7)Jacket

8 3 0
                                    

{7}

Nasa laboratory kami ngayon to do an activity where we examine the eyes of our partners, ofcourse ang partner ko ay si Jess. Napansin kong black ang eye color niya kapag malapit usually kasi parang brown kung sa malayo, sinulat ko sa papel ang na-obserbahan ko sa mga mata ni Jess.

Pagkatapos nun ay nag assemble lahat ng mga estudyante bawat department sa function hall may important announcement daw ang principal, napansin kong hindi ganun kadami ang mga estyudante dito kahit ang laki ng campus.

Namimili daw kasi ang principal ng mga estudyante para manatiling top school ang Burton University in the whole region, daming alam hindi na lang papasukin lahat ng may gustong pumasok.

Akala ko naman kung talagang importante hindi pala, pinag usapan niya lang ang current status ng school, bumaba daw ang ratings ng school dahil daw sa mga katangahan ng mga estudyante, psh yun lang pala eh kinailangan pang isali ang lahat ng estudyante nakakaasar sayang oras ko sa mga ganyan eh tsk.

Kung nagtataka kayo kung bakit parang magagalitin ako ngayon well........ it's that bloody time of the month yes! Alam niyo yung nangyayari lang sa mga babae HAHA Ang tanga ko pa grabe paano naman naka white skinny jeans ako eh paano kung matagusan ako? Anong iniisp ko kanina? Sana walang mangyaring ganun naman I hope.

Bawat pag upo at pag tayo ko ay lagi kong inuutusan si Jess na tingnan lagi ang likuran ko kung may tagos ba or waley and thank God hindi pa ako natatagusan and hindi siguro yun mangyayare ngayon woohooo ang saya ko na HAHA sorna alam niyo naman ang mga mood swings ng girls kapag meron sila nung ano, yung ano basta yun

Pumasok ako sa restroom para magpalit ng ano basta yun but then may narinig ako sa kabilang cubicle, parang may umiiyak and since mabait ako tinuktok ko yung pinti ng cubicle but then tumigil yung pag iiyak pero sigurado akong may tao dun thanks to my woman instincts

Ughm may tao ba dyan? Tanong ko with a polite voice, pero hindi salita ang narinig ko ngunit mga hikbi ng umiiyak na babae. Hala anyare naman kaya sa kanya? Puro mga hikbi niya parin ang naririnig ko kaya naman nag tanong ulit ako and ater a few seconds sumagot na rin naman si ate

Nagka meron kasi ako eh biglaan wala akong dalang napkin and humikbi ulit siya. Tumingin ako sa bag ko and meron akong dlang isang extra kaya naman inabot ko yung napkin sa ibaba ng pintuan nung cubicle and kinuha naman niya. Pumasok ako sa isang cubicle and nagpalit na rin, pagkalabas ko may isang babae.

Thank you dun sa napkin sabi niya habang nahihiya HAHA cute pala rin ito eh

Welcome, sige una na ako ha may klase pa kasi ako eh

Ugh sige ako pala si Heather aniya

Ako naman si Avarie see you and umalis na rin ako dun, pumasok ako sa klase and ang inabot ko naman sa klase ay dalawang oras na lecture ng prof and nagpa quiz siya after like wow buti naman nakinig ako kung natulog kasi ako kagaya nung iba ay wala akong makukuha dito.

Pauwi na kami ni Rienna but tumigil muna kami sa convenience store, nagugutom kasi po kami, bumili si Rienna ng hotdog and pepsi while ako naman is yung weird combination ko ng Gatorade and chocolate HAHA pati si Al and parents ko nawe-weirduhan sa akin, sorna. Umupo kami sa bakanteng table sa labas.

By the way may blind date ako bukas ani Rienna and kumagat sa Hotdog niya

San mo naman nakuha yang blind date na yan? Tanong ko habang binubuksan ang chocolate ko

Pinasa sa akin ni Amber, sabi niya gwapo naman daw yung guy

Daw sabi ko

Eh hayaan mo na first step ito ng pagkakalimot ko kay Allen

Unexpectedly [On Hold]Where stories live. Discover now