Chapter 4

88 3 2
                                    

January 7, 2011 

Ang date sa kalendaryo ng tumayo siya para maligo dahil pupunta siyang Cavite, bibisitahin kasi niya ang kanyang kapatid at magulang.

Dalwang taon na sila Andrew at Jennifer ngayong araw pero parang hindi na ganun kaimportante yun ngayon kasi hindi na nila binibilang ni Andrew ang tagal ng pagsasama nila dahil araw-araw nagcecelebrate sila ng pagmamahalan nila. 

Pero binati parin niya sa text si Andrew. Nasa Baguio kasi siya ngayon at may conference na inaattendan sa trabaho niya. 

Nagpaalam naman siya na aalis siya at pumayag naman ito pero pinaalalahanan parin siya nito na wag manlalaki. Natatawa nalang siya pag sinasabi sa kanya yun ni Andrew dahil siya lang naman ang natatanging lalaki sa buhay nito bukod sa tatay at kapatid nito. Hindi rin naman niya naisip na maghahanap siya ng ibang lalaki.

Habang nagaayos ng damit ay nakita niya ang picture nila ni Andrew sa frame at bigla niyang naalala ang surprise ni Andrew sa kanya noong isang taon.

Paggising niya bumungad na agad sa kanya ang bouquet of flowers sa lamesa at chocolates, habang may nakadikit na note sa tabi nito.

*tumingin ka sa kanan mo at sundan mo ang mga arrows*

Dumiretso siya sa may sala, kumaliwa habang papunta sa pintuan ng condo niya. Iisang tao lang naman ang may duplicate ng susi niya.. Si Andrew, kaya hindi na siya kinabahan na may nakapasok sa loob ng condominium niya.  

Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya ang labas na punong puno ng bulaklak habang si Andrew ay may hawak na malaking cartolina na nakalagay na...

"Happy Anniversary Baby! I love you so much!"

Hindi lang si Andrew ang nandon, andoon din sina Misty at iba pa niyang kaibigan. 

Talaga nga namang sobrang sweet ng boyfriend niya, na overwhelmed siya masyado sa ginawang surprise nito sa kanya. 

Sa sobrang tuwa ay hinagkan niya agad ito at hinalikan. 

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Andrew

"Oo baby, sobra! I love youuuu! Happy Anniversary!"

Pumasok na siya sa banyo at naligo.

Umalis na rin siya agad pagtapos at sumakay ng bus papuntang Cavite. 

Once upon a storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon