Tahan(an)

8 1 0
                                    


"Sa loob ng isang silid,
Dala ng hangin ang awit.
Musika ng pagtawa; galak
na kahit ang kapit-bahay ay makakarinig.

Haligi ko'y gawa sa diyamante,
Pagsubok man ay umusbong sa daan,
Matumba; ito'y tatayo
Kami'y mapanatiling kampante

O, Ilaw ang siyang liwanag,
Aking gabay sa pagkagat ng dilim;
Ang magiging mata kahit nakapikit
Pagbuhos ng umaapaw na damdamin, sobra pa sa higit.

Pangunahing bahagi ng aking bayan,
Sila'y mawawala, siya ring ang pagkaligaw.
Habang sila'y nagsisilbi, aking pahahalagahan
Dahil kapag nawala, luha'y aagos na tila'y walang bukas."

—WK

Restrained AlphabetsWhere stories live. Discover now