Memory - Chapter Two

16 0 1
                                    

Chapter Two – “Family”

Isang buwan na rin ang makaraan ngunit wala paring maalala si Samantha. Isang
katulong na lang din ang kanilang pinanatili doon dahil narin sa kagustuhan
nyang sya na mismo ang mag-asikaso ng bahay nila.Kaya pinabalik ni Paul ang
isang katulong sa bahay nila sa Manila.
Nasa siyudad si Paul ng araw na iyon.Masaya naman si Samantha na
nakikipagkuwentuhan kay Nelya na kanilang katulong.Pinapanood nila si Paulo
na naglalaro ng mga toy trucks habang nag gagarden naman sila.
"Ang laki talaga ng pinagbago mo,maam.Sobrang saya ko po para sa inyo."
"Bakit,yaya,dati ba ano ako?"

Huminto sa paglalagay ng lupa si Nelya sa paso at malalim na nag-isip bago nag salita.
"Napakasosyal mo dati,maam.Hindi mo nga kami kinaka-usap dati.Lalo na si Paulo."
Natigilan si Samantha sa ginagawa.Nilingon uli si Paulo bago ibinalik ang paningin sa kausap.
"Anong pinagsasabi mo,yaya?anak ko kaya yan"bahagyang syang ngumiti dito.
"Totoo,maam.Ayaw mo kina sir at lalo na sa batang yan--kay Paulo.Lagi ka ng gabi umuuwi noon."
Ibinalik ni Samantha ang atensyon sa ginagawang paghahalaman ngunit wala doon ang kanyang isipan.Nagugulohan sya sa sinabi ni Nelya.

"Bakit naman kaya ako ganoon,yaya?"malumanay nyang tanong.
"Dahil may iba kang mahal,maam.Balita ko pa na napilitan ka lang magpakasal kay sir Paul."
Napatitig sya rito.Pinakiramdaman nya kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.Ngunit nakikinita nyang totoo iyo at talagang insensitive ang kausap kaya't walang paki-alam kung kumplikado ang topic.

"Baka naman haka-haka lang yan,yaya ha."
"Nakuu..!Hindi po maam.naalala ko pa nga nasa may pinto lagi yan si sir naghihintay sayong pagdating.Minsan sa couch nalang sya umuupo kapag matagal ka talaga masyado.doon yon sa bahay nyo sa Manila.Darating kayo na lasing at hindi mo sya pinapansin."
"hindi ko maisip na gawin yan sa kanya,yaya.mahal ko si Paul."
"Yan nga po sinasabi ko,maam.Ang laki ng pinagbago nyo."

Hininhintay ni Samantha si Paul.Palakad-lakad sya sa sala nila.Hindi sya mapakali dahil sa mga sinabi Nelya.Hindi nya alam kung maniniwala pa sya dito dahil hindi nya matanggap na ginawa nya ang mga sinasabi nito kay Paul.Ayaw ng puso nyang paniwalaan ito kahit alam nyang hindi ito nagsisinungaling.
Naupo sya sa sofa.Isang oras pa bago ang pagdating ng asawa.Kay bagal ng oras para sa kanya ng mga sandaling iyon.Hindi nya namalayang nakatulog ng sya doon.

"How long will you let your self live like this before you'll let go of me?"Galit na tanong ni Samantha.
Lasing ito at inalalayan sya ni Paul sa paghiga sa kama.
"Magpahinga ka na.Alam kong pagod ka."
"Paul...alam mong sya ang kasama ko diba?Alam mong sya ang mahal ko diba?With what you're doing,I'm hating you more.I hate you for not freeing me.I hate you.i hate you Paul..."tuluyan syang nakatulog sa antok.
Hinagod naman ni Paul ng kamay ang kanyang buhok ni Samantha at lumuluhang humalik sa kanyang noo.
"Didn't you've love me that night?"marahan nitong bulong.

"Paul..!"
Agad lumapit si Paul sa kakagising na babae.
Nangingilid ang mga luha nito sa pisngi.Agad itong yumakap sa nakalapit ng si Paul.
"Paul...Paul...mahal ko."
"Sshhh...I'm here.I'm just here.Nakatulog ka yata sa paghihintay sa akin sa sala kaya iniakyat na kita rito sa kwarto natin.Did you have a bad dream?"buong pag-alalang wika ni Paul.
Marahang tumango si Samantha rito.Di na sya umimik pa.Ramdam nya parin ang sakit na nadarama nya sa kanyang panaginip.Hindi nya maintindihan bakit pinagsalitaan nya ng mga ganoon ang lalaki.Labis na dinurog ang puso nya nong umiyak si Paul sa kanyang panaginip.
"Mahal,wag na wag mo akong iiwan.I'm sorry."hindi tumitigal sa pag-iyak si Samantha at nanatiling nakayakap sa asawa.
"It was just a dream,mahal.I'm here.I will always be with you."
Kumalas ng yakap si Paul ng maramdaman ang magtahan nito.Hinaplos nya ang mga pisngi ng asawa at pinahid ang mga luha doon.
"Did I left in your dream?"nakangiting tanong nito.
Napatigil sandali si Samantha.Muling nag-unahan ang kanyang mga luha sa pagpatak.
Umiling sya sa kaharap.
"I--I was the one who wanted to go."
Napitda si Paul sa sinabi nito.Bumakas sa anyo ang matinding takot.Di ito agad nakakibo na napansin ni Samantha.
"Tell me you're not letting me go,please.Hindi ko maintindihan bakit kita gustong iwanan,mahal."luhaan nitong sabi.
Hinawakan ni Paul ang kanyang kamay.
"Mahal,totoo bang may iba akong gustong lalaki?Paanong nangyari iyon?Paanong niloko kita sa pagsasama natin?Paanong hindi ko minahal pati si Paulo?Sabihin mong hindi iyon totoo lahat."
Labis na namutla ang lalaki sa mga tanong ni Samantha.
"Sinong may sabi sayo ng mga iyan?si yaya ba?"
Marahang tumango si Samantha samantalang nagtiim-bagang naman si Paul.
"Bakit,mahal?Totoo ba?"anitong hindi na hinintay ang kanyang sagot at humagulhol na ito ng iyak.
Mahigpit lamang syang niyakap ni Paul.Hindi ito umimik.Magkahalong galit,kaba at takot ang nadarama ng lalaki.

MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon