Chapter 2: Childhood...

34 3 2
                                    

Ayun na nga, hanggang sa pagtulog ko..

Iniisip ko pa rin iyong sinabi ni mommy!

Sino nga ba yun?

Eh, wala naman akong nakitang kakilala ko kanina eh! Hmft!

Baka nag-hhalucinate na naman si mommy!

Buti sana kung si...

Hay! Erase! Bahala siya. :|

KINABUKASAN :D

Hello world! Excited na ako pumasok! Hihi.

Pero bago ako umalis, tinanong ko na naman si mommy. Kulit ko noh? May kababata kasi ako na hinihintay kong dumating. HAHA. Papakasalan daw ako eh! 

CHOS! As if naman!

Anyway, ma-iintriga kayo sa sagot ni mommy sakin. 

Parang nagpapaalam na ewan. GRABE LANG! Eto oh..

"Secret, walang clue! I love you! Ingat anak! Kahit anong mangyari, magtiwala ka lang sa amin ng daddy mo kasi un ang makakabuti sa iyo, ha? Bye! Sige alis na! ^---^", nakakaasar diba? Nanay ko ba talaga ito?

Ano ba namang buhay toh? Mayaman nga kami, may mga tama naman tong mga magulang ko. Nako talaga! Pasalamat sila mahal ko sila, ayiee!

"Psh, bye! I love you too"

Dahil sa nangyari, padabog akong pumasok sa school muntikan pa akong madapa. Sus, subsuban talaga itong ka-clumsihan ko!!

Dumaan ako sa gitna ng field eh kasi nakakatamad dumaan sa gilid mas mahaba ung lakaran.

Uy! Wait, bakit parang may papalapit sa akin? Teka teka.. Ayan na-... Tatakbo sana ako kaya lang, huli na ako..

"BOOGGSSHHHH."

"ARRRAAAYYY KOOO!!!! ANO BA NAMAN!!!", mapapasigaw ba naman ako ng ganyan kung hindi ako sinagi?

Natumba tuloy ako sa may putikan at guess what!? May bato nung nahulog ako. 

"Wag ka ngang sumigaw! Hindi ako bingi! Tatanga tanga ka kasi. Nakaharang ka ba naman sa court eh naglalaro kami ng football! Hellooooooo! Nawalan tuloy ako ng balance!!!! ", ay! Antipatikong lalaking toh! Maharap nga!!!

Teka, nagffootball sila? Sikat ba ito sa pilipinas? Eh kanina naman nung tumingin ako eh ang linis ng field. Hay nako!

"Eh bobo ka ba-*drool*", shet! Sino tong anghel na nasa harap ko ngayon? Bakit ganito? Ang gwapo gwapo gwapo! Aba! Sosyal, color brown ang mata at ang tangos ng ilong!

"*kinaway-kaway niya ang kamay niya sa mukha ko... Ako naman nakatitig lang sakanya na parang wala siyang ginawang masama sa akin* Ahh! Ako nga pala si- Waahhhhhh!!," sabi ko yan.

Hala. Alam ko sumigaw na naman ako. Pano ba naman un eh may nakita akong dugo nung kinamot ko ung ulo ko! Tae! Hindi ko na kinaya kasi takot ako sa dugo! Yun un eh! Kahit sa akin pa galing yun! Nahimatay ako!

Naalimpungatan ako...

Pagkagising ko, nakita ko na nasa isang room ako. Tapos biglang nagflash back lahat ng nangyari kanina kaya nagtangka akong tumayo pero naunahan ako ni mr. gwapo! Shit! Hinintay niya akong magising? Ang sweet naman niya! May nagbabantay pala sa akin. Hindi ko napansin!

Pero bago ang lahat,

Sino ba siya?

"Oh! Bakit ka tatayo? Di na ba masakit ung ulo mo?", hay! Heaven! Ang bait niya! Pakshet!

"Ahh.. Hehe. S-salamat. Na-nasan ako-o?", fck! Wag kang pahalata. Nag-iistatter ka, HOY!

"Ay! Sorry! Nasa hospital ka. Napalakas ung untog mo eh. Sorry nga pala sa ginawa sayo ng pinsan ko ah? Medyo brutal lang talaga yun pero hindi naman yun nananakit ng babae. Sorry talaga.", ang gwapo niya talagaaaa! I love him already! 

"Ay, wala un! Okay lang ako! Pasabi sa pinsaan- wait! Sinabi mo bang may pinsan kang ganoon kasungit at kabastos?  *Ba't di namana sayo? (bulong ko)*" 

Pinsan niya iyong antipatikong yun! Sana hindi ka mahawa sa kasungitan nun! Pls, wag!

"Ha? Ano? Ah! Oo eh. Wala siya ngayon. Nasa bahay, pinakuha ko ng damit kasi siya ang pagbabantayin namin dito, nakausap ko na rin ang parents mo, nasa ibang bansa na pala sila. Alam mo ba iyon?", ano raw?

"Ha? Siya magbabantay sa akin?? Eh ikaw? Ba't hin-.. ANO? Anong nasa ibang bansa? Eh kaninang umaga lang parang kausap ko lang mommy ko ah? Ano pinagsasabi mo?", gulat na gulat ako sa sinabi niya! Eh kasi naman nasa ibang bansa raw sila mommy eh bago ako umalis nangasar pa sa akin. Sus!

"Oo nga. Sabi nga ni tita hindi ka maniniwala, pero I'm serious. Umalis talaga sila kaya pinagbilin ka nila sa amin.", anooo??? Pinagbilin nila ako sa strangers? How could you do this to me, mom? Nakoo!

"What the? Eh hindi nga namin kayo ka-anu-ano eh! Tapos ipauubaya nila ako sa inyo? Ano sila hilo? Nababaliw na ba ang mga parents ko? Ay, baka ikaw ang nauntog sa bato.. May amnesia ka na ata ah.. Wait, tatayo na ako para makahiga ka na." Tatayo na sana ako eh... Pinigilan niya ako at (alam niyo kanina ko pa ito nahahalata ah...) Sa tingin ko pinipigilan niyang tumawa siya o baka ako ang naghhalucinate??

"hmm- eh kasi... Hindi mo ba ako maalala, tabachoy? Kinakausap mo ako tapos di mo naman ako kilala... Ano ba yan! Hindi na talaga uso ang 'don't talk to strangers' kapag gwapo ang kumausap sayo eh! Tsktsk", ha? Tabachoy? Teka! Isa lang sa buong buhay ko ang tumawag sa akin ng tabachoy.. At ang hangin niya ah! Signal #12648 ba? 

Naaalala ko tuloy si...

Si...

"L-lampaa, ikaw ba y-yan?"

=========================================

HI. COMMENTS ARE INDEED NEEDED.

Partner! What do you think? Dugtungan mo na ah. :D

At last, i found you.Where stories live. Discover now