Chapter 4

40 5 0
                                    

Denise POV

Nakaupo ako ngayon sa room namin. Hanggang ngayon hindi parin dumadating yung prof. namin kaya wala kaming ginawa kundi magchismisan nitong si Xander

Habang naguusap kame ni Xander ay may tumawag naman sa kanya

"Ahh Denise, excuse lang muna may pupuntahan lang ako". tumango nalang ako tapos umalis na siya. Sakto namang pagkaalis niya may nagpaepal sa likod.

"Where did you go?" Si Xyrus lang pala tsismoso naman toh

"At bakit ko naman sasabihin sayo" Pagtataray ko sa kanya. Nakita ko namang tumaas yung kilay niya sa sinabi ko

"I'm asking you" inis niyang sabi, ay scary si kuya.

"At sino ka para makialam sa buhay ko, Mama is that you tss". Tumayo na ako dahil naiinis na talaga ako sa kanya hindi ko na napigilang mapasigaw.

"Let me remind you Ms. Manoban I'm your Tutor". Nabigla ako ng sumigaw na rin siya at napatayo pa siya. Napansin ko din na napatigil dina ang mga classmate namin sa kanya kanya nilang ginagawa dahil ata sa pagsigaw naming dalawa.

"Wala akong pakialam kung sino ka!!! at mas lalong wala akong pakialam kung president ka ng klaseng to o pati ng buong pilipinas" sigaw ko sa kanya.

"Tss I have no doubt about your attitude but can you just be little friendly and especially to your TUTOR?" at talagang inemphasize niya yung Tutor, may pa smirk smirk ka pang lalaki ka ugggh nakakainis

"Tutor? Ano ako bobo?" Mas tinaasan ko pa ang boses ko, Lord pigilan niyo po ako uupakan ko na to.

"Bakit hindi ba?" Ano!!!!!! Lord isang sapak lang please.

"Anung sabi mo!!!!!? Hoyy Mr. Gonzales ang cute mo noh, lika nga dito srap mong patayin" susugurin ko na sana siya kaso may pumigil sakin

"Denise wait! Calm down" Palakpakan natin mga kaibigan si kuya Xander dahil siya ay napaka right timing.

"Xander right timing ka pero isa lang talaga uupakan ko na to eh mabilis lang toh". Sabay tinuro-turo ko pa si Xyrus nakakabastos na talaga kasi eh. Napahinto ako saglit dahil bigla nalang umupo ang anak ni satanas at pinagpatuloy ang pagbabasa niya ng libro. Napansin ko din na nagsmirk siya kaya mas lalong uminit ang ulo.

"Nangbabastos ka ba? at pwede wag ka mag-smirk di sayo bagay promise para kang timang" panay parina ang sigaw ko sa kanya. Nabigla na lang ako ng buhatin ako ni Xander papalabas ng room, kaya wala akong nagawa kundi sumigaw at makawala sa pagkabuhat sakin ni Xander kaso sobrang lakas niya kaya stop nalang si aqouh hayss.

"Xander! bakit mo ko binuhat hindi pa nga ako nakakaganti dun sa mokong na yun". Nandito na kami sa labas ng building namin kaya ang tagal niya kong buhat buhat habang pababa kami sa building.

"Denise calm down anu ba kasi nangyari?"

"Siya nagsimula *pout*" sabay talikod ko sakanya.

"Anu ngang nangyari" Naramdaman kong medyo naging seryoso na yung boses niya kaya humarap nalang ulit ako sakanya.

"Kasi.......?"

"kasi Ano...?" Anu ba to si Xander

"Kasi tinanong niya ako kung san ako galing" Sabi ko habang nakatingin sa baba. Nakakahiya kasi ang simple ng rason ng pag-aaway namin ni Xyrus.

"Yun....Yun lang?" Napatawa nalang ako bilang sagot. Narinig kong tumawa siya kaya't inangat ko na ang ulo ko sabay na kaming tumawa , siguro mas napagtanto lang namin na napaka-OA ko haha kaya tawa lang kami ng tawa nang pabalik na kami sa room.

My Suitor TutorWhere stories live. Discover now