Chapter 2

97 3 0
                                    

Lumipas ang halos dalawang buwan, hindi ko pa rin tanggap ang nangyare sa amin. Umiyak pa rin ako gabi gabi. Lalo na kapag nakikita ko ang Mcdonald’s, bumabalik ang mga alaalang noong magkasama pa kami. Ang katakawan niya sa fires at kalokohan sa loob ng fast food chain.

Isang gabi, habang naglalakad pauwi galing sa isang party, may biglang humarang sa aking tatlong lalaki. Tinangka nila akong pagsamantalahan. Tumakbo ako ngunit naabutan pa rin nila ako. Wala akong kalabanlaban sa kanila. Tanging pagiyak lang ang aking nagawa.

“Hoy! Itigil niyo yan!” biglang may sumigaw sa hindi kalayuan.

Tumakbo ito papalapit. Pinagsasapak niya ang tatlong lalaki, di nagtagal at nagsitakbuhan sila.

“Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?” medyo nahihilo ako.

Hindi ko na maaninag ang kanyang mukha. Pamilyar ang kanyang boses. Kilala ko siya. Nang mahimasmasan ako, hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si Vince, nasa harap ko, inaalagaan ako. Unti unting pumatak ang luha ko.

“Wag ka ngang umiyak. Para kang bata. Tayo na at nang makauwi na tayo”. Binuhat niya ako papunta sa bahay naming. Labis na nagalala ang aking pamilya nung nakita nila ako.

Pinili ko na lang tumahimik dala na rin siguro ng pagod.

“Bakit ka bumalik dito?” tanong ko kay Vince.

“Kukunin sana kitang ninang sa magiging anak ko.” sagot niya.

“Ahh, ganun ba?” malungkot kong tugon sa kanya.

“Biro lang, heto naman, masyadong seryoso. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, inamin kasi sa akin nung babaeng nakasama ko sa bar na hindi sa akin ang ipinagbubuntis niya. Ayaw siyang panagutan kaya naisip niyang sa akin ipaako ang bata. Pero tumutol ako sa kanyang desisyon. Ayaw ko pang magkaroon ng responsibiladad lalo pa’t hindi galing sa akin. Masyado pa akong bata. Kaya heto ako ngayon, binabalikan ko na ang pinakamahalagang tao sa akin.” pagsasalaysay niya.

Niyakap ko siya. Isang matamis na ngiti ang sinagot niya sa akin. Ok na ulit kami ni Vince. Alam na rin niyang may crush ako sa kanya. Madalas nga ang panunukso niya sa akin. Kahit na ganoon ang aming sitwasyon, nanatili kaming magkaibigan. Walang ilangan at open sa lahat ng bagay. Mas naging maganda ang pagsasama namin ni Vince.

Lumipas ang ilang taon, sabay kaming grumadweyt at tulad ng inaasahan, pareho kaming nakapasa sa board exam. Ganap na kaming engineer. Natanggap kami sa trabaho, pero sa hiwalay na kompanya. Patuloy kaming nagkaroon ng komunikasyon. Masaya na ako sa kung anong meron kami, sa pagkakaibigan namin.

Araw ng Linggo. July 6, 2013, limang taon makalipas kung kelan kami unang nagkausap. Day-off ko sa aking trabaho. Nakatanggap ako ng text galing kay Vince. Magkita daw kami sa Mcdo kung saan kami unang nagkaroon ng friendly date. Naligo ako at nagayos para makapunta ako ng maaga.

10 minutes, 20 minutes, 30 minutes, wala pa ring Vince akong nakikita.

Ayokong isipin na pinapaasa niya lang ako saw ala. Hihintayin ko siya kahit na nong mangyari. Habang hinihintay ko siya sa loob ng Mcdonald’s. Napansin kong may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa labas.

Dahil sa pagkainip, naisipan kong makiusyoso sa pinagtitipunan nila. Unti unti kong naaninag kung ano pinagkakaguluhan nila, biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Biglang kumirot ang aking puso, tumulo ang aking luha at nawalan ako ng lakas...

Missing You Mr. Crush (One_Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon