Chapter 25 Delivery

11.1K 344 7
                                    

It's been three months since that fateful day that leads to Jhossa's disappearance happens. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nalilinawan kung ano ba talaga ang totoong nangyari dahil ng dumating sila sa pinangyarihan ng aksidente ay tanging sunod na sasakyan na lang kaibigan nila ang naabutan nila.

And of course Kyshaun's devastated state. Ni hindi na nga ito ynakausap ng nang maayos dahil halos lahat ay sinisigawan nito for instruction and even threatened some of the rescuers kapag hindi nailigtas ng mga ito si Jhossa.

But the car was totally burned beyond recognition kaya ipinagpalagay ng mga imbestigador na kasamang naupos at nasunog ang katawan ng taong sakay nito.

Those were the darkest part of their friendship life. Hindi niya alam kung ilang beses ba siyang nawalan ng malay at muntik pa ngang malagay sa alanganin ang ipinagbubuntis niya, mabuti na lang talaga at naroon at walang sanang nakaalalay sa kanya ang asawa niya.

Kaizer was her strength that time para malagpasan ang pagsubok na iyon, along with her friends at kahit paano naman ay unti-unting  natatanggap na nila ang nangyari.

But it doesn't mean na naniniwala na  silang patay na nga ang kaibigan. Because they don't.

Kyshaun refused to believe so too.

At ang labi naman na nakita hindi kalayuan sa kinalaglagan ng sasakyan ay hindi umakma sa DNA ni Jhossa kaya naman hindi sila nag announce na patay na nga ito.

Masasabing missing pa rin ito at iyon ang magpa-hanggang ngayon ay hindi nila sinusukuan.

At kakompetensiya nila si Kyshaun sa karerahan sa kung sino ang unang makakakita kay Jhossa, their missing model.

They were hoping that one day, Jhossa would walk into their door and surprised them with a visit.

" Nag-iisip ka na naman my queen?" Kaizer asked ng pumasok ito sa may sala at umupo sa tabi niya at hinawakan ang tiyan niya na kabuwanan na ngayon. " Hi baby, how are you? Hindi ka pa ba lalabas? Excited na si daddy na makita ka."

Shey looked tenderly at her husband, habang kinakausap nito ang nasa tiyan niya. She can't help but smile habang pinagmamasdan ito.

Who would have thought na ganito pala ka sweet at kaalaga ang  mayabang na lalaking kinasusuklaman niya noon at halos isumpa?

He might not be perfect, sino ba ang taong perpekto? But Kaizer really provides her and their soon to be baby the best that he got. Never in their life as husband and wife na naging dull ang moment nila. Palagi itong may sorpresa para sa kanya, maliit man iyon o malaki.

He would always makes her smile also at higit sa lahat he always cares and protects her in every way possible.

Kulang na lang ay magsabihan sila ng I Love You sa isa't-isa. Salitang hanggang ngayon ay hindi naririnig ng sinuman sa kanila.

Bahagya siyang napasimangot sa parteng iyon.

Oo nga at sweet si Kaizer. He never fails to make her feel special. He knows what to say even at the wrong time.

Pero putang panget! Gusto pa yata siya ang maunang magtapat ng pagsintang pururot niya dito. Napakagaling naman!

Pero ayaw niyang sa kanya unang manggaling ang pagtatapat.

Kahit naman parang armalite ang bibig niya at masyadong honest, iba pa rin kapag tungkol sa feelings ang usapan.

Siya na nga ang nagyayayang magpakasal dito, tapos siya pa rin ang mauunang magtapat. Napaka- swerte naman talaga ng lalaking ito.

While looking at him ay naramdaman niya ang bahagyang pananakit ng kanyang tiyan.

Sa una ay hindi niya iyon pinansin dahil nga sa kabuwanan na niya ay madalas na ang pagsakit ng tiyan niya pero palagi namang false alarm.

STUPID GAME CALLED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon