1~ Letters

831 20 9
                                    

     LOVE ADVICER

written by _laichie_

--------------------------------------

1~ How she live

Megan's POV

"Class since tapos nyo ang mga seatworks na binigay ko sainyo and we still have 10 minutes bago kayo maguwian blah blah blah"

Pakiramdam ko ay nasa ibang planeta ako at lahat sila ay mga alien. Hindi ko sila maintindihan!

Napahikab ako. Sanay naman na ko sa pagpupuyat, pero ang sakit talaga sa ulo kapag lagi kang lutang. Napatingin ako sa teacher ko na nasa harap. Ano nanaman kaya tong pakulo ni Mrs.Dimagiba? Inaantok na ko! Please bell mag-ring kana! 

"Gusto ko magpick-up lines tayo." Sabi nito sabay pumalakpak pa. Pick-up? ano 'to? bring back the past lang ang peg? Laos na yan eh.

Ewan ko kung bakit naghiyawan ang mga kaklase ko dahilan para mapaayos ang upo ko. Bigla silang natahimik, Ewan ko kung bakit kasi bahagya nang nakapikit ang mata ko. 

"Mahilig ka ba sa asukal?" Narinig kong sabi ng isa kong kaklse, Si michael siguro yun. "haha alam ko na yan kasi ang tamis ng mga ngiti ko bleh" Sabat ni Tin?

Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase kaya napadilat ako.

Padabog namang tumayo si kurt at humarap kay sandy kaya natahimik kaming lahat "Tatanggalin na kita sa friendlist ko sa facebook!" medyo pasigaw na sabi ni kurt habang nakatingin ng masama kay sandy.

"Hala inano kita dyan?" natatarantang tanong ni sandy. Dahan dahang sumilay sa labi ni kurt ang isang ngiti bago nito sabihin ang magpapainggay sa buong klase.

"Gusto ko kasi, more than friends tayo."

Napailing ako at napangiti. Ngayon kilala ko na kung sino yung isa sa nagbigay sakin nung letter nung isang araw.

Itinaas ni carl yung kamay nya sign na tumahimik kami at humarap ito kay jess na girlfriend nya "ingatan mo ang buhay mo ha?" 

"natural iingatan ko talaga baket gusto mo na ko patayin?" Pagtataray nito, natawa naman kami kasi napabusangot si carl.

"O'sige. pakamatay ka nalang. sabi mo yan eh." Kumunot ang noo ni Jess sa sinabi ni carl at sinabunutan ito. Tawa kami ng tawa habang sinusubukan pigilan ng teacher namin sila.

Kapag papasok ka sa relationship, hindi ka dapat childish.

"Sandali nga!" Biglang tumayo si Kenneth at natarantang binuksan ang payong sabay bigay kay Era "Oh magpayong ka."

"Ha?"

"Inuulan ka kasi ng kagandahan" Sabi nito habang nagkakamot sa may tenga niya na tila ba hiyang hiya. Ang cute niya! Sana sakin niya nalang sinabi yun. baka mabuhayan pa ko dito at kiligin. Okay, joke lang 'yon. pero crush ko talaga siya. Bwahaha!

Nang tumahimik na kami ay si Jonard naman ang tumayo at tumingin sa katropa niya na si Ben. Nanlaki ang mata ko, Syet bromance? Wag sayang ang kagwapuhan ni Ben!

"Hoy Ben! Magaling ka bang lumangoy?!" 

"Bakit?"

"Mukha ka kasing Bisugo"

WTFF! Napasimangot ako habang lahat sila ay nagtatawanan bukod kay Ben syempre. Oo makulet siya, oo clown siya nang class pero hindi ba nila makita? Pang brief endorser ang katawan niya! I mean, ang gwapo niya!

Love Adviser(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon