Unang Kabanata - First Day

1.2K 9 2
                                    

Author's POV


First day na sa Maylie University lahat ng studyante excited. Sa first day usually payabangan ng gamit at sa Maylie ganun ang nangyayari. Civillian kasi ang kanilang suot walang required na damit. Tama kayo ng basa walang required na damit kahit mag hubad ka pa pumasok basta may ID papasukin ka.

Naglalakad si Sofie papuntang school tutal malapit lang ang bahay nila sa eskwelahan, si Sofie ang kaisa isang babaeng hindi nakikipaglaban sa pinakamaganda gamit sa MU. Simple lang din ito ordinary shirt, pants and flat shoes lamang ang suot nito. Di katulad ng iba na halos mag panti at bra nalang sana naghubad nalang sila tutal pwede naman sa MU yung ganun.

Nang makarating na si Sofie sa campus agad nagtinginan ang mga kaschoolmate nito. Isang head turner itong si Sofie, ito rin ang kaisa isang babaeng ginagalang kahit simple. Dumirecho na agad ito sakanyang classroom dahil ayaw nitong malate sa unang klase. Kinuha na lang ang kanyang iTouch at naglaro. Habang naglalaro sya nagulat sya ng may sumigaw ng pangalan nya.

"SOFIA ANGELA STA. MARIA!!" sigaw ni AB at tumatakbong lumapit ito kasunod nito ang iba pang T GANG. palagi sya nitong kinukulit pero ayos lang sakanya dahil kaibigan na rin nya ito at mabait naman. 

"Hi AB" mahinhing sabi ni Sofie. Ganyan lagi magsalita itong si Sofie. Sabi nung iba ganyan lang daw talaga ang boses nya di nya kayang ilakas. 

"Kamusta bakasyon? Bat di ka nangitim? Nagswimming ka ba? Ah siguro night swimming noh? Kami din eh nagnight swimming. San ba kayo nag swimming di man lang tayo nagkita nung bakasyon?" dire-diretsong sabi ni AB. Di tuloy alam ni Sofie ang isasagot nya. 

"Ah. Andyan na yung teacher AB mamaya nalang" sabi ni Sofie dahil nakita na nya ang teacher.  "sige Sofie. mamaya ah? " nakangiting sabi ni AB, tumango nalang si Sofie. Nagsimula na ang klase ni Sofie. Gusto nya maging Dean's lister para patuloy ang kanyang scholarship. Hindi naman ganun kayaman at ganun kahirap sila Sofie, ayos lang ang estado nila sa buhay. Kaso ayaw nya rin maging pabigat sa magulang nya

Nang matapos ang unang subject ni Sofie, gusto nyang dumaan sa canteen dahil nakalimutan nyang magbreakfast. "Sofie! San ka pupunta? May next class pa tayo diba?" tanong ni AB sakanya. 

"Ah dyan lang sa canteen. Sama ka?" sabi naman ni Sofie. Bigla namang kuminang ang mga mata ni AB. "Talaga sasama mo ako? SIGE!" masayang sabi ni Ab. Ngayon lang kasi nagaya si SOfie madalas sya ang nagaaya dito pero hindi naman ito tumatanggi pag may kaylangan lang talaga itong tapusin

Naglakad na sila Papuntang Canteen pinagtitinginan sila ng mga tao at pinagbubulungan ng malakas. katulad ng "Ay sila na kaya?", "tamo! malandi naman talaga yang si Sofie unang klase palang may kasama na agad na lalaki" , "tngna balak ko pa naman ligawan si Sofie!" at "Bangasan kaya natin yan?"

Wala naman yung mga chismis kay Sofie, sanay na sya dyan. Nasasaktan din sya minsan pero nawawala naman agad yun pag kasama na nya ang mga taong nagpapasaya sakanya. Hindi namanito madaling magtampo at kung magtampo man ito madali itong suyuin.  

Bumili lang sila ng Juice at Sandwich at umakyat na uli sa klase nila. "Sofie sabay uli tayo mamayang Lunch ah?" sabi naman ni AB gustong gusto nya si Sofie. Mahilig sya sa mga babaeng wild pero nung makilala nya si Sofie nagising nalang syang minamahal nya na ito. 

Tumango naman si Sofie bilang pagsangayon. Nagngitian nalang sila at umupo na sila. 

Para kay AB boring ang pagaaral, ngunit simula ng dumating si Sofie naging makabuluhan na ang pagaaral ni AB, sya rin ang iniisip ni AB upang sipagin sya. Na love at first sight sya dito gandang ganda si AB nung unang beses makita si Sofie halos maglaway na ito, mas nainlove sya dito nang malamang anghel ito. Ngayon lang sya nakakita ng maganda na mabait pang babae. Yung iba halos ipag landakan na katawan porke maganda, at ipagmayabang. Iba sya for short. 

Naaliw si AB ng maisip nya si Sofie, kaya tinitigan nya si Sofie, napatulala sya dito. 'Ang ganda nya pag nakikinig' - isip ni AB  

Nagulat sila -maliban kay AB na tutok kay sofie- ng biglang bumukas yung pinto.

" MR. MUNG! YOU'RE LATE! First day na first day late?" sigaw nung prof. Ayaw naman talaga ni Lloyd na magaral kaso napipilitan sya dahil sa mga kaibigan nya, pumapasok ito para sa baon at lakwatcha.

"MANAHIMIK KA NALANG AT MAGTURO!!" sigaw naman pabalik ni Lloyd, napailing nalang si Sofie ng ganunin ni Lloyd ang teacher. Umupo na si Lloyd ngunit ma sumigaw nanaman 

"Eeeeeeeh! Babe! Why did you leave me there?! Yah! You didn't even wait for me?!" sabi ni Rina at nagpout pa. Ngunit mas nainsi ang prof dahil dalawa silang late at iniistorbo ang klase nya. 

"As For you Ms. Landifa, why are you late?!" tanong naman ng prof habang namumula na. Wala naman kasing alam gawin ang dalawa kundi mag PDA kung saan saaan

" Isn't it Obvious? Ofcourse I'm following my Hubby" mas lalong nagpout ito. wala naman itong lahing koreana o kahit ano pero kung magsalita kala mo galing ibang bansa, pacute pa. 

"PWEDE MAGTURO KA NALANG? SAYANG BAYAD NAMIN SAYO!" naiinis na si Lloyd. Ayaw nya sa lahat di nasusunod ang gusto nya. 

At si AB nakatulala pa rin kay Sofie.

------------------

Miley Vouges's Note:

First chap, alam kong boring babawi nalang ako :> At ang BS ay hihihihi.. SECRET! HAHAHAHA XD So yun, 

Pa-Follow and add nyo sa Reading List nyo, vote nyo na rin. YEY! :D

ANG RAPISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon