[ Mananatiling walang titulo/pamagat]
"Noong araw lang,
Ika'y nagpahiwatig ng iyong saloobin
Ngunit puso mo'y di tinaggap. Itinaboy,
Walang kapararakan ang iyong damdamin,
Ani ko.Palitan ang buwan at araw, akin ay nasaksihan
Bihira manalita,
Doon sumagi sa akaing isipan ang mga katagan,
'Baka siya'y napagod na
at piniling magpahinga na lamangNgunit hindi ko siya masisisi
Sapagkat ako ang dahilan ng pagpatak ng kayang mga luha
Malapit, subalit, dagat ang pagitan namin
Ramdam ko ang pagkalas ng tangan
Hindi man niya sabihin pero ramdam koNgayon napagtanto't nalaman ang halaga
Patawad, ginoo.
Ang tangi kong masasabi
Dahil ang ginawa kong desisyon,
ay pinagsisisihan ko ngayon."—W.K.
P.S: Ito'y isunulat ko dati at ito'y aking ipinamatnugan. Maaring hango ito sa totoong buhay, maaring hindi.
YOU ARE READING
Restrained Alphabets
PoetryThis soft-copy contains self-made poems wellkeen All right reserved