The kiss

3 1 0
                                    

Audriana

"Salamat po Nay Melba" Inilapag nya ang gatas ko sa table ko.

"May kailangan ka pa ba hija?" Niyakap ko na lamang sya ng mahigpit.

"Salamat Nay ha? Magpahinga na ho kayo" Natawa naman sya ng mahina at hinawakan ang kanang pisngi ko.

"Napakalambing mo talagang bata ka. Walang ipinagbago sa'yo mula noong bata ka pa"

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Osya. Ipatawag mo na lamang ako kapag may kailangan ka ha?" Umiling naman ako na nakangiti.

"Hindi na ho. Gabi na nay magpahinga na ho kayo. Ako na pong bahalang magbaba nito sa kusina"


"Osige. Matulog ka na ha? Goodnight iha" Saka niya isinara ang pinto. Habang nagccheck ng twitter posts ng mga kaklase ko ay naubos ko narin ang gatas.

Inilapag ko ang phone ko sa study table ko tska lumabas ng kwarto.

Madilim na ang bahaging sala kaya yung ilaw na lamang sa labas ang namamayani sa buong kabahayan.

Hinugasan ko na din ang ginamit kong baso tska uminom ng tubig.

"Aaah!----Hmp"

Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa bibig ko pero sadyang malakas sya kaya't di ako makalaban.

Gusto kong sumigaw sa takot pero di ko magawa.

Naiiyak na ako.

Asan na ba si Mang Isko?

Mas lalo akong nagpupumiglas pero napatigil ako ng magsalita sya.

"Ssshhh. Calm down princess"

Si Chase!

Binitawan nya ako at humarap naman ako sakaniya.

"Hey" Ang husky ng boses nya. Para syang nakainom.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Napangisi naman sya at sumandal sa wall.


"Bahay ko parin naman to diba? So, gagawin ko kung ano gusto ko" Naguguluhan ako sa kinikilos nya. Lumapit sya ng lumapit hanggang sa nakasandal na ako sa wall at sya naman ay nakaharang saakin.


Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.



"C-Chase ano bang ginagawa mo? C-Cha--mmmp!"

Hinahalikan nya ako!

--------
Chase




Her lips is so soft, so tender. I like her scent..


Strawberry I guess? Hmmmm..




Mas lalo ko syang diniin sa wall at hinahalikan. And to my surprise. Naitulak nya ako ng mas malakas at biglang sinampal.


Damn! That hurts




At bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na sya paakyat ng kwarto niya.


Napahawak ako sa pisngi ko. Parang nagising ako sa malakas na sampal nya.




"Oh. Shit" I just kissed her!



I kissed Audriana! Shit! Shit! Shit!




Mabilis akong umalis ng bahay at sumakay sa kotse. Napahampas ako ng manibela.



Alore series#1 Chase Alore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon