanggaling.
Doris at Sabel: Ano?!
Mapapakibit-balikat na lang si Maya.
*************
LIM RESIDENCE
eveningKararating lang ni Richard ng makita nya Si Maya sa kitchen.
Richard: Can we talk?
Tatango si Maya. Sabay kuha ni Richard sa left hand nya at hila sa kanya palabas ng bahay. Mapapatingin sa isa't isa ang mga nasa kitchen.
Greg: Nakita nyo yun? Kelangan talaga may ganun?
Pauupuin ni Richard si Maya sa bench. Ihahawak ni Maya ang mga kamay sa kinauupuan nya.
Richard: May naaalala ka ba bago ka napunta sa club na yun?
Mapapailing iling si Maya.
Richard: Ang kwento sakin ni Emman.
Mauupo din si Richard. Sabay pagdidikitin ni Richard ang hinliliit nila ni Maya na kunwari hindi naramdaman ni Richard. Mapapatingin si Maya sa daliri nila ni Richard biglang tingin sa kumakausap sa kanya.
Richard: Nakipagkita ka daw sa isa sa kaibigan mo at dun ka nga daw nya nakilala. At yung babaeng may-ari ng club. Nabrainwash ka nya. Pinagbantaan ka na papatayin nya sina Tita Teresita kung hindi mo sya susundin. Then you end up sa club na yun. They injected you with some kind of drugs na pwedeng unti unting mawala ang mga alaala mo.
Biglang tutulo ang mga luha ni Maya.
Richard: Ssshhh...
Pupunasan ni Richard ang mga luha ni Maya.
Richard: Please, don't cry.
Maya: Wala talaga kong maalala.
Hahawakan ni Richard ang mukha ni Maya.
Richard: Don't force yourself. Hayaan mo lang. Malalagpasan mo rin ito. Kaya mo yan.
Yayakapin ni Richard si Maya. At hahalikan sa forehead.
Richard: Nandito lang ako.
Maya: Thank you po Sir.
Richard: What?!
Hindi magugustuhan ni Richard ang narinig kay Maya.
Maya: Po?
Mapapabuntong-hininga si Richard.
