Chapter 3

19.2K 634 104
                                    

I don't know you...

"What is she doing here?" matigas ang boses na tanong ng pakialamero kong kaklase sa malanding lalaki-

Iyang malanding lalaki na yan ang gumamot sa 'yo...

Pero hindi pa rin maiaalis nang panggagamot niya sa akin ang kalandian niya. Hindi uubra ang karakas niya sa akin.

Akala mo ay modelo na naglakad siya palapit sa amin at tumabi sa lalaking hindi pa rin nawawala ang talim ng mga mata. Umakbay siya kay Leigh-Klode.

"Pare, alam kong bawal pero pagbigyan mo naman ako oh, this will be the last time-"

"Gag*! Noong nakaraan sabi mo iyon na ang last time?" pambabatok sa kanya ng kaklase kong hindi ko matandaan kung ano ang pangalan.

"Shut up, Jace!" simangot nito sa lalaking Jace pala ang pangalan. Mula sa pagiging tigre tila naging isang kuting ito nang humarap sa katabi.

"Klode, promise this will be really the last time-"

"Just answer my question! Anong ginagawa niya rito?"

Hindi na ako nakatiis at iritable kong tiningnan ang nagsalita. "Ano bang pakialam mo kung anong ginawa ko rito? No matter what the reason is, labas ka roon!"

Hinigpitan ko ang bag na kapit ko at nilagpasan silang lahat. Gusto ko mang magpasalamat sa estranghero na tumulong sa akin. Ayoko nang magtagal sa loob ng silid na iyon. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may sumigaw ng pangalan ko.

"Rhima!"

Bakit niya alam ang pangalan ko?

Lumingon ako at kumunot ang noo ko nang makita ang humahangos na si Migael. Papaano niyang nalaman ang pangalan ko?

Napailing ako, malamang ay dahil iyon sa kadaldalan ng lalaking nagngangalan na Jace.

"Are you okay, now?" tanong niya nang tuluyan na makalapit sa akin.

Tumango ako. Okay na sa akin na nabawasan ang kirot sa balikat ko maging ang pagkahilo ko. Tumikhim ako. "S-salamat sa pagtulong sa akin. I hope wala nang ibang makaalam nito." Saad ko na bagama't nagpapasalamat ay sinigurado kong hindi kakikitaan ng emosyon sa mukha.

May inabot siya sa aking supot pero hindi ko iyon tinanggap. "Accept this, nandiyan ang mga gamot na kailangan mong inumin. Take a rest." Nang hindi ko pa rin iyon inabot ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya iyon doon.

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang lilibuhing papel na ngayon ko lang naalala na ibinulsa ko.

Iniabot ko iyon dito pero katulad ko ay hindi niya rin iyon tinanggap.

"What's that?" kunot-noong tanong niya.

"Mukha bang pagkain?" sarkastiko kong balik-tanong. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ang pera sa palad niya.

"Kung kulang pa iyan, just tell me-"

"I don't need your money."

Kumunot ang noo ko. "At anong gusto mo?"

Ngumisi siya at hindi ko iyon nagustuhan. Bumalik sa alaala ko ang sinabi niya kanina sa harap ng mga kaklase ko kanina.

"Your number..." aniya na dinugtungan nang malanding kindat niya.

Yumuko ako at nakangising tumingala. "Number your face."

"How about some kiss?"

Napapantastikuhan ko siyang pinagmasdan. Saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya?

Falling Relentlessly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon