Liham para sa aking kapatid

5.8K 2 9
                                    

Liham para sa aking kapatid



One never knows what life may have in store for us,

and its always good to know where the emergency exit is.

-Paulo Coelho

 Eleven Minutes

 

Maya,

          Anim na taon akong malungkot at nag-iisa. Walang kalaro. Walang kausap. Walang kasama. Ni hindi ko maramdaman ang aking kabataan noong wala ka pa sa buhay ko. Sa buhay namin.

               

 

Natatandaan ko. Anim na taong gulang ako noon nang magsimula akong mag-isip ng mga bagay sa paligid ko. Maaga akong nahilig sa pagbabasa na naging dahilan sa pagbubukas ng maraming katanungan sa aking mura at batang isipan. Bakit mayroong araw at gabi? Bakit kailangan mag-aral? Magtrabaho. Mabuhay at mamatay ng tao.

Noong panahon ding iyon ako natutong magmasid sa aking paligid. Kung paanong maglaro ang mga bata sa playground. At isang araw nga noon habang naglalakad ako pauwi sa amin mula sa eskwelahan ay nakakita ako ng isang batang babae at isang batang lalaki na naglalaro. Naintindihan ko agad na magkapatid silang dalawa sa pamamagitan pa lamang ng kanilang hitsura at hawig. Mas matanda iyong babae. Inaalalayan nya ang nakababatang kapatid niya sa paglalakad kahit na ilang taon lamang ang tanda nya rito.

 

Nainggit ako sa kanila. Sigurado akong masaya magkaroon ng nakababatang kapatid.

 

 

Noon ko naisip na gusto ko rin ng isang kapatid. Gusto ko ng kalaro. Ng kausap. Kasama at kakwentuhan sa araw araw. Habang naglalakad ako ay malayang lumilipad ang isipan ko sa mga maaari naming gawin ng aking magiging kapatid.

Pag-uwi ko sa amin ay agad akong binihisan ni mama ng damit. At kinuwentuhan ko naman siya ng mga ginawa namin sa eskwelahan. Pagdating ng gabi, habang kumakain kami ng hapunan. Kasama ang paborito kong ulam na fried chicken tinanong ako ni papa kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. Gulat sila ng marinig ang sinabi ko. “Gusto ko pong maging kuya paglaki ko“

Akala ko ay magugulat sina mama at papa sa kanilang reaksyon sa aking sinabi pero imbes na magalit o magulat man lamang ay nagngitian silang dalawa sa isa‘t isa saka sabay na humarap sa akin habang nagpipigil ng tawa.

Ayoko ng ganoong klase ng ngiti at tawa nila mama. Iyong tipong mayroong balitang sasabihin o surpresa na maaaring masama o magandang pakinggan. Hindi talaga ako mahilig sa surpresa. Gusto ko ay nakikita ko agad ang mangyayari sa kinabukasan at kailangan na maihanda ko muna ang sarili ko sa mangyayari. Kaya naman hanggang sa paglaki ko ay dala dala ko ang ugaling iyon.

“Anak... sigurado ka ba na yun ang gusto mong maging paglaki mo? Kasi kahit hindi ka pa malaki ay pwede nang matupad iyon.“

Tumango ako ng mabagal habang patuloy ang pokus ko sa fried chicken na aking kinakain.

“Kung ganoon Mayo... Mag-isip ka na ng bagong gusto mong maging paglaki mo. Kasi magiging kuya ka na...!“

Liham para sa aking kapatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon