"Muling ibalikkk ang tamisss ng pag-ibiggg!!!" Pasigaw na kanta ni Henna na may kasamang imaginary mic.

"Shut up." Singhal ko

Kanina pa kasi nila ako inaasar dahil sa nangyari sa laro kanina.

Ako din nabigla eh.

"Hindi ba 2 years mo na 'yun na gusto?" pasigaw na sabi ni Kelly.

Tinakpan ko yung bunganga niya.

"Shit. Tumahimik ka! Baka may makarinig sa'yo maissue 'yan!" singhal ko.

Iniiwasan ko na nga iyon na mangyari eh.

Baka mangyari nanaman 'yung nangyari last year.

"Ano bang nangyari sainyong dalawa? Hindi ba close naman kayo noon?" sabi ni Henna.

"Oo nga." pagsang-ayon ni Gin.

"Alam ko nangyari! Kwento ko na ba?" Sabi ni Kelly.

Inirapan ko siya. Alam niya kasi yung nangyari noon kasi magkaklase kami nun.

"Huwag na, Kels." ayoko na maalala.

"Sige na!" Pagsang-ayon nila Henna at Gin.

"Please. Huwag na."

Hindi na sila sumagot.

Andito kami sa cafeteria ng school. Lunch na kasi. Kakatapos lang ng Homeroon namin at nang nangyari kanina.

Kinuha ko 'yung biscuit at isusubo ko na sana kaso bigla aking kinalabit ni Kels bago ko pa maisubo.

"Bakit nga ba hindi na kayo nagpansinan ni Tres nung mga fourth grading na? Ang alam ko lang umiwas siya. Ano nga ba talaga?" nagtatakang tanong niya.

Napangisi ako.

Ano nga ba talaga? Ha.

"Hindi kasi ako maganda at kasing sikat ng mga ex niya. Hindi din kasi ako famous eh." sarkastiko kong sinabi.

Napanguso siya. "Weh? Maganda ka naman eh! Kilala ka rin! 'Yung mga ex niya? Hindi naman na yun mga vir--" tinakpan ko yung bunganga niya. Pinagtitinginan na kaya kami!

"Tumahimik ka!"

Natawa naman yung dalawa.

--

"Based on Romeo and Juliet, are there anny lessons that you have learned based on the story?" sabi ni Ma'am Milenda.

Nagtaas ng kamay si Gin. Best in English yang babaeng 'yan eh.

"Yes, Miss Perez?"

"Love conquers all!" pasigaw niyang sabi niyang sabi.

Natawa ako bigla.

Napatingin tuloy saakin si  Ma'am.

"You may seat down Miss Perez. How about you Miss Asuncion?"

Shit.

Tumayo ako. Damn, nakatingin siya.

"Ah, Ma'am, that we are too young for love. We shouldn't rush and wait for the perfect time." sabi ko at ngumiti kay Ma'am sabay tingin kay Tres.

Na nakatingin din saakin. Walanghiyang tingin 'yan.

"Okay, Miss Asuncion, take your seat. Who else?"

Tumingin si Ma'am sa paligid. At napatigil siya kay Tres.

"Mr. Fernandez, how about you? Bakit ka nakatulala?" sabi ni Ma'am na nagpakuha sa atensyon niya.

Bigla namang tumayo si Ayen, kaibigan ni Tres at sabing,"Ma'am! Napapaisip!" napatingin saakin si Ayen.

Bakit?

Tas nag-yie silang lahat.

"Stop, Ayen. Mr. Fernandez, any answer?"

Tumayo siya."Ma'am, too much love will kill you." Sabi niya.

Tumayo si Ayen sabay tingin kay Tres at kumanta ng "Too much love will kill you!" habang nagwiwave ng hand na parang nanonood ng concert.

Tawanan nanaman.

Nagdodoodle ako sa papel ko ng may biglang may kumalabit saakin sa likod.

"Yes?" ani ko.

"Alam mo ba kung ano ibig sabihin ni Ayen?" sabi bigla ni Anton. Kaibigan nila Tres na nasa likod ng upuan ko.

"Ano?"

Ngumiti lang siya.

Bwisit. Weirdo.

-

Beside EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon