Chapter 21 Panic Alert

9.8K 359 11
                                    


Shey wake up in the middle of the night, nagugutom siya at may partikular na pagkain siyang hinahanap. Sinubukan niyang bumangon pero na napigilan siya ng braso ng asawa na nakapulupot sa beywang niya.

Banayad na nilingon niya si Kaizer, she doesn't want to wake him up, lalo pa at alam niyang pagod ito sa pag-susupervise sa dalawang hotel. Simula kasi ng bumalik siya ay hindi pa niya nabibisita ang SL, she have no will to go there at ayaw pa ng katawan niya ang magtrabaho kaya naman nagprisinta na si Kaizer na ito na muna ang pansamantalang titingin doon.

She sighed at marahang hinaplos ang mukha ng asawa. Wala siyang dapat sisihin kundi ang katamarang nararamdaman niya ngayon.

She would love to linger more on caressing her husband's face, kaya lang naramdaman na naman niya ang pagwawala ng tiyan niya, and this time it's really rambling mukhang nagsalita sa pambabalewala niya, without thinking for anything ay agad niyang inalis ang braso ni Kaizer na nakaupo sa kanya at nagmamadaling bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto.

Tiyak ang direksyon na tinungo niya ang kusina at agad na binuksan ang ref. She search for that familiar thing na hinahanap ng sikmura niya, inilabas niya ito at excited na binuksan pero naningkit ang mata niya ng makitang halos wala nang laman ang box na pinaglalagyan nito.

" Oh my Gosh, no! Sinong nakialam ng cake ko?" She put the empty box at the table at may panlulumong napaupo siya sa stool at pinagmasdan ang kakapiranggot na tira ng cake.

Matagal siyang halos nakipagtitigan lang sa cake, hanggang sa hindi niya na namalayan na umiiyak na pala siya.

Sa simula ay tahimik lang siyang umiiyak, trying to coiled up her emotion, hanggang sa unti-unting lumakas ang paghagulhol niya.

" My queen," Kaizer's voice penetrated her. " What's the matter? Bakit ka umiiyak?" Naramdaman niya ang paglapit nito at ang pagyapos sa kanya, trying to soothe her, but in her state walang ibang makakapag paalis ng nararamdaman niyang disappointment.

Sumisinghot pa na nag- -angat siya ng paningin at tila batang nagsumbong sa asawa.

" Bago ako umakyat buo pa yan." She hiccup." Pero ngayon wala na, may nakialam sa cake ko, Brockwell at pinalulungkot niya ako."

Natawa si Kaizer. " It's only a cake my queen and besides hindi pa ubos yung nasa box, you can still eat and be full with the remains."

She darted him a sharp look. " Anong ibig mong sabihing cake lang yun? Hindi yun basta cake Brockwell, it is macapuno cake. My macapuno cake. At anong sinasabi mong mabubusog ako sa tira- tira?" Kumawala siya mula sa pagkakayakap nito at hinampas ang asawa sa dibdib. " Damn you? At anong tingin mo sa akin? Aso? Nag evolve na ba ako? Hindi na ako tuta?" Asar na asar siya, and to make matters worst ay napaiyak na naman siya.

Kaizer pulled her closer to him. " Ssshh, my queen. Sorry pero hindi naman yun ang gusto kong sabihin, what I mean is, meron pa namang cake and it can still feed up your empty stomach. Sa tingin ko nga hindi mo naman siguro kayang ubusin yan," inginuso nito ang box ng cake.

" No. I don't want that. B-bawas na 'yan. Hindi na m-masarap. Gusto ko ng bago. Ibili mo ako ng bago." She hiccuped dahil sa patuloy na pag-iyak.

" My queen it's midnight already. Saan naman ako maghahanap ng bukas na bakeshop?" Kaizer asked. He had this incredulous expression on his face.

She was tempted to touch his face dahil ang cute nito tingnan, but her empty and searching stomach is still on it's hike. Talagang hinahanap ang pagkaing pinagtitripan.

Sumimangot siya, her eyes slit in annoyance dahil sa sagot nito.

" Eh di maghanap ka," bugnot na bulyaw niya dito. " Ikaw naman ang may kasalanan eh. Siguro ikaw ang kumain ng cake na 'yan." May pagka disgustong dinuro niya ang maliit na karton. " Hindi ka man lang naawa sa akin, inunahan mo pa akong kainin yan."

STUPID GAME CALLED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon