Chapter 50

10.7K 367 521
                                    

This is the final chapter. Epilogue up next. Thank you for reading this story until the end.

Marry me

Isang halik sa pisngi ang siyang nagpaalis ng mga mata ko sa labas ng hospital na kinaroroonan ko. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Leighton mula sa pagkuha niya ng mga naiwan kong gamit sa Celestine.

"How's your morning? We're leaving in an hour. Are you sure you're okay now?" sunod-sunod niyang tanong habang ang kamay ay humihimas sa tiyan kong impis pa rin.

It's been two days since that night, but I still can't believe that I'm pregnant. Hindi maalis-alis ang takot sa akin na paano kung nawala siya sa amin? The doctors even told us that it's a miracle that our baby survived.

I'm thinking that maybe this is His way to help me cope up from remembering what happened to me five years ago. I wonder what could have happened kung nagising ako at hindi nabura ang alaala ng gabing 'yon. Will I even survive?

Hindi ko pa rin masikmura na nagawa ko iyong bagay na sinabi ko sa sarili kong hindi ko kailanman gagawin. That is to kill someone. Hindi ako nagmamalinis. I've done so many bad things. I've hurt a lot of people especially this man who's hugging me tight right now.

"I'm really a bad person," saad ko imbes na sagutin ang mga tanong niya.

"Alice, come on, stop thinking that. You are not a bad person."

"Then bakit hindi ako nagsisisi?"

"Nagsisisi saan?"

"Sa nagawa ko. I can't take the fact that I accidentally killed someone, but I don't feel guilty about killing him. I h-hate myself for that Leighton," pagharap ko sa kanya habang ramdam ko ang pagkabasa ng pisngi ko dahil sa mga luhang tila wala ng katapusan.

"Alice, you think that way because of what he did to you. He deserved it, kung nagkataon na alam ko ang tungkol sa kanya. Hindi ikaw ang gagawa no'n sa kanya kung hindi ako. So please don't hate yourself, because you don't deserve that hate."

Natahimik ako at niyakap na lang siya. Hinaplos niya ang likod ko at napapikit ako nang maramdaman ang paghalik niya sa ulo ko.

"Do you love me?"

Lumayo ako sa kanya at kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Do I even need to answer that? Of course, I love you. Ikaw lang."

"Then if you love me don't hate someone that I love. Masyado nang maraming sakit ang idinulot sa 'tin ng nakaraan, love, can we focus on our present and future now?"

"Leighton..." naiusal ko nang ilabas niya ang isang kahita mula sa bulsa niya.

"Dad gave this to me last year on my birthday. He said that I should give this to the woman I want to spend the rest of my life with...I found that woman five years ago and I never thought that I'll have her again. I don't want to lose you again, Alice. Not this time."

"Leighton—"

"Will you marry me?" He asked as he bended on his one knee.

"Are you d-doing this because I'm pregnant?"

Umiling siya habang nanatili pa ring nakaluhod sa harap ko. "I'm doing this because I love you."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nanatili akong nakatingin sa kanya. I love him so much. Walang pagdududa roon. Then why I can't just easily say yes?

Am I scared na baka magaya lang ako sa ina ko? Na baka tama si X na katulad niya rin ako. Nasaktan ko na siya noon, papaano kung magawa ko ulit 'yon?

Falling Relentlessly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon