AGAD na inilayo ni Angela ang cell phone niya sa kanyang tainga nang marinig ang pagtili ni Ciara mula sa kabilang linya. Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago siya muling nakipag-usap dito.
“Hindi mo naman kailangang tumili.”
“Kinikilig lang ako sa pagkikita niyo ni Gavin. Ang suwerte mo, girl,” tugon ng bestfriend niya na nasa tinig pa rin ang excitement.
She let out a frustrated sigh. Nang una niyang banggitin kanina ang pangalan ni Gavin ay agad nang na-excite si Ciara. Akala niya ay mapapalitan iyon ng inis kapag naikuwento niya dito ang una nilang pagkikita ng sikat na basketbolista. Pero tila kahit anong bagay na tungkol kay Gavin ay ikakikilig ng kaibigan niya.
Hindi tuloy niya mapigilang mainis. Para siyang batang nagsusumbong dito upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Pero parang wala lang kay Ciara na may mabigat siyang problema. Palibhasa ay may crush ito kay Gavin kaya ganoon ito makapag-react.
“So suwerte na pala ngayon ang magkautang ng sampung libo?” sarkastiko niyang tanong.
Hanggang ngayon ay wala pa siyang pambayad kay Gavin. Kaunti lang ang kaibigan niya at sa kakaunting iyon ay iilan lang nagawa niyang hiraman ng pera. Kaya hindi pa niya nabubuo ang ten thousand pesos na hinihingi ni Gavin. Dalawang libo pa lang ang mayroon siya.
Hindi rin niya magawang sabihin sa Papa niya ang problema nila ni Ivan. Bukod kasi sa mga bayarin nila sa bahay ay bumibili pa ito ng gamot sa sakit nito sa bato. Ayaw niyang dagdagan pa ang alalahanin nito. Hindi na nga siya nakakapag-abot dito ng pera ay dadagdagan pa ba niya ang mga gastusin nila?
Malaking halaga ang sampung libong piso sa kanila dahil hindi naman sila mayamang pamilya. Hindi ganoon kalaki ang suweldo ng Papa niya bilang isang government employee.
“Huwag ka nang magtampo, bestfriend. Pahihiramin na lang kita ng two-five,” hirit ni Ciara.
Mabilis siyang nagkalkula sa isip. Six thousand pesos pa rin ang kulang niya kung papautangin siya nito. Saan pa kaya siya makakahiram ng pera? Gusto na kasi talaga niyang matapos ang problemang iyon para hindi na niya maisip pa si Gavin. Hindinga siya nakatulog nang maayos kagabi dahil ayaw maalis sa isip niya ng guwapo nitong mukha.
Yes, Gavin had a beautiful set of white teeth but it was still irritating to see how he gave him a sneering smile. Pakiramdam niya ay isa siyang katawa-tawang bagay sa harap nito pero wala siyang magawa dahil may atraso siya dito.
“Pero teka muna, ano nga palang feeling nung hinawakan ka niya?” biglang tanong ni Ciara na ikinataas ng isang kilay niya.
“Wala. Ano ba namang klaseng tanong iyan?”
“Kaya hindi naaaprubahan 'yung mga kuwento mo, wala kang kakilig-kilig sa katawan eh. Imagine, ang guwapo-guwapo ni Gavin tapos wala lang sa iyo? My goodness! Kung alam mo lang, ang daming nangangarap na mahawakan man lang kahit dulo ng daliri niya.”
Umikot ang mga mata niya sa sinabi ng bestfriend niya. May naramdaman nga siyang kung ano nang hawakan siya ni Gavin pero baka sadyang napaso lang talaga siya. Mayroon siyang iilang kakilala na normal ang pagiging mainit ng katawan kahit malamig na ang paligid.
Mas nangingibabaw ang inis niya para dito. Kung wala nga lang atraso ang kapatid niya dito, tataray-tarayan talaga niya ito ng todo kapag bigla itong nagyabang sa harap niya. Wala siyang pakialam kung mayaman ito, sikat, matangkad… at guwapo.
Pero mas guwapo pa rin si Arkin!
Saya nga lang at hindi niya na nakadaupang palad ang ultimate crush niya. Umuwi na kasi kaagad siya para maghanap ng pera.

أنت تقرأ
Maid to Love You
عاطفيةSuper crush ni Angela ang sikat na basketball player na si Arkin. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na makadaupang-palad ito ay hindi na niya pinalagpas iyon. Agad-agad siyang nagpunta sa lugar kung saan niya ito makikita. Pero sa halip...