It's morning. And I really hate this day. Monday na naman.
Pumasok na ako sa school gate namin. As usual, lagi akong nakayuko habang naglalakad. Ayaw ko kasing makita yung mga tao na nag-uusap at alam ko kasi na ako yung pinag-uusapan. Nakakainis lang. Kung maisip man lang nila na mahirap kapag nasa ganito silang sitwasyon. Yung tipong hindi ka na makahinga sa lugar na kailangan nandun ka everyday. Kasi kung hindi, yun rin ang magiging dahilan sa pagbagsak mo. Ito ay yung pag-aaral. Kung sasayangin mo yung pagkakataon, sayang lahat. Kaya kahit ayaw kong pumasok dahil naiirita na ako sa mga megaphone na rumors na kumakalat everyday at kahit laging present ang pangalan ko dyan, kailangan kong pumasok. (-_-"")
Next year, napagdesisyunan na namin na lilipat na ako ng ibang school. Para na kasi akong sinasakal na parang I'll die because of the rumors I'm hearing. Sorry kung paulit-ulit ako. Alam nyo yung feeling na wala kang makausap? Yung you cannot lean on to somebody when tears are about to fall down? The feeling where you cannot burst out your thoughts because you always fear that somebody would judge you? Ang hirap. Gusto kong maging positive, pero wala akong magawa. Puro negabytes ang pumapasok sa isip ko. Posibytes, pumasok naman kayo sa katawan ko!!
Papunta na sana ako sa classroom. Kaso may nakita akong isang nilalang na ubod sa kagandahan pero wagas makapangdown ng isang tao. At worse, nabangga ko pa siya. Mahina lang naman. Kung pwede lang sadyain, pero baka kumalat naman ito. Para siyang unicorn. Maganda nga, may sungay naman. >:D Joke lang. Ang aking number one rival, meet her, si Caslie Sondra. Siya ay dati kong best friend, pero ngayon FO na kami. I don't want to talk about sa kung ano ang naging dahilan nito, it just confuses me like a cow.
"Oh, look who we have here. Si Impossible Girl, bwahaha." Nagsalita na si Unicorn. Nakabraid yung buhok nya ng fish tail ata. At she has some company. Kasama nya ang dalawa niyang "present" na best friends. Sila ata yung mini-unicorns. :3 Pssh, natatawa tuloy ako.
Sila yung MIC girls. Ewan ko ba, pero siguro pinangalanan nila yung group nila dahil sa start ng names nila. Maira ang pangalan ng mataray na babaeng nasa left. At Iven naman ang pangalan nung nasa right, mukhang mabait siya pero masungit. At siyempre, si Caslie yung nasa gitna. Unicorn talaga! Siya yung leader ng group nila.
"Anong kailangan nyo, Unicorns--este, MIC girls?" sarcastic kong tinanong. Di ko na kasi mapigilan eh. They were bullying me again. Always at my way para mainis ako.
"Unicorns? Ugh, you're really getting into my nerves." Mukhang sasabunutan na kasi ako nitong si Caslie pero inawat nitong sina Maira at Iven.
"Kung wala kayong kailangan, aalis na ako at malalate pa ako." Tumango na lang ulit ako pero bigla na lang ulit akong hinarangan ni Caslie. Nagulat rin ako kasi hinawakan nya ng mahigpit yung kwelyo ko.
"Listen, Em. I don't want to run into your freaking puny and ugly face again. You're so pathetic. Kung hindi mo lang hinayaan matalo ako sa contest..."
"Shut up," sabi ko. Napupuno na ako. High blood na ako sa unicorn na 'to ah.
"Hey, don't use that word to our beautiful leader." Nagsalit naman yung mataray na babae na si Maira.
"Don't mind her, Maira. Masisira lang ang beauty mo pag pinatulan mo 'tong isang 'to," sabi ni Caslie kay Maira. "Tingnan mo, nung magkasama kami, ang panget ko. Pero nagbago ang buhay ko nung may bago na akong group. At gumanda na ako dahil dun." Wow ah, maganda na daw siya ngayon? Mali pala ako, di pala siya unicorn, rhinoceros na pala!
"Basta, pag nagkasalubong ulit tayo Em, I'll ruin your reputation, just what like you did to me in the first place. Ang bilis nga naman ng karma, bwahaha!" tumawa siya ng malakas. Binitiwan nya na rin ako sa pagkahugot nya sa kwelyo ng uniform ko. Sa totoo lang, di naman ako palaban. I'm trying my best to be humble. Pero sumosobra na sila eh. They threaten me like I ruined their lives. Pero kay Caslie lang talaga ako nagkaroon ng kasalanan. I did nothing with those two mini-unicorns. Kailangan kong mag-ingat sa kanila. Ang MIC girls ang pinakasikat na grupo sa buong Southscape High.

BINABASA MO ANG
Don't Say 'I Hate You'
Romance"I hate you" MY WORSE NIGHTMARE. Kahit mag-invade pa si Sadako sa mga pangarap ko, yung 3 words na yan, certified: trouble.