Chapter 2

17.1K 554 26
                                    

Migael

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga tanong sa pahinang sinabi ng Professor sa harap. Wala akong maintindihan ni isa. Idagdag pa roon ang pasakit na pasakit na balikat ko. Sanay ako sa lamig sa tagal kong tumira sa ibang bansa pero ngayon ay gusto kong magbalot ng kumot. Nilalamig ako.

F*ck this life!

It's useless to stare at this book. Wala naman akong maisasagot kaya isinara ko na lang ito at yumuko. Inaantok ako. Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang katabi kong tinititigan na naman ako.

"Twinkle twinkle little star..."

Napahawak ako sa bibig ko at pinigilang huminga habang lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa loob ng cabinet na kinaroroonan ko. Hindi niya ako puwedeng makita.

"How I wonder what you are...where are you sweetie?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa siwang na nasa harap na siya ng kinaroroonan ko. He'll find me!

"Ooops looks like she's not here..."

Napalunok ako nang umalis siya. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang pagpinid ng pinto. Napapikit ako pero mabilis na napadilat nang bumukas ang cabinet na kinaroroonan ko.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Nakangisi siya na parang demonyo habang pinagmamasdan ako.

"Found yah, sweetie..."

Nakita ko ang kamay niya na umambang hahawakan ako. Hindi! Ayoko sa kanya!

"Miss Carreon! Miss Carreon!"

May humawak sa masakit kong balikat kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at inabot ang kamay na iyon at pinilipit. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko. Doon lang ako natauhan sa ginagawa ko.

Napatingin ako sa tabi ko at bumungad sa akin si Klode na nakangiwi habang hinahawakan ang nasaktan niyang kamay. Napatayo ako at muntikan pang mabuwal kung hindi naman ako nahawakan ng tao sa harap ko na walang iba kung hindi ang Professor namin. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang mahawakan ang braso ko.

"I think you're not supposed to be in my class." Seryosong saad ng Professor na ikinalunok ko. Don't tell me first day of class pa lang mada-drop na ako?

"Sorry Sir for sleeping-"

"You should go to the clinic." Tumalikod siya.

"Sir...I'm okay-"

"You're sick Miss Carreon, aba'y puwede nang magluto sa init ng katawan mo."

Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Niligpit ko ang mga gamit ko at naghanda sa pag-alis.

"Do you know how to find our clinic?"

Nahihilong nilingon ko ang nagsalita. Titig na titig siya sa akin at parang hindi napapansin na nakukuha na namin ang atensyon ng buong klase.

"I don't know..." nasabi ko na lang at muli pa sanang magsasalita nang tumayo siya.

"I'll bring you to the clinic."

"No!" napalakas kong saad kaya nagbulungan ang mga kaklase naming tila nanonood ng isang palabas kung pagmasdan kami. "I mean, thank you for your help but I can manage."

Ngumiti ako nang pilit. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at nahihilo man ay may pagmamadali akong lumabas ng silid.

Bakit ba napakalaki ng eskuwelahan na 'to?!

Falling Relentlessly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon