Side of Her

3 1 0
                                    

Audriana

Pagdating na pagdating namin sa mansyon ay agad na sumalubong ang mga bodyguards. Nagulat ako, akala ko huhulihin nila ako pero mas nagulat ako ng kapkapan nila si Chase.

"Hey! A-Anong ginagawa nyo!" Pilit kong tinatanggal ang hawak nila kay Chase. At halatang naguguluhan din sa nangyayari si Chase pero parang pilit nyang itinatago.

"Tignan nyo mabuti kung may dalang nakakasama dito sa mansyon" Gulat akong napatingin sa nagsalita. Si Daddy!


"Ano nanaman ba tong protocol nyo dad?" Halata ang inis sa pagkakasabi nya na may halong yabang sa kanyang boses. What's going on?



"D-Dad..Ano po bang nangyayari? Bakit nyo po hinahayang hawakan at kapakapan sya ng mga body guards niyo? What's happening?" Halos maibuhos ko na lahat ng frustrations ko.



"Get inside, Audriana" Matigas na pagkakasabi ni daddy. Lumapit ako kay Chase na nakatingin lang kay daddy.



"Dad no. Ano po ba tong nangyayari? Can you please enlighten me what's going on?" Natawa ng mahina bigla si daddy.



"Nagsisimula ng magtigas ang ulo mo, Audriana. Simula ngayon di ka na sasama pa kay Chase! Naiintindihan mo? Now get inside the house or else-


I cut him out.


"or else what dad? Anong masama na sumama ako kay Chase? She's my s-sister!" Why stammerd Audriana? Tss!

"Dalin nyo si Audriana sa loob ng bahay." Utos nya sa mga body guards. Dali dali akong nilapitan ng mga ito at hinawakan sa braso. Sumama nalang ako sakanila ng maayos dahil ayoko narin magkagulo.


"Wait" habol ni Chase sa mga ito. "Handle her with care. Ako ang makakalaban nyo pag may nagawa kayo sakaniya" dagdag pa niya. Halata sa muka niya na nagpipigil lang sya ng galit.

-----------------------------------
Chase

My silence is a sign of my defeat towards him. Ang taong kahit kailan hindi ako itinuring na anak.

My own father




"What's the catch, Chase?" Napatingin ako sakaniya. I smell that he's mad at right now. Nang dumating mga alipores nya di na ako nagulat pero ang ikinagulo ng isip ko ay ang bigla pagkapkap nila saakin. Like seriously? Muka na ba akong masamang tao talaga sakaniya?





Napangisi ako. "I don't know what you're saying"



"Don't play games with me, Chase! I know what's inside your head right now! At alam ko kung ano ang ginagawa mo ngayon!" Halata ang pamumula ng mukha niya sa galit. But I intend to keep my cool.


I don't know what dad's saying! Ano ba mga pinagsasabi niya?



"What?! Honestly Dad? Hindi ko alam ang mga pinagsasabi nyo! All of a sudden yang mga alipores mo bigla nalang ako kinakapkapan! Don't you think it's a little disrespectful?" Isang malutong na sampal ang isinukli nya saakin. Napangiwi ako sa sakit sa lakas ng pagkakasampal niya. bullshit!




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alore series#1 Chase Alore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon