Room 204

164 36 40
                                    

Madilim...Madilim....Napakadilim
Tahimik......Napakatahimik...
Naglalakad...naglalakad....
Madilim....madilim....
Sumisigaw......Umiiyak
Tumatawa.....nagmamakaawa
Hayan na siya...Paparating na..
ROOM 204.... Pasok na..

†††††††††††††††††††††††††††††††††††††††††

"Pleaasseee sttooooppppp..Ayoko na, parang awa mo na palabasin mo na po ako dito, daddy, di na po ako mag-iingay ulit. Daddy, sorry na po, let me out of here, Daddy!!" rinig kong iyak ng isang batang babae na syang bumulabog sa aking mahimbing na tulog.

Tinignan ko ang orasan at napamura ako ng makitang 2pm palang ng madaling araw.

"Daddddy...palabasin nyo ako dito!!" narinig ko nanaman ang iyak ng bata, inis akong tumayo sa higaan at lumabas....Sinundan ko ang tunog ng pagiyak ng bata.

"Dadddy!!! Let me out pleaaaseee." iyak nanaman nung bata.

Sinundan ko ang ingay hanggang sa tumapat ako sa Room 204... Inilapat ko ang aking tenga sa pintuan ng kwarto upang marinig kung doon nga ba nanggagaling ang iyak, At tama nga ang aking hinala.

"Hey, baby are you alright?" tanong ko pero puro iyak lang ang naririnig ko..Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock ito. Patuloy parin sa pag iyak ang bata sa loob.

"Isssshhh...Ano na ang gagawin ko?" sabi ko saking sarili...Habang nag iisip bigla nanamang sumigaw ang bata

"Daaaddddyyyy...Aaaaaaaahh!!" iyak ng bata na parang nasasaktan. Nataranta ako, di ko alam ang aking gagawin, kung hihingi ba ako ng tulong o tatakbo nalang at hahayaan ang bata.

May nakita akong paso sa gilid, kinuha ko ito at ginamit upang masira ang doorknob ng pintuan..Patuloy sa parin sa pagsigaw ang bata.

Kasabay ng pagbukas ko ng pintuan ay ang pagtigil sa pagsigaw ng bata.

Madilim...Napakadilim..Napakatamik,Inihakbang ko ang aking mga paa at sumalubong saakin ang malamig na hangin na nanggagaling sa aircon. Hinanap ko ang bata ngunit hindi ko na siya makita.

"Hoy bata saan ka na?" sigaw ko habang hinahanap ang bata pero walang sumasagot.

"Haaaayy...San na ba yung batang un istorbo sa pagtulog!" hinanap ko sya sa may sala pero wala sya don, tinignan ko narin ang C.R at ang kwarto pati sa kusina pero ni isang bakas ng bata wala, chineck ko narin ang ilalim ng kama at ang closet na wala namang laman pero wala talaga. Hanggang sa napag desisyonan ko nalang na umalis upang ituloy ang aking tulog.

Paglabas ko nakasalubong ko ang isang staff ng Hotel.

"Excuse me, sino ung nakacheck in dito?" tanong ko

"Naku, wala po Ma'am matagal na pong bakante yang kwartong yan, mag tatatlong buwan na po, pero lagi namang linilinisan ng mga staffs yan." Biglang nanindig ang mga balahibo ko pagkarinig ng mga sinabi nito.

"Are you sure? Eh ba't may narinig akong batang umiiyak at sumisigaw dyan sa loob" kunot noong tanong ko..

"Opo ma'am sure po ako, baka po sa kabilang kwarto po ung naririnig nyo, may isang pamilya kasi ang nakatira don at pag nasa trabaho lagi nilang iniiwan ang anak nila mag isa." saad nito

"Aaaahh ok...Thanks" umalis na ang satff at hindi ko mapigilang mapaisip. Ano ung narinig kong mga ingay? Sigurado akong doon sa kwartong yon nanggaling.. Pero bakit walang nandon nung pumasok na ako?
At bakit sabi ng staff ay matagal ng walang nakatira don?
Tinignan ko ang pintuan ng kwarto..
ROOM 204 saad ko,
Ano ba ang sikreto mo?

Room 204 (One-Shot Story)Where stories live. Discover now