Chapter 23 Storm is Brewing

10.7K 331 5
                                    

Being pregnant is never that easy at iyon ang nararamdaman ni Shey habang lumilipas ang mga araw na dinadala niya sa sinapupunan ang unang anak nila ni Kaizer.

Kahit tapos na ang stage ng paglilihi niya ay ganoon pa rin ang emosyon niya. Perks of being pregnant.

Palagi ng nag-iinit ang ulo niya, at ang binabagsakan lahat ng galit at asar niya ay ang asawa. But Kaizer is patient and never gets angry, na-amuse pa nga ito sa nangyayari.

Ito yata ang pinaglilihian niya! At ang nakakaloka anim na buwan na siyang buntis pero parang naglilihi pa rin siya.

Even she doesn't understand kung ano ang takbo ng emosyon niya. Minsan she like to cuddle with him but most of the time, ayaw niya itong nakikita.

Katulad nalang kanina nasa kalagitnaan siya ng paglalambing dito ng bigla itong makatanggap ng tawag mula sa branch ng SL na pansamantalang hinahawakan nito, kailangan raw  nitong pumunta doon dahil may emergency.

Agad na nag-init ang bumbunan niya lalo pa at parang hindi mapakali ang asawa after nitong makausap ang kung sinuman na nasa kabilang linya.

She even saw him pale at lumayo pa ito sa kanya habang nakikipag-usap sa cellphone nito.

Parang may mga ipakikipag-usap ito na ayaw nitong marinig niya.

She even got curious, because Kaizer keeps on throwing glances at her na para bang tinitingnan nito kung nakikinig ba siya sa usapan ng mga ito.

At yun nga, pagkatapos nitong makipag-usap ay nagmamadali itong lumabas ng bahay, ni hindi na nga nito nakuhang magpaalam sa kanya.

Bagay na ikinangingitngit niya hanggang sa mga oras na ito.

Because it has been a while since her husband left at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula dito.

If it's a problem with SL Hotel, hindi ba dapat ay itinawag na rin ito sa kanya ni Antoine? She is but after all the owner and CEO of that franchise. But she has never received anything at all.

She sighed at pilit na pinakalma ang sarili. Sinubukan niyang libangin ang sarili. Kinuha niya ang cellphone niya at saka pinagdiskitahan ang pagkuha ng litrato.

She giggled habang tinitingnan ang mga kuha sa sarili. Before she can't imagine herself na lumolobo ang tiyan pero ngayon, ibang usapan na. She felt a sudden proud and joy habang tinitingnan ang malaking tiyan.

" Enjoying the view?" A familiar voice suddenly asked her, making her turn her attention towards the door.

Napamulagat siya ng makita ang kaibigan na matagal ng hindi nagpaparamdam sa kanila simula ng huli silang nagkita noong kasal niya.

" Punyeta, babe! Saan ka ba nanggaling
na babae ka huh? Bakit ang tagal mong nawala at bakit hindi mo man lang kami binabalitaan? Don't you know how worried we are, because stupid you ni hindi ka man lang nagpaalam na mawawala ka sa sirkulasyon. I was expecting na after mong magretire sa magiging model mo eh mas madadagdagan ang oras mo sa amin pero hindi, you were always out of sight. Mas malala keysa noong nag shoshow ka pa sa ibang bansa." Dumiretso siya sa kinatatayuan nito at niyakap ito. Hindi alintana ang laki ng tiyan niya upang yakapin ito ng mahigpit, wanting to be sure na nakatayo nga talaga ito sa harapan niya.

Umangal si Jhossa dahil sa higpit ng yakap niya. " Grabe ka naman, Shey. Parang anim na buwan lang naman tayong hindi nagkita- kita ah. Dati nga halos dalawang taon tayong hindi nagkikita-kita eh."

" Gaga, iba yun! Dati kapag missing in action ka nakakausap ka pa namin sa telepono at nakikita sa Skype, pero ngayon you literally left us without any information at all regarding sa kung nasaan ka. "

STUPID GAME CALLED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon