Thank God it's Friday!
Kakatapos lang ng last subject namin at isa lang masasabi ko, I hate math!
Bwisit!
"Grabeee! Ang hirap ng quiz sa math! Aanhin ko 'yang Y eh wala naman akong ex?!" singhal.
Kahinaan ko talaga ang Mathematics grabe. Ibigay niyo na lahat ng subjects huwag lang Math at Science!
"Okay ka lang, girl?" natatawa niyang sabi.
"Ano sa tingin mo?" singhal ko.
"Guys." Sabi bigla ni Kels habang parang may katext sa phone niya. "Gusto niyo bang mag-sleep over? Wala sila Mama sa bahay ng 2 days eh." sabi niya habang nakatingin sa phone niya.
"Talaga?!" sigaw ni Gin.
"Yup! Pero andun si Kuya. Baka tumambay sila Ayen at nila Tres." sabi ni Kels sabay tingin saakin.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman ngayon?
"Okay lang sa'yo, Sands?" nag-aalalang tanong niya. Napatingin narin ruloy yung dalawa na parang nag-aalala.
"Oo naman." Kapag hindi ba, may magbabago? Syempre hindi ko sasabihin 'yun.
"Osige! Ipapaalam nalang kayo nila Mama. Text nila mga mama's niyo? Okay?"
Tumango kami.
--
Pag-uwi ko sa bahay, nag-impake na ako ng damit na gagamitin ko for 2 days. Hinatid kami ni Kels pauwi para maipaalam niya kami ng personal sa parents namin. Close sila eh.Pagkatapos kong mag-empake, nagtext si Kelly na nasa gate na sila kasama 'yung dalawa kaya bumaba na ako at nagpaalam kela Mama.
Puro tawanan lang kami sa buong biyahe. Medyo malayo kasi 'yung bahay nila Kelly kaya mga 40 minutes 'yung papunta sakanila.
Bago dumiretso sakanila, pumunta muna kaming town para bumili ng mga kakainin mamaya.
Nung nasa grocery na kami, magkasama kami ni Kelly at si Gin at Henna naman ay magkasama at humiwalay saamin para kumuha ng drinks.
Nasa may part na puro chocolates kami banda. Kumuha ako ng 3 pack ng Reese's at 3 Mars bar. Heaven, bes.
"Alam mo ba na nagbago ka?" parang wala lang na sabi ni Kelly habang kumukuha ng toblerone.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Basta. May nagbago sa'yo. Like, sa awra mo ganun, iba na." sabi niya.
Hinila ko 'yung cart at pumunta sa may mga instant noodles at kumuha ng mi goreng na noodles. "Is it a bad thing?" ani ko.
Umiling siya. "No naman. Pero iba lang eh. Ano ba talagang nangyari?" sabi niya.
"Ha?" patay malisya ko.
"Alam mo ba, kwento saakin ni Kuya Kyle, may mga times daw na nakatulala lang si Tres. Sa tagal nilang magkakaibigan, hini naman daw siya ganun." sabi niya.
Ang alam ko, simula nung grade four kami Tres, Ayen, Anton, at Lawrence, kaibigan na nila si Kuya Kyle. Kahit mas matanda si Kuya Kyle ng three years saamin.
Pinsan kasi nila Kelly si Lawrence at Gin kaya nagkakilala sila Tres at kuya Kyle dahil kay Lawrence.
Magkaibigan narin sila Henna, Gin at Kelly simula elementary. Nakilala ko lang sila ngayon grade 9 kami. Si Kelly lang talaga 'yung may alam ng kaunti sa nangyari nung grade 8 kami. Bangungot na gusto ko ng kalimutan.
"Ay oh? Baka nag-away sila ni Rain." walang emosyong sabi ko.
"Hindi na sila MU! Nung summer pa. 1st grading na huy!" sabi niya.
"Tara saan muna tayo serenitea after natin magbayad." pag-iwas ko sa topic.
Napansin niya siguro na ayoko na pag-usapan kaya tinigil niya tapos tumawa. Um-oo nalang siya.
8pm na kaya tinake out na namin order namin tapos diretso na ng bahay nila Kelly.
Pagbaba namin sa van, maririnig na iyong ingay sa loob at si Ayen ang naririnig ko.
Ang ganda ng bahay nila Kelly. Hindi mansion pero malaki. Three-storey house na kulay puti ang kulay sa labas. Pagpasok mo sa gate, may malaking garden tapos may swimming pool sa tabi ng garden. Pagpasok namin ng bahay, makikita mo agad yung chandelier sa may sala nila ant nandun na sila Ayen, Anton, Lau, Kuya Kyla at Tres.
"Living young! And wild and freeee!!!" Pagkanta ni Ayen sabay naghehead bang at nagkukunwaring mike yung tinidor. Tumatawa silang lahat except si Tres na malalim na nakatingin saakin.
Tanginang tingin 'yan.
Umiwas ako ng tingin at napatingin kay Kuya Kyle na nakatingin din saakin kaya nginitian ko din siya.
Napatingin saamin si Ayen. "Hi Ladies!" sabi niya at lumapit kay Gin. Crush na crush niya si Gin simula pa daw elementary sabi nila Kels saakin.
"Ano ba Ayen!" sabi ni Gin.
Inistop nila 'yung music at lumapit sila saamin.
Lumapit si Lau at kinuha yung plastic bag na hawak ko na halos chocolates ang laman,"Sandy! Ano 'yan? Para saamin ba 'yan?" sabi niya.
Nakikita ko padin si Tres na nakatitig saakin. Tangina.
Tinignan ko siya ng walang kaemosyon emosyon."Feeler."
"Ooh!!" Sabi ni Anton sabay tingin kay Tres na nakatingin lang saakin.
Bakit ka ganyan?
"Guys akyat lang kami sa room ko, lalagay muna namin bag namin, okay?" sabi Kelly.
"Baba kayo mamaya ah? Laro tayo!" Sabi ni Ayen.
"Ang daming alam." Sabi ni Gin kay Ayen.
Kinindatan niya si Gin, "Ganyan talaga babe!"
Umakyat na kami at nagbihis ng pambahay. Naka pajama lang ako ay sobrang loose na black tshirt at naka slides na nike.
"Nagugutom ako!" sabi ni Henna.
"Same." sabi ko.
"Kain!!" Sabi ni Gin.
Pagkatapos namin kumain ng junk foods, bumaba kami at nakita namin sila dun na may hawak na bote at nagpapaikot.
Anong trip ng mga 'to?
"Hi!" Sabi ni Kelly kaya napatingin sila saamin.
"Tara laro! Truth or dare! Hahahaha!" Sabi ni Ayen.
"Kalalaki niyong tao?" sabi ni Gin.
"Masaya yan! Tara!" Sabi nila Henna.
Um-oo silang lahat except saamin ni Tres. Ayoko.
"Ay KJ sila! Bakit? May tinatago kayo? Haynaku! Game na sus!" sabi ni Anton at nakangisi kay Tres.
Sa huli, napilit rin lang kami. Sa unang ikot, natutok kay Henna. Pinili niya ay dare.
"Hug mo 'yung gusto mo dito!" Sabi ni Ayen. Nabigla yung boys nung hinug niya si Kuya Kyle.
Napatayo si Lau,"crush mo si Tanda?!"
Umirap si Henna. "Ano bang pake mo?" at umirap.
Tinuloy tuloy lang namin hanggang matutok kay Tres na kanina pa tahimik.
Ngumisi yung boys habang nagtitinginan.
"Truth or dare?!" Sabi Ayen.
"Truth." Sabi niya at tumingin saakin.
Natutulok yung isang end ng buti kay Kelly kaya siya ang magtatanong kay Tres.
Huminga ng malalim si Kelly at kinuha kamay ni Tres,"Gusto kong sabihin mo saakin ang totoong dahilan kung bakit nagbago si Sandy ng ugali." Sabi niya at pinisil ang kamay ni Tres.
BINABASA MO ANG
Beside Everything
Novela JuvenilYou know that it is true love when all you can feel is pain.