The beginning

7 1 0
                                    

Chase Jela Alore

"Please Chase! Call me sometimes. Kung di pa kita nakita, di pa tayo magkikita" Napairap ako sa kawalan.

I let out a heavy sigh.

"Yeah sure Mills. Kapag di na ako busy maybe I can call you" Animo'y magtatampo pa siya ng naglakad na ako paalis pero napapikit ako ng pigilan pa nya ako.

Damn!

Napakamot ako sa batok ko at pilit na ngumiti sakaniya.

"Make a promise first na tatawagan mo ako" Sabay nguso pa sakin.

"Yeah. I promise babe" Mas mukang natuwa pa ata siya sa pagtawag ko sakanya ng ganoong endearment. Kahit masuka suka na ako sa sinabi ko kailangan ko paring mapaniwala siya at ng makaalis na ako.

"Okay babe. See yah!" Sabay flying kiss pa bago umalis. Ngumiti nalang ako at nagwave sakaniya saktong pagtalikod nya ay napairap ako sa kawalan at inilabas ang nakakadiri kong expresyon.

Habang naglalakad papalabas ng mall. I just silently pray na sana di na kami magkita ng linta na yon!

Sandaling natigilan ako ng magvibrate ang phone ko.

It's Frey. My Big sister.

"Hi Frey! What's up?" Binuksan ko na ang bmw ko sabay pinasok ang paper bag na hawak ko sa back seat at sumakay na.

"Where the hell are you?! Alam mong mahalaga ang okasyon na ito sa pamilya natin!" Medyo inilayo ko pa ang hawak kong phone sa lakas ng boses ng kabilang linya.

"Chill okay? I'm on way.." I'm sure namumula nanaman ang mukha niya sa galit.

"You want me to chill?! It's Audriana's birthday party! All the visitors are here and yet ikaw pa ang wala dito! Get your butt here in two minutes or else....you know what I mean!" Sabay end ng tawag.

Napabuntong hiniga na lamang ako at mabilis na pinaandar ang kotse ko papunta sa mansyon.

Yeah. Sa Mansyon. Kung saan gaganapin ang kaarawan ni Audriana.

Wala pang dalawang minuto ng makarating ako sa mansyon sakto namang salubong sakin ni Mang Isko. Ang security guard namin. Lumabas ako kaagad at ibinigay ang susi kay Mang Isko.

"Buti nakaabot ka sa time limit ko" Salubong saakin ng walang iba kundi si Frey.

I smirk. "Ofcourse. Cool right?"

Nginisian naman niya ako sabay iling. "Cool? Cool huh? Ebidensya yan ng pagging bulakbol mo. Pumasok ka na sa loob. They're all waiting for you." Sabay talikod at pumasok sa loob.

"They're all waiting for you bla! Bla! Tsss"

"Señorita! Naiwan nyo ho sa likod ng kotse." Napapikit ako ng muntik ko pang makalimutan ang dala kong regalo.

Kung bakit ba naman kasi nagpadala pa ng regalo si Frey! Tss! I have no choice to give this to her. Argh!

"Wow. Ang thoughtful naman" Pabirong salubong saakin ni Alex ng maakyat ako ng hagdan.

"Shut the f*ck up Alex. Get lost" Sabay pasok sa kwarto ko ng sumunod naman si Alex.

"Alex wil you please leave? Magbibihis ako" Bulyaw ko sakaniya. Nginisian naman nya ako.

"What's that thing? Himala nagregalo ka ka--

"Dream on Alex! That will never happened. Pinadala lang to ni Frey" Nagkabit balikat na lamang siya at may initsyang damit sa mukha ko.

"It looks perfect on you. So I bought it. Gotta go!"

Napangisi ako ng makitang tipo kong damit ang nabili nya.

Alex is my second sister. At ako ang bunso dapat. Pero nagampon ang mga magulang namin well hindi naman actually nagampon talaga sila. Si Aling Yelba ang kasambahay namin noon ay maagang namayapa noong bata pa ako. Siya ang tunay na nanay ni Audriana. Baby pa lamang siya ng mamayapa ang nanay nya. Wala narin silang iba pang kamaganak lahat ay malalayo pa. Hindi narin nagabala pa ang mga magulang kong hanapin sila dahil nahumaling na sila kay Audriana. Kaya nagdesisyon silang ituring narin itong tunay na anak.

Lumabas na ako ng maayos ko ang sarili ko. Sa Garden ang ginanapan na party. Pagkapunta ko doon lahat ng mga nalalapit na kaanak ay nandito. Buong angkan ng Alore ay narito kasama narin ang mga kaklase ni Audriana. Hiniling nya kasing simple lang daw ang kaarawan na gusto nya.

Pasimple akong kumuha ng wine tska umupo katabi ni Alex. Nasa iisang table sila kasama sila Dad and Mom at syempre si Frey.

Nakatingin sila saakin na akala mong nakakita ng multo.

Napangisi ako. "Am I late?"

Inirapan lang ako ni Frey. Samantalang si Dad ay parang walang narinig at nakatingin lang sa mga bisita.

Napatingin ako kay mom na nakangiti saakin..

"Hey mom" Lumapit ako sakaniya at hinalikan sya sa noo. Like I always do.

"Where have you been anak? Mabuti na lamang at di pa sinisimulan ang party. Inaantay ka kasi ng kapatid mo"

"Woah. Really? So, where's the birthday girl para magreet ko naman siya" Bigla namang tumawa ng mahina si Frey kaya napatingin ako sakaniya.

"Wag ka ng magabala pa" Napaarko naman ng taas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Frey enough. Respetuhin nyo ang araw ng kapatid nyo. Besides, I have an announcement to make" Sabi ni Dad. At biglang tayo.

Hinila naman ako ni Alex sa tabi ny agad.

"Ano namang sasabihin ni Dad? May alam ka ba?" Napabuntong hiniga na lamang si Alex.

"I don't know."

"Goodafternoon everyone. May I invite my beautiful daughter beside me. Audriana?" Tumayo naman si Audriana na ngayon ko lamang napansin. Nasa mga kaklase pala nya ito nakatabi kaya di ko napansin.

She's wearing white dress at nakalugay na lamang ang mahaba at natural na kulot nito.

She look pretty today..

"Staring is rude dude." Napatingin naman ako kay Alex na ngayo'y pangisi ngsi. Mahina ko syang tinulak kaya natawa sya ng mahina.


"Anong pinagsasabi mo dyan?"

"I'm not dumb. Quit staring to--

Pinutol ko agad ang sasabihin nya. Kung ano ano sinasabi e!

"To what?" Napailing na lang sya kaya di ko na lamang pinansin at itinuon na lamang ang atensyon sa harap namin ngayong nagpapalak pakan.

"What happened?" Tanong ko kay Alex.

Tumingin sya saakin bigla kaya napaatras ako. "Quit staring to Audriana. Coz she's gonna be our real sister..soon"

Napa-awang ang bibig ko. Napatingin ako kila Dad na ngayo'y yakap yakap si Audriana kasama si mom. Pati rin sila Frey at Alex ay nakisali narin.

She's gonna be my sister soon?

What the hell?!

Alore series#1 Chase Alore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon