Punong puno ng dugo ang buong katawan ni Vince. Nasa labas ako ng Emergency Room ng isang ospital. Hindi ako mapakali, kinakabahan at pawis na pawis. Hindi pa namin alam kung ano ang kalagayan ni Vince. Di nagtagal, dumating ang kanyang ina.
“Nasaan ang anak ko?” kabadong tanong niya.
“Tita, si Vince po, naaksidente. Nabangga po siya ng isang kotse. Nasa loob pa po siya ng E.R.” nangangatog kong tugon sa kanya.
Hindi na nakapagsalita si tita dahil saktong labas ng doctor. Sinabi niya na malakas daw ang pagkakatama ng ulo ni Vince, at dahil doon, may namuong dugo sa utak niya. Basag din ang lower part ng spinal column niya. He’s in a comatose, unconscious na ang kanyang katawan. Sa case niya, maliit na lang chance na siya’y makarecover. But, imomonitor daw nila si Vince for the next 24 hours, kapag walang pagbabago, pwedeng hindi na magising ang pasyente ng tuluyan.
Naging malungkot ang sitwasyon. Ang kaunti kong pagaasa ay tila nabubura. Iyak ng iyak si tita. Pilit ko pa ring tinatatagan ang aking sarili. Lumipas ang ilang oras at wala pa ring nangyayare. Dinala na si Vince sa ICU.
Habang inaasikaso ni tita ang ilang bills at gamot ni Vince, ako naman ay walang kapagurang nagbabantay sa kanya. Pumasok ang isang nurse at may ibinigay na box sa akin, ito daw ang mga nakuha nilang gamit sa pasyente.
Pagkakuha ko ng mga gamit ay agad ko itong tiningnan. Una kong binuksan ang sobre na may nakalakip na sulat.
Dear Kershie,
Hello. Happy 5th year anniversary sa atin. Akalain mo yun, limang taon na kitang pinagtitiyagaan. Haha. Biro lang. Naalala mo pa, July 6, 2008, una kitang nakausap. Ibang iba ang aking naramdaman. Siguro wala lang sayo yun. Manhid ka kasi brad. Mahal na kita, first day of class pa lang. July 6 2013, limang taon makalipas kung kelan kita unang nagkausap. Pero di ako makahanap ng tyempo para magtapat saiyo. Di maipaliwanag na saya ang aking nadama nung nalaman kong ika’y may pagtingin rin sa akin. Pilit kong tinago ito dahil ayokong masira ang ating pagkakaibigan. Limang taon kong pinaghandaan ang sandaling ito. MAHAL KITA KERSHIE GILMAN! Patuloy kitang aalagaan at hindi kita sasaktan. Ikaw na ang nagsilbi kong mata, puso at lungs ko. Huwag mo akong iwan kasi mamamatay ako. Hindi natin alam kung kelan hihinto ang oras na nakalaan sa atin. I want to be happy. And my happiness is you. I want you. I love you.
Vince
Meron din akong nakitang isang maliit na kahon. Naglalaman ito ng dalawang singsing. Sa ilalim nito ay may nakaukit na KerVince. Napatingin ako sa kanya. Biglang tumulo ang aking luha ng di ko napapansin.
“Vince, gumising ka na. Di ko kayang mawala ka ulit sa akin. Mahal na mahal kita. Hihintayin ko ang paggising mo. Habang tulog ka pa, ako muna ang magaalaga saiyo, hindi kita iiwan. Alam kong naririnig mo ako. Gumising ka na please? Marami pa tayong plano diba? Salamat pala sa singsing. Ang daya mo, dapat ikaw ang magsusuot sa akin nito. Nakakainis ka.” sabay suot sa kanya ng isang singsing.
Dumating na rin si tita, halatang pagod na pagod ito. Hinihintay niya rin ang ibang kamag anak ni Vince. Nagpaalam ako na pupunta sa canteen upang makabili ng makakain. Dadaan na rin ako sa Mcdo upang bumili ng fries, kung sakaling magising siya, nakahanda na ang kanyang paboritong pagkain.
Habang nasa pila, napansin kong pinagtitinginan ako ng ibang tao. Saka ko lang natandaan na hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Duguan ang puting dress na suot ko. Wala na rin akong pakiaalam kung pagtsismisan ako ng mga tao. Naalala ko bigla si Vince, noong mga panahong sabay pa kaming magorder ng pagkain. Yung tipong 3 large fries order niya habang isang medium fries lang sakin. Napangiti ako habang tumutulo ang aking luha. Namimiss ko na siya.
Nang makarating ako sa ICU, napansin kong andito na ang ibang kamag anak ni Vince. Marahil nalulungkot din sila kasi humahagulhol ang iba sa kanila. Hindi siguro nila matanggap na comatose si Vince. Hinihintay rin siguro nila ang kanyang paggising.
Unti unti akong lumapit sa kanyang kama at nasilayan ang puting kumot na nakatakip sa kanyang buong katawan. Nabitawan ko ang fries na binili ko. Muling dumaloy ang luha ko, walang tigil. Luha ng sakit, paghihinagpis at kalungkutan. Wala na akong hihintayin pa. Wala na ang taong mahal ko. Hindi ko na alam kung kaya ko pang magpatuloy ng buhay ngayong wala na siya. Dinig na dinig sa apat na sulok ng silid ang iyakan ng nagdadalmhating pamilya ni Vince.
Niyakap ako ng kanyang ina at sinabing “Wala na si Vince. Iniwan niya na tayo. Wala na ang anak ko”.
Labis na labis ang pagsisi ko na umalis ako sa kanyang tabi. Di ko siya kasama noong siya’y nagaagaw buhay. Sana hindi na lang ako umalis. Sana sinamahan ko siya sa kanyang huling hininga. Sana may nagawa ako. Sana natulungan ko siya para hindi bumitaw. Sana maibalik ko ang oras. Sana buhay pa siya. sana kasama ko siya hanngang ngayon. Sana ako na lang.