Chapter 5: The beginning..

31 1 1
                                    

KATAHIMIKAN.

KATAHIMIKAN. 

KATAHIMIKAN.

Pero, binasag ni Ate Nurse ang kathimikan... "Pumasok ka na sa room mo. Naayos na yun at para maaos na din natin yang dextrox mo" sabi ni Ate Nurse habang papasok na ulit siya sa room.

At ayun, nagsalita na din ako.. "Osige, una na ako ah?" yun lang ang sinabi ko sa kanya at umalis na ako.. 

Feeling ko sumusunod siya sa akin kaya napatakbi ako at hindi inaasahang nadulas...

"OUCH!! ARAY! ang sakit ng balakang ko. Ang sakit talaga." yan ang sinasabi ko habang nakaupo sa may sahig ng hallway ng hospital. Pero may biglang lumapit sa akin.

"Ang t*nga mo din nuh? Bakit ka kasi tumakbo? Alam mo naman siguro na madulas ang sahig ng hispital di ba? Haynako!" yan ang mga sinasabi niya sa akin. Haynako. Nasermunan pa ako.

Pinipilit kong mapatayo pero hindi ko talaga kaya eh. Kaya napayuko at napapikit na lang ako dahil sa frustration ko. Nagulat nalang ako nang para na akong lumilipad. Binuhat na pala ako ni Kiel em. Yung parang pangkasal. Nagpupumiglas ako kasi ang dami na nakatingin sa amin pero lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin eh. Kaya pinabayaan mo na lang siya hanggang sa makadating na kami sa kwarto at nilagay niya ako sa kama at lumabas siya.

Hay. Nakahingandin ako sa wakas. Bakit ganun? Naguguluhan ako sa kanya. May PMS din ba ang mga lalaki? Ang gulo talaga ng mga lalaki. Nagulat nalang ako nung nagsalita si Ate Nurse.

"Ang sweet niyo naman. Alam mo ba na bagay na bagay kayo? Ang cute niyong tignan. Kayo ba?" yan ang sinabi sa akin ni Ate Nurse habang kilig na kilig ng sobra. 

"Ha? Teka po ah. Mali po ang iniisip mo. Hindi ko po siya Boyfriend. Classmate lang po kami." paliwanag ko kay Ate Nurse. Sana maniwala ka sa sinasabi ko dahil totoo yan. Kumagat ka.

"Sayang naman! Bagay talaga kayo eh. Wag mo na siyang ideny sa akin. Secret lang natin yun" natatawa na ako sa mga pinagsasabi sa akin ni Ate Nurse. 

Naitanong ko na lang sa sarili kung... "Bagay nga ba kami ni Bading? Pero bading yun eh. Hindi kami talo." napangiti ako sa mga iniisio ko. Hindi ko namalayan na nandyan na pala si Kent.

"Hello Nurse." bati niya sa Nurse at biglang tumingin sa akin. " Oh Alyssa? Bakit ka nakangiti dyan?" yan ang tanong niya sa akin habang nagbababa ng mga prutas sa side table ko.

Nakangiti pa din ako. Naalala ko yung kiss? Yung binuhat niya ako... Shemay naman oh. Ano ba to. Alam ko may crush ako sa kanya pero bading yun eh. Takot nga sa ipis eh.

"Hoy Alyssa!" sigaw si Kent. Ay! Kanina pa kaya siya nandito? Kakainis kasi yung bading na yun eh. Ginugulo ang aking isipan. Kainis lang naman oh.

"Oh Kent? Ano nga ulit yung sinasabi mo?" yan na ang tinanong ko kasi halata naman na hindi ako nakikinig sa kanya eh.

"Wala ka yata sa sarili mo ah? Ano ba nangyari sayo ah?" tanong sa akin ni Kent pero hindi ko nasagot kasi si Ate Nurse ang sumagot.

"Kinikilig lang yan, Sir. Sige, una na ako." lumabas na siya. Kainis naman oh. Kinikilig daw ako em. Nako! Spell ASA, haaaaaaayyyyyy! Pero totoo naman yung sinasabi niya pero syempre, hindi ako papahalata no.

"So, anong nangyari habang wala ako tabachoy?" tanong niya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko eh. Ito ang ayaw ko kay Lampa e. Kainis naman oh. “Ay! Ayaw sabihin. Sige, Hindi ko na tatanungin. Nandito ako ngayon para sunduin kayo. Pinapasundo na kasi kayo ni Tita Rose (Mama ni Kiel) Doon ka daw kasi titira Tabachoy habang wala pa ang parents mo.”

L

LO

LOA

LOAD

LOADI

LOADIN

LOADING

LOADIN

LOADI

LOAD

LOA

LO

L

“WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!” yan na lang ang nasabi ko. Ano ba naman yan.

Titira kami sa isang bahay ni Bading? Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ano ba to!

Pumasok na si Kiel sa room ko at tulad ng aking reaction kanina ay ganun din siya. Akala naman niya ay ginusto kong makasama siya sa isang bahay. Kakainis talaga sila Mommy oh. Ano po bang nagawa ko sa inyo? :(((((

At ayun, nagbihis at nag-ayos na ako. Bumaba na kami at binayaran na ni Kent yung bill ko dito sa Ospital. At sumakay na kami sa kotse… Nagpark na ang kotse sa loob ng malaking bahay or sabihin na lang natin na MANSION. Yes! Ang laki talaga. Mayaman din kami pero simple lang ang buhay namin kasi gusto ng magulang ko na mabuhay sa simpleng pamumuhay.

Pumasok na kami sa loob at hinatid ako ni Manang sa isang kwarto. Pagkalabas na pagkalabas ni Manay aysinabi ko na hindi na ako kakain kasi pagod ako. At nagnod naman si Manang at lumabas na. Kakaisip ko kung ano mangyayari sa buhay ko dito habang wala sila mommy. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. 

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ.

Basta, ang huling nasa isip ko bago ako matulog ay BAHALA NA!

------

Pasensya!  

Heyya Partner. Ikaw na bahala sa susunod na mangyayari ah?

Pagpasenya mo na ako. Alam mo naman! HAHAHAH!

SANA MAGUSTUHAN NIYO PO.

At last, i found you.Where stories live. Discover now