...... Update.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko....... Siya talaga si LAMPA? Ang gwapo na niya. Hindi ko akalain na lalaki siyang ganun kagwapo. Natulala na lang ako sa kanya..
Naalala ko tuloy dati noong mga bata pa kami. Noong 7 years pa lang ako.
FLASHBACK :)
naglalakad ako sa village namin ng may nakita akong batang umiiyak na nakaupo sa may swing. Umiral ang aking pagkausisera kaya ayun nilapitan ko siya at ang cute kasi nung bata eh..
"Hoy bata! Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa bata....
pero hindi niya pa ako pinapansin. Ang snob pa pala ng batang ito oh. Hay nako naman oh. Matanong ko nga ulit at baka pansinin ako.
"Hoy bata! Pansinin mo naman ako. Bakit ka ba umiiyak?" ulit kong tanong sa kanya.
At ayun na nga, tumingin sa akin ang bata. Pero umiiyak pa din siya oh. Nakakaawa naman itong batang ito oh.
"hindi kita kilala. Huwag mo nga akong kausapin. Sabi sa akin ng mommy ko na 'Don't talk to a strangers' kaya wag ka nga magulo diyan!" yan ang sagot ng batang iyakin. Ang sungit ah! Naiinis na ako. Kung hindi lang siya cute ay hindi ko na siya pinansin eh. Kainis lang oh.
"Ang sungit mo naman dyan. Gusto ko lang makatulong. Hindi ako masamang tao." pakiki.usap ko sa kanya. At nagsmile ako para mahalata na totoo ang sinasabi ko.
"Totoo ba yang sinasabi mo ah? Pero magpromise ka muna na hindi mo ako pagtatawanan ah?" paki.usap sa akin ng bata. Ang cute niya talaga.
" Promise. Eh, bakit ka nga umiiyak ah?" tanong ko ulit sa kanya.
"Kasi nadapa ako eh. Hindi ko nakita yung isang bato. Ang sakit ng pagkakabagsak ko." paliwanag sa akin nung bata habang humihikbi pa siya.
Natatawa ako pero pinipilit kong huwag tumawa kasi umiiyak siya eh. "Ay! Ganun ba ang nanyari ah? Ang sama naman ng batong yun oh. Tahan ka na. Huwag ka na umiyak ah? Atsaka ako nga pala si Alyssa. Eh ikaw anong pangalan mo?"
Nagsmile yung bata saakin. Ang cute niya talaga. Crush ko na yata siya kahit na medyo may pagkalampa eh. Ano naman kung lampa siya? Pagtatanggol ko naman siya.
"Ako nga pala si Kent. Kalilipat lang namin dito kaya naisipan ko munang maglakad Tapos nakita ko itong playground tapos... Tapos ... Tapos tumako ako tapos ayun na nga yung nanyari sa akin" paliwanag sa akin ni Kent. Buti na kang at tumahan na siya.
" Yan. May new friend ka na at may new friend na din ako. Friends na tayo ah?" yan ang sinabi ko sa kanya at nakita ko siyang ngumiti. Ang sarap naman ng feeling na may bago akong kaibigan. Yehey! "Asan ka pala nakatira ah? Hatid na lang kita sa inyo. Kabisado ko pa naman itong village na ito eh."
"Osige! Doon kami sa may malapit sa may Basketball Court. Thankyou Alyssa." nagsmile siya sa akin.
At naglakad na kami papunta sa kanilang bahay. At ayun na nga, naging close na kami.
Pero lumipas ang araw na hindi na niya ako pinapansin. Tapos nagulat na lang ako nung dumaan ako sa bahay nila ay parang wala ng tao. Kaya nagtanong ako kay manang na naglilinis ng bahay nila.
"Manang! Nasaan po yung nakatira dito?" tanong ko kay Manang na medyo kilala ako kasi lagi akong kasami ni Kent.
" Ay iha, ikaw pala yan. Bumalik na sila sa dating bahay nila eh. Kaninang madaling araw lang." paliwanag ni Manang habang nakatingin lang ako sa kanya.
"Ay! Ganun po ba? Sige po." paalam ko kay manang kasi naiiyak ako eh. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Iniwan ako ng unang kaibigan ko. Nakakalungkot naman ng sobra. Akala ko hindi niya ako iiwan. Akala ko lang pala yun.
END OF FLASHBACK
(eeeeeeeeeeennnnggggg) - tunog ng pinto.
"Hello Tabachoy? Nandyan ka pa ba ah? yuhooooooooo!" kinaway.kaway niya pa ang kamay niya sa may tapat ko. Tsaka lang ako natauhan.
Hindi ko na malayan na may dumating na pala pero nakatunganga pa din ako sa kanya. Ang gwapo na talaga ni Lampa! Shet na malagket!
"Ha? May sinasabi ka ba dyan Lampa?" tanong ko sa kanya. Ngayon lang kasi ako natauhan e. Nakakahiya naman. Nararamdaman ko na umiinit ang aking pisngi.
"Nagdedaydream yata yang babae yan eh. Kilala mo ba talaga yan?" tanong nung taong di ko malaman kung sino kasi nakatalikod siya sa amin eh. Pero nung humarap siya, nalat ako sa sobra.
"IKAW?????!!!!!!!!?????!!!" yan ang sabi ko sa kanya. Siya lang naman ang lalaking nakabanggan ko sa hallway at classmate ko pa pala. Hay! Ang malas namana ng buhay oh.
"Oo cous. Kilala ko siya. Siya yung kinukwento ko sayo noong bata pa tayo na naging kaibigan ko. Yung tabachiy na sinasabi ko sayo." sabi naman ni Kent sa pinsan niyang si Kiel.
"Ahhh. Okay" matabang na sagot ni Kiel.
"Osige cous, una na ako ah? Ikaw ang mababantay kay Tabachoy, Ay! Hindi ka na pala tabachoy ngayon. Pagaling ka ah?" nagulat ako kasi iiwan niya ako sa lalaking to? Haynako! Nakakainis lang ang buhay oh.
At yun na nga naiwan na lang kaming dalawa dito. Walang imikin o pansinan. Nakakapanis na nglaway. Nagulat na lang ako bigla sa sinabi niyaaa.
------------------------
Kamusta kayo mga readers? Vote naman diyan oh.
At leave na din kayo ng comment ah?
Sana magustuhan niyo itong chapter 3.
Okay PARTNER!! Ikaw na bahala sa susunod.
LoveyouALL. <3