Chapter 3

11 1 0
                                    

Klea's POV

Nagising ako ng biglang sumigaw si Frenzy.

"Waaahhhhh" sigaw niya.
Nabigla naman ako kaya nataranta ako.

"Huh ano yun, anong nangyari, sinong umaway sayo??" sunod-sunod na tanong ko.

"Le ano ka ba wala namang nangyari sa akin" sabi niya at pinipigilan ako.

Tumigil naman ako ng makita kong wala namang nangyari sa kanya.

"Ehh bakit sumigaw ka??" tanong ko sa kanya.

Ngumiti muna siya bago lumabas ng sasakyan.

Nung nangyari dun??

Sisigaw tapos ngingiti, kailangan yatang idala sa mental.

Bumaba nalang ako sa sasakyan at bumungad sa akin ang.....

"Wow" nasabi ko nalang sa sobrang ganda ng school.

Labas pa lang ang nakikita namin pano pa kaya kung loob na.

"Zy nasa langit na ba tayo??" biglang tanong ko sa kanya.

Grabe ang ganda.

Punong-puno ng bulaklak dito, I mean pinapaligiran ng mga bulaklak ang gate.

"Le ano ka ba masyado ka naman atang excited matigok" natatawang sabi ni Zy.

"Zy naman kasi as in wow ang ganda this place kasi" sabi ko sa kanya.

"Well were same lang naman Le kaya I feel you" sagot niya sa akin.

At bigla namang may lumabas na tatlong malalaking lalaki galing sa loob ng napaka-laki-laking gate.

"Kayo ba si miss Devalez at miss Lee??" tanong ng isa sa kanila.

"Ah kami nga po" sabi ko.
"Halina kayo sa loob hinihintay na kayo roon" sabi niya at pumasok na.

Sumunod naman kami agad ni Zy.
Yung dalawang lalaki pa ay nasa likod namin ni Zy.

Bale ang position namin ngayon ay.

Lalaki
Zy|Ako
Lalaki|Lalaki

Ganyan.
Sumunod lang kami sa kaniya hanggang sa makarating kami sa isang pinto.

"Pumasok na kayo sa loob" sabi nung lalaki sa harapan namin at binuksan niya yung pinto.

Pagka-bukas na pagka-bukas niya ng pinto ay nakita agad namin ang isang malaking opisina.

Hmm mukhang opisina to ng Dean dito ahh.

Pumasok na agad kami.
Pagka-pasok namin ay agad naman niyang isinara ang pinto.

Nagkatinginan naman kami ni Zy at nagkibit-balikat nalang.

Nilibot ko ng tingin ang buong opisina.

At ang masasabi ko lang ay ANDILIM
di naman yung hindi ka na makakita.

Basta madilim siya.

At ang naka-agaw ng pansin ko ay yung upuan sa harapan namin na nakatalikod.

Nagulat nalang kami ni Zy ng bigla itong humarap at nakita namin ang isang nasa mid-30's na babae.

"Magandang araw sa inyong dalawa, umupo muna kayo" sabi sa amin ng babae.

"Bago ko makalimutan ako nga pala si Mrs. Andrea Gavenia" pagpapakilala niya sa amin. "Alam ko na rin kung sino kayo kaya, no need to introduce yourself" pahabol niyang sabi.

"Okay may mag-to-tour sa inyo mamaya, at ito nga pala ang mga uniforms niya at susi ng dorm niyo ang dorm number niyo ay nandiyan na rin sa susi niya at magkasama kayo sa iisang kwarto at may makakasama pa kayong isa" mahabang paliwanag niya sa amin.

Hmm maganda naman ang uniform nila dalawang long sleeve na blouse na may kulay sky blue ang ribbon tapos ang palda naman ay 2 inches above the knee na kulay sky blue.
Meron din silang P.E uniform.

Bigla namang bumukas yung pinto na pinasukan namin kanina ni Zy at may pumasok na kas.

"Oh ang tagal mo naman Krissa, well ito nga pala ang i-to-tour mo si miss Devalez at miss Lee" sabi ni Dean.

"Pasensya na po Dean may pinapagawa pa po kasi sa amin yung Prof namin" sagot nung babaeng pumasok.

"Okay lang oh sige eto yung mga ka-room mate mo at i-pag-to-tour mo." sabi ni Dean.
"Okay po Dean i-to-tour ko napo sila ngayon para naman po makapag-pahinga na sila ng maaga." sabi niya.

"Hali na kayo" nakangiting sabi niya sa amin.
Ngumiti muna ako sa kanya bago rivaling ang tingin kay Dean.

"Ahh Dean alis na po kami salamat po" sabi ko sa kanya at nag-bow kami ni Zy.

Lumabas na kami dun at umalis na.

"Uhm hi ako nga pala si Krissa Tuazon" sabi niya at nilagpasan pa ang kamay niya at inabot ko naman yun.

"Hello ako naman si Klea Devalez at siya naman si Frenzy Lee" pakilala ko at tinuro pa si Zy.

"Hello" nakangiting bati ni Zy.

"Punta muna tayo sa dorm at magbihis muna kayo" sabi niya at ngayon ko lang napansin na kami lang ni Zy ang balot na balot.

Eh kasi ang sout ko ay naka-long sleeve at nag-jacket pa ako. Tapos nag-maong.

Si Zy naman ganon rin pero meron pa siyang scarf ewan ko ba kung bakit ganito sout namin eh tirik na tirik naman ang araw.

Si Krissa naman yung sout niya ngayon ay naka-sleeveless na kulay white tapos naka-blazer na kulay sky blue at maka-alis na kulay sky blue rin. Mukhang yung kulay lang ng uniform namin.

"Krissa ma-" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang biglang pinutol ni Krissa ang sasabihin ko.

"Kris nalang okay" sabi niya samin ng nakangiti.

"Okay Kris bakit yung iba hindi naka-uniform pero kulay sky blue rin naman ang sout tapos yung iba naka-uniform, pwede bang hindi mag-uniform dito??" mahabang tanong ko.

"Ahh ganito kasi yun pwede kang hindi mag-uniform basta ang isusuot mo ay mukhang katulad lang ng uniform natin" sabi niya naintindihan ko naman yun kaso itong kasama namin hindi ata naintindihan ehh.

"Ano" tanong ni Zy.
"Ahh ano kasi pwede ka ngang hindi ka mag-uniform pero dapat ka-kulay at kagaya lang rin ng uniform natin, kagaya ko" mahabang paliwanag niya.

"Ahh ganon ba so dapat ganyan muna nag susuotin namin ngayon??" tanong uli ni Zy, tumango naman si Kris.

"Okay tara na" sabi ko para matapos na to.

Naglakad na kami papunta sa dorm namin.

Mukhang mababait ang mga estudyante dito.
Sana naman.

A/n note:
Nakapag-ud rin sa wakas.
Sorry sa tagal kong pag-ud.
Super busy kasi, pero huwag kayong mag-alala gagawin ko ang lahat para makapag-ud.

Salamat po sa pagsuporta.....

See you in the next chapter😘😍
Kamsarang❤💞

Dedicated to: SweetGoddess_17
Hello😊😉

Her Monster Prince (On Going)Where stories live. Discover now