CHAPTERS 1 - 3 BORN FOR YOU
SCENE:
MINDORO
DELA ROSA RESIDENCEKakatapos lang paliguan ni Teresita si Baby Maya.
Cristine Rose: Ang bango mo na ulit bunso.
Nilalaro laro ni Kute si Baby Maya. Hahalik halikan sa buong katawan.
Kute: Ang bango talaga.
Biglang magriring ang phone ni Teresita at si Mamang ang makakasagot.
Mamang: Hello Conchita? ... Bakit? Anong nangyari? ... Oh sya sige... Susubukan namin pumunta dyan.
Biglang dadating si Arturo.
Arturo: Nay, tumawag po sakin si Nanay Conching.
Mamang: Katatawag nga lang Arturo. Ang inaalala ko ay ang magbabantay dito sa shop.
Arturo: Wag na kayong mag alala dito sa shop, Nay.
Mamang: Sigurado ka Arturo.
Arturo: Oo naman Nay. Ako pa.
Teresita: Ikaw Arturo ha! Baka pagbalik namin dito eh may iba ka ng babae. Matakot ka na lang sa mga anak mo dibale ng wag na sakin.
Arturo: Grabe sya oh! Sa tanda ko ng ito! Meron pa bang magkaka interes sakin.
Teresita: Subukan mo lang talaga Arturo.
Arturo: Promise! Ako na po ang kukuha ng ticket nyo. Kelan kayo aalis?
Mamang: Bukas na Arturo.
Arturo: Sige po.
********************
EXCLUSIVE SUBDIVISION
LIM RESIDENCEHabang mag isang naglalaro si Richard. Lalapitan sya ni Don Roberto.
Roberto: Son, would you like to play with me?
Sasagot na lang sana si Richard ng biglang tumunog ang phone ni Roberto.
Richard: It's ok Dad. I can play by myself.
Roberto: Sorry son. Have to go to office.
Esmeralda: Kawawa naman si Richard.
Lalapit ng kunti si Manang Fe kay Esmeralda.
Manang Fe: Mam, wag nyo po sana mamasamain ang sasabihin ko.
Esmeralda: Go ahead Fe.
Manang Fe: Bakit po hindi nyo ipasyal si Richard para malibang po sya.
Mapapaisip bigla si Esmeralda.
Esmeralda: Great idea Fe! Bakit ngayon ko lang naisip yun?
*****************
QUEZON CITY
CONCHITA'S RESIDENCEConchita: Mamaya pupunta tayo sa Luneta Park.
Mamang: Malapit lang ba yun dito?
Conchita: Oo naman.
****************
LUNETA PARKHabang inihahanda nina Esmeralda at Fe ang table nila ay naglakad lakad muna si Richard. Hanggang sa makita ni Richard ang isang baby. Biglang titigil sa harap nun si Richard.
Richard: Hello po!
Biglang mapapatingin kay Richard sina Teresita, Conchita, at Kute.
Conchita: Ang gwapo naman ng bata na ito.