Madaling magsabi ng I love you.
Kahit sa text nga eh nagagawa, minsan trip lang at pwede ring maging totoo.
Ito lagi naririnig sa mga movies.
3 words lang pero malakas yan.
As in parang pana na tatamaan ka kaagad.
I hate you. Pag sinabihan ka ng isang tao nyan o kaya pusa na mahal mo, masakit diba?
Kahit nga yung mga artista, sinasabihan nyan eh.
Siyempre sinasabi rin yan ng mga taong niloko at nasaktan.
Love related pa rin to. Pero sa totoo lang, ayaw ko ang isang tao na magsasabi nyan sakin. That's my weakness.
Natatandaan ko pa yung unang araw nung sinabihan ako ng best friend ko nyan. Nagmukmok ako ng ilang buwan. Kaya ngayon, FO na kami ngayon. Sikat pa naman siya. Kaya kung FO kami, FO na kami ng mundo. Kumalat ang balita sa school. Kaya sa school ko, hate ako ng lahat. Kahit yung parents ko nag-aalala na sakin, I'm fortunate na nandyan pa sila. At yung Diyos, di ako pinapabayaan.
I'm Jadyn Nell, or usually called as Em. Kasi sabi nila, EMpossible daw akong maging kaibigan o mahalin ng isang tao. Isa akong official na loner.
Isang bagay lang ang gusto kong hilingin, kung may isang tao na darating sa buhay ko, I hope he/she doesn't say, "I hate you, Em."
BINABASA MO ANG
Don't Say 'I Hate You'
Romance"I hate you" MY WORSE NIGHTMARE. Kahit mag-invade pa si Sadako sa mga pangarap ko, yung 3 words na yan, certified: trouble.