Chapter 2

128 3 2
                                    

"Good mooooorrrning to the prettiest girl in the whole world!! I love you so much baby! I love you forever and ever and ever and eveeer!!!" paulit-ulit na pinakikinggan ni Jennifer sa cellphone niya ang recording ni Andrew nung isang araw noong nasa park sila sa may Ayala. Kinikilig parin siya tuwing maririnig niya ito bago siya gumising. Ginawa kasing alarm tone yun ni Andrew para hindi na ma-late ang pinakamamahal niyang babae sa trabaho nito. 

Nagtatrabaho si Jennifer bilang consultant sa isang insurance company, hindi man ganun kalaki ang sweldo ay tamang tama na rin para sa kanya at sa kapatid nitong si Luke na nagaaral pa sa highschool. Pinapadalhan niya si Luke at ang mga magulang na nakatira sa Cavite. Malayo man siya ay nagagawa parin niyang bumista paminsan-minsan pag may bonus na natatanggap. 

Maganda si Jennifer; maputi, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, sexy ngunit hindi ganoon katangkad. Pero pag tinignan naman ay ok na ok , meron kasi siyang matang hindi mo mapipigilan na hindi tignan at mga labi na nakakamatay pag ngumingiti. Lahat ata ng lalaki na nakakakita sa kanya ay imposibleng hindi magkagusto pwera nalang kung mahilig sa matangkad. Ito ang deskripsyon ng magulang niya, ng mga kaibigan niya at ni Andrew. Pero hindi siya naniniwala rito para sa kanya siya ay simpleng babae lamang na naghahangad ng tunay na pag-ibig. 

Dahil nga sa kakaibang ganda simula ng maging sila ni Andrew ay hindi na nito maiwasang magselos. Halos lahat ata ng lalaking lalapit at kakausap rito ay binibigyan ng malisya. Minsan nga pati ang bakla nitong kaibigan na si Lou (Louisse ang totoong pangalan) ay muntik ng bugbugin ng yakapin siya nito. Buti nalang ay nasabihan ni Jennifer si Andrew. Halos isang buwan ring hindi nagpansinan sina Andrew at Lou, pero naging ok din ang lahat. 

Hindi batid ni Jennifer ang saya na nararamdaman tuwing magkikita sila ni Andrew at sa tuwing bibisita ito. Dinadalhan siya lagi ng prutas pag dadalawin siya nito sa condo niya. Minsan nga ay natatawa na siya kasi baka napagkakamalan na siyang pasyente nito. Pero ang sasabihin lang ni Andrew ay para iyon sa kalusugan niya para hindi siya magkasakit dahil sa panahon ngayon ay mahirap magkasakit lalo na kung walang pera. Ngayon pang nagiipun si Andrew para sa kasal nila ni Jennifer. 

Hatid sundo si Jennifer ni Andrew at bihira itong ma-late sa mga date nila. At isang beses pa nga ay nagalit si Andrew dito ng hindi ito makasipot dahil nastranded ang sinasakyang taxi sa kahabaan ng EDSA. Mababaw magalit si Andrew pero mahal na mahal parin siya ni Jennifer dahil din sa pinapakita at ginagawa nito para sa kanya at sobrang mahal rin naman siya ni Andrew, pwede na nga itong mabaliw pag nawala sa kanya si Jennifer. Ito ang iniiwasang niyang mangyari. Salat kasi sa pagmamahal si Andrew sapagkat lumaki ito sa bahay ampunan at hindi na nakilala ang mga magulang kaya ganun nalang ito kay Jennifer. Kaya pinupunan niya ang kulang na pagmamahal na hindi naibigay ng mga magulang ni Andrew dito, siya ang naging nanay at tatay nito. 

At para kay Jennifer wala ng mas masaya pa kundi ang umibig.

Magmahal ng taong mahal mo at mahal ka. Isa sa mga pakiramdam na ipinagmamalaki niya sa mga kaibigan niya. 

Pinangako niya rin sa sarili na patuloy niyang mamahalin si Andrew habang nabubuhay siya. 

Habang buhay.... 

Once upon a storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon