Ang lamig.
Nakasuot dalawang layer na ako ng jacket pero ang lamig padin.
"Okay class! Since sobrang lamig ngayong araw na 'to, we prepared a game for you para naman mabawasan ang lamig na inyong nararamdaman." masiglang sabi ni Ma'am Reyes.
"Ma'am!" sabi ni Roy, kaklase kong makulit.
"Yes, Roy?"
"Paano po 'yung puso niya, mababawasan din ba 'yung lamig kapag nilaro namin 'yan?" pasigaw niyang sabi.
Natawa naman kami.
Wednesday ngayon at homeroom namin. Every homeroom, nagpiprepare ang every adviser ng laro na pwedeng laruin ng buong klase.
"Okay so ganito. Everytime na magsasabi ako ng number, kailangan magg-group kayo base sa number na ibibigay ko. Kunwari sabi ko ay 15, dapat 15 sa isang group. Kapag kulang, sobra or wala kang group, you're out! Rule! Kailangan magkakayakap kayo sa iisang grupo.Okay? Ang mananalo, may price saakin." sabi ni Ma'am Reyes.
Sigawan naman sa classroom.
Kapag nagbibigay kasi ng price si Ma'am, mamahaling chocolates or branded na damit. Mayaman kasi eh.
Tumayo na kaming lahat at pinaround ang upuan namin para magka-space sa gitna.
Lumapit naman ako kela Henna, Kelly at Gin. Mga kaibigan ko.
"Okay, group yourself into 15!" sigaw ni ma'am.
Nagsiguluhan sa classroom.
Naggrupo kaming 4 nila Kelly at lumapit na iba pa sa amin.
Hanggang sa twenty nalang ang natitira at kasama na kaming apat nila Kelly.
Kasama siya sa mga naiwan pa.
"Group yourself into 11!"
Hanggang sa ako nalang at si Gin, at siya ang naiwan.
"Okay! Dalawa ang mananalo dito! Group youself into two!" sabi ni Ma'am.
Sigawan naman na sa classroom. Tumingin ako kay Gin at lalapitan ko na sana siya ngunit nabigla ako ng may humila saakin at niyakap ako.
Sigawan sa classroom at puro 'yiee' ang naririnig ko.
Siya. Si Tres.
Damn.
BINABASA MO ANG
Beside Everything
Teen FictionYou know that it is true love when all you can feel is pain.