Memory - Chapter One

53 0 1
                                    

Chapter One – Ideal Man

 Isang maputing kisame ang nasilayan nya ng iminulat ang kanyang mga mata. Unti-unti na rin nyang nararamdaman ang pananakit ng katawan lalo na ng kanyang ulo. "Samantha..." puno ng pagmamahal at tuwa na bungad sa kanya ng isang lalaking naka-upo sa upoang nasa tabi ng kanyang kama.

Nagkunot ang kanyang noo na tumingin rito.Pilit nyang minumukhaan ngunit hindi nya kilala ang lalaki. Nabalot din sya ng hiya nang makitang hawak pala nito ang kaliwa nyang kamay. Agad binawi ni Samantha ang sariling kamay mula sa kaharap. Napakagwapo nito. Kahit pa bakas sa ayos ng lalaki ang kulang sa tulog at tila ba ay kagigising lang din nito noong magising si Samantha ay di maitatangging ubod ito ng gwapo. Napuna nya ang pag lungkot ng mukha nito bago tumayo. 

"Tatawagin ko lang ang doktor. Manatili ka munang nakahigia baka may masakit pa sayo,Samantha."paalam nito bago tuluyang tumalikod at lumabas ng kwarto.

Hinawakan ni Samantha ang kanyang ulo. Nadama nyang may bandage iyon. Wala syang maalala kung bakit naroon sya sa ganong kalagayan. Napatitig na lamang sya sa kisame nang mapagtantong pati sarili ay hindi nya kilala maliban sa tinawag sya ng gwapong lalaki'ng iyon na "Samantha".

Pumasok ang doktor at may kasabay din itong may-edad na mag-asawa at isang batang nasa isa hanggang dalawang taon ang edad ngunit wala sa mga pumasok ang lalaking nabungaran nang magising - nakaramdam sya ng pagkadismaya.
"Hija,anak. Mabuti't nagising kana." mangiyak-ngiyak na wika ng ginang na syang may karga ng bata. 
Natuon naman ang kanyang atensyon sa dala nitong bata na nag smile agad sa kanya. Sobrang cute nito at tila ba hawig sa lalaki kanina.
"Ano pong nangyari sa akin?Sino po kayo? Bakit nyo ako tinatawag na anak?" muli ay baling nya sa babae. Napatingin ang ginang at ang kasama nitong lalaki sa doktor. 
"Expected talaga yan lalo na't head injury. Pero asahan nating di 'yan magtatagal. Pansamantalang amnesia lang po yan misis" tugon naman ng doktor sa noo'y puno na ng pag-alalang mag-asawa.

Lumapit na lamang  sa kanang bahagi ng kama ang babae dahil ini-examine ng doktor si Samantha sa kabila. 
"Hija. Nasa labas si Paul. Nahiya na  syang humarap uli sa iyo. Heto si Paulo,ang anak nyo. Ako ang ina mo,hija. Daddy mo naman,si Samuel."di magkandamaliw at luhaang turan ng ginang na pina-upo sa tabi ni Samantha ang bata.

Iniangat nya ang nananakit na braso upang mahawakan si Paulo.
"Anak ko...ito? kay gandang bata"uminit ang mga mata ni Samantha nang tanungin iyon sa ina. 
Nagkatinginan naman ang ama nya't ina sa tinuran nyang iyon. Hinagod-hagod nya ang ulo ng bata na panay ang ngiti sa kanya. "mo--myy.."nangiti parin nitong tawag sa kanya na labis nyang ikinatuwa. Naalala nya ang sinabi ng ina na may asawa din sya. 
"Si Paul po ba ay 'yong lalaking nagbabantay sa akin dito kanina?"kinakabahan nyang tanong.
"Oo. Tama ka,anak. Dito sya natutulog simula ng maaksidenti ka tatlong araw na ang nakakaraan." Namula ang magkabila nyang pisngi sa narinig. Hindi sya makapaniwalang ganun kagwapo pala ang kanyang mister. Nagtataka tuloy sya bakit ito pa ang may ganang mahiya.

"Pwede naman pong sa bahay nyo na sya pagpahingahin para narin makatulong sa mabilis na pagbalik ng kanyang alaala.Mas mainam na  manatili sya sa isang pamilyar na lugar." wika ng doktor sa kanyang ama't ina.  "Sasabihan ko na rin si Mr.Marzi upang maibigay ko din sa kanya ang mga perskipsyon ng mga gamot." dugtong nito sa sinasabi bago nagpaalam pati sa kanya.

Ilang sandali pa ay pumasok si Paul sa kwarto. Nagkatitigan sila bago ito napatingin kay Paulo na nasa kama parin nya at nakikipaglaro. Ibinaling narin ni Samantha ang atensyon sa bata nang makaramdam ng hiya noong ibinalik ni Paul ang pagtitig sa kanya. Nilapitan ng mga magulang nya si Paul. Animo'y nagpupulong ang mga ito. Pagkaraa'y lumapit si Paul sa kanya na labis nyang ikinapula ng mga pisngi.

"Pwede na raw tayong umuwi,mahal. Gusto ko sana sa bahay bakasyunan natin tayo tumuloy para malayo ka sa polusyon ng syudad."anitong hinawakan ang kanyang isang kamay.
Nanatiling nakayuko si Samantha habang tumango ng marahan bilang pagtugon rito. Idinapo ni Paul ang kanyang daliri sa baba ni Samantha upang i-angat ng kunti ang mukha nito. Muli na namang pinagpulahan ng mga pisngi si Samantha nang magtama ang kanilang mga mata. 
"May masakit pa ba sa katawan mo?"malambing nitong tanong. Marahan naman itong umiling kahit ramdam nyang may nananakit parin sa kanyang katawan.
"I'll pay the hospital bill at aalis na agad tayo after."muling sabi ni Paul dito.

MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon