"Ano ba kasing pake niyo?" walang emosyong sabi ni Tres kay Kelly.
Tinaasan ng kilay ni Kelly si Tres. "May pake ako kasi biglang nagbago 'yung kaibigan ko nang hindi namin alam. Alam naming ikaw ang dahilan kaya sumagot ka." Sabi niya sabay pisil pa ng sobrag lakas sa kamay ni Tres na parang wala namang nararamdaman.
"Wala." Sabi niya.
"Anong wala?!" Ani Henna.
"Wala akong kinalaman sakanya at wala akong pake. Masyado lang kayong asumero't asumera na merong nangyari kahit wala." medyo pasigaw niyang sinabi at padabog na tumayo at dumiretso sa labas.
Natahimik silang lahat habang nakatingin saakin. Para bang hinihintay nilang may lumabas na salita mula saakin.
Ano bang hinihintay nila?
Masyado na akong namanhid para ipakita pa 'yung totoo.
"Pahangin lang ako." sabi ko't tumayo at lumabas sa bahay. Dumiretso ako sa may garden nila Kelly at doon ko nakita si Tres na nakaupo sa may pool side.
Umupo ako sa may swing ng garden at tumingin sa langit. Maraming stars ngayon at bilog na bilog ang buwan.
Gustong gusto ko talagang magstar gazing kapag gabi. It calms my inner self. Nawawala lahat ng worries at problems ko.
"Ganyan ka na ba talaga?" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng may salita.
Si Tres.
Tumingin ako sakanya ng sobrang tagal, "What do you mean?" ani ko.
"You look so cold." sabi niya.
Umiwas ako ng tingin.
Umupo siya sa may kabilang swing at napuno kami ng katahimikan.
"I'm sorry." Sabi niya. Alam ko kung saan siya humihingi ng tawad.
Hindi ako sumagot.
Tumingin siya saakin. "Nasa huli talaga ang pagsisisi no?" sabi niya
Tinignan ko siya ng matagal at hindi sumasagot. Hindi ko alam kung bamit niya ako kinakausap ng ganito.
"Akala ko ba ayaw mo na akong kausapin kahit kailan? You cut all of our connections, diba? Proud ka pa ngang ginawa mo 'yun eh." sarkastiko kong sinabi at tumingin sa mga bulaklak sa garden.
"I needed to do that." malungkot niyang sabi.
Tumingin ako sakanya, "Kasi ano? Kasi nahihiya ka kasi lahat sila binubully ako kaya nakikijoin ka narin sakanila? I know, Tres." sabi ko.
"You don't understand!" sabi niya.
"And I don't give a fvck! Kaya tumahimik ka na! I'm trying my bes to move on, can't you see? May Rain ka na oh, tangina tama na. Hindi pa ba enough yung 2 years? Please. Tama na." Nagmamakaawang sabi ko at umalis.
BINABASA MO ANG
Beside Everything
Teen FictionYou know that it is true love when all you can feel is pain.