Chapter 1

468 6 0
                                    

“You will never know the true value of a moment until it becomes a memory”

Ako nga pala si Kershie Gilman, 18 years old, 5’4 ang taas, nag aaral sa Ateneo de Manila University at iyakin. 2nd year college sa kursong Civil Engineering. Simula ng klase, nakita ko na naman ang crush ko na si Vince Matthew Romero, 5’9 ang height, maputi at gwapo. Medyo built din ang katawan, dahil na rin siguro sa pagbabasketball.

July 6, 2008. Habang kausap ko ang aking mga kaibigan, napansin ko na tila nagiisa at may malalim na iniisip si Vince. Dito na ako nagkalakas ng loob para makausap siya. Mabait naman si Vince, yun nga lang, loner masyado. Masaya siyang kakwentuhan, di nga namin namalayan ang oras at uwian na. Nung palabas na kami ng campus, bigla niya akong hinila. Halos makaladkad na ako dahil ang bilis niyang maglakad. Hindi nagtagal, huminto siya, tumingin ako sa harap at nakita na nasa harap kami ng Mcdo. Napansin kong nakatingin siya sa akin at nakangiti. “Oh ano na? tatayo na lang ba tayo dito?” tanong niya sa akin. Hindi na ako binigyan ng pagkakataon upang makapagsalita at kinaladkad niya ulit ako papasok. Gentleman. Yan ang katangiang wala siya. Ibang Vince ang katapat ko ngayon. Madaldal, palabiro at masayahin, ibang-iba sa ugaling pinapakita niya sa loob ng classroom.

Ilang araw matapos ang aming friendly date ay mas naging malapit kami ni Vince, halos siya na nga lang ang nakakasama ko sa loob ng campus. Napagkakamalan pa nga kaming magboyfriend minsan. Oo, crush ko siya. Pero alam ko naman ang limitasyon ko. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa crush-crush na yan. Pero minsan, hindi ko namang mapigilang kiligin, tandaan niyo, babae rin ako.

Mabilis na lumipas ang panahon, magpipitong buwan na kaming magkaibigan. Malaki na rin ang pagbabago ni Vince. Nakikihalubilo na rin siya sa iba at palagi nang nakangiti. Pinakilala ko na rin siya sa magulang ko, wala naman daw problema sa kanila ang pagiging malapit namin ni Vince. Minsan, sa bahay na namin siya natutulog. Anak na ang turing nila mama sa kanya, minsan pa nga ay nagbiro si papa na gusto niya daw si Vince para sa akin.

Habang abala kaming magkakaibigan sa pagkekwentuhan, biglang dumating si Vince. Malungkot at tila may malalim na problema. Napansin ko rin ang kanyang mata na namumugto at medyo nangingitim. Kitang kita ko sa mata ni Vince na may malaki siyang problema na kinakaharap. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko sa mga oras na yun. Ilang oras ang lumipas at di ko pa rin siya nakakausap. Gusto ko siyang damayan. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang matulungan. Pero wala akong lakas ng loob para kausapin siya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero alam kong maaayos niya din kung ano man iyon.

Kinabukasan, hindi siya pumasok. Naghintay ako ng isang araw, dalawa, tatlo, at isang linggo. Wala pa rin si Vince. Sunday na at magdadalawang linggo nang hindi siya nagpaparamdam. Wala akong ganang lumabas at tila parang may kulang sa akin. Hanggang sa may kumatok sa pinto. Dali dali kong binuksan ang pinto pero hindi si Vince ang nakita ko.

“Sino po sila?” paguusisa ko sa isang babaeng kaharap ko.

“Ikaw ba si Kershie?” tugon niya.

“Ako nga pala ang nanay ni Vince” dagdag pa niya.

“Ahh, tuloy po kayo.” Pagaanyaya ko sa kanya.

“Hiningi ko ang address mo sa kanya. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko lang na sabihin na kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa, sana ay tapusin mo na. Alam kong magkaibigan lang kayo, pero di malayong mahulog ang loob niyo sa isa’t isa. Ngayon pa’t nakabuntis siya. magiging tatay na si Vince. Mahirap man tanggapin pero andyan na, kaya nakikiusapako saiyo, palayain mo na siya.” pagsasalaysay niya.

“Ha? Ano po?” para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang mga sinabi.

Sa hindi malamang dahilan, kumikirot ang aking puso. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makasama. Pagkaalis ng nanay ni Vince, dahan dahang umagos ang luha ko sa pisngi. Hindi ko mapigilan, sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Walang tigil sa pagluha ang aking mata. Hindi ko alam kung bakit nangyari ito sa amin ni Vince. Kamakailan lang masaya kaming dalawa. Nawalan ako ng gana sa pagaaral, hanggang sa nabalitaan ko na lang na drop na si Vince. Siguro nga dapat ko na siyang kalimutan. Masakit at mahirap man tanggapin pero kailangan kong magpatuloy. . .

Missing You Mr. Crush (One_Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon