AKI’S POV
“nandito na tayo” sabi ni ungas ... akmang bubuksan ko na yung pintuan ng kotse nya pero hinawakan niya yung kamay ko.
“ako na” sabi nya
“huh?”
At bumaba na siya, tapos binuksan niya ang pintuan para saken?
Kaya bumaba naman ako.
“okay, alam kong weird, but let’s make it official”
Di ako nakasagot, di ko nagets sinabi nya noh... anung official, pinagsasabi nito?
“cge na pumasok kana baka malamig na yang kape ng mama mo..bye”
Then , kiniss nya ako sa cheeks sabay alis.
Naiwan akong tulala.
Pinagsasabi nun?
Baliw.
Pumasok na nga ako sa loob at ibinigay ko na rin ang kape ni mama.
After nun, umakyat na ako sa kwarto ko.
At napatingin ako sa salamin.
Ako ba to?
Si Aki ba to?
Nagsusuot ba si Aki ng ganito?
Tas huminga na lang ako ng malalim.
Ibang iba pala ang itsura pag ganito.
May bumukas ng pinto sa kwarto ko.
“sis,sissy, are you there?”
Si kuya, este sisteret pala.
Napatingin sya saken.
“ohh, what’s with your subangot face?,”
“ee, kasi feeling ko hindi na ako si Aki ngayon”
Feeling ko kasi hindi na talaga ako to..wala na yung astig na Aki.
“halika ka nga dito”
At naupo kami sa kama ko.
“alam mo sisteret” hinawakan nya ang kamay ko at pinatong ito sa may dibdib ko katapat ng heart ko.
As long as alam mo sa sarili mo na hindi ka nagbabago dyan, nothing change, tsaka it’s only the style that you have change hindi ang pagkatao mo, hindi ang ugaling meron ka..Indeed, ikaw pa rin yan. Ikaw pa rin si Aki na baby sister ko, Ikaw pa rin si Aki na astig kahit ngayon ay girlish na manamit”
Natawa naman ako sa sinabi niya.
Ang ganda na ehh, sapul lang yung sa huli nyang litanya..hahaha
“anyway, sissy ...you look good, and I have something for you.. sure na bagay sayo tong mga to”
Tapos inabot niya mga paperbags na dala niya.
Binuksan ko ang mga ito.
At napanganga nalang ako sa mga nakita ko.
Anung tawag sa mga to...arghh..
“isn’t it amazing ?” sabi ni sis, habang makikita mo sa itsura nya ang ngiting tagumpay.
Tinignan ko lang siya ng masama. Natawa naman siya.
“do’nt worry sis, this is only for the preparation for your debut”
Debut?
Wala naman akong plano sa 18 birthday ko. Gusto ko lang magcelebrate ng simple at masaya..

BINABASA MO ANG
I dare to love you (COMPLETED)
JugendliteraturDARE. isang malinaw na laro. Kapag naka-oo kana, mahirap ng bawiin. Kapag natalo ka, mahirap harapin ang consequence. But, what if... nagkaroon ng chance na maging totoo ang lahat?, Will you just take it as a dare ? or grab the opportunity to love a...