Nagdaan ang English at ngayon World History namin. World History? Kind of my favorite kasi napakamysterious ko sa mga kasaysayan ng lahat ng bagay. Ang history lang ng buhay ko ang least na gusto kong pagtuunan ng pansin. Saya kasi ng buhay ko. -_-
"Class dismissed." Nabuhayan ako ng loob nung narinig ko yun kay Madam Jy. Nag ring na yung bell. Ang gusto ko sa school na 'to, 1 hour yung recess and lunch! Yipeee! Kaya ang kapalit, 10 hours school para fair. Pero okay na rin. Inayos ko na yung gamit ko at kinuha ko na rin yung wallet ko sa bag para makabili ng lunch. Nang biglang naalala ko na may ipapakilala daw si Jalen! Wahhh! Bakit ba kasi yun pa? Uso ba yun ngayon? Tss. Worse kung babae at worst kung matagal na siya rito at nalaman nya yung tungkol sakin. Arghh nakakainis! Di ko 'to kailangan, I need positive thinking.
Lagi na lang kasi ako narereject. Ngayon lang ako nakameet ng isang tao sobrang bait. Pero ang kinatatakutan ko....paano kung malaman nya yung tungkol sa akin?
AHHH! Erase erase >.< Bahala na si Flash!
Bumaling yung tingin sakin ni Jalen na hawak-hawak yung cellphone nya. Yes, you can say that again. Pwede ang gadgets dito. Pero kung nawala mo yun, it's your loss because it's your responsibility. Di ko alam if they care kung may nawawala silang gadget, palibhasa may pera para may pambili ulit. Hay. -_-
"Jad, lika na, kain na tayo. At may papakilala ako sayo, right? Sasabay siya sa ating kumain." Halos malaglag na yung panga ko sa sinabi nya. Sasabay? Kala ko papakilala lang. (o.O") Jad! Patay, ano gagawin ko? Paano kung..yikes. Hindi..hindi hahayaan ni Jalen na may di maganda ang mangyari. Go Jalen!
"S-sige." Kahit ayaw kong sumama sa kanya, edi balik ako sa pagiging loner. No, I'll not start again. Pagpapatuloy ko ito. Maganda na nga yung friendship namin ni Jalen eh. :) What's not good about making new friends? I think, because they're meant to be your enemies? Gosh, napaka pessimist ko. Buti andyan si Jalen, pangiti-ngiti lang.
Tumungo na kami sa cafeteria at nakikita ko na naman ang wicked line na yun!! Dapat talaga ikaw yung mauna para makabili ka kaagad. Pumunta ulit kami ni Jalen sa table namin kanina.
"Jad, okay ka lang?" tanong niya nung kakaupo palang namin.
"Umm, oo n-naman. Gutom lang 'to hehe." Ngumisi ako sa kanya at mukhang di parin siya satisfied sa sagot ko.
"Sabi mo eh, sige ako naman pipila para sa'yo." Binigay ko yung bayad ko at kinuha nya naman. Tumayo na siya para pumila. May pagkagentleman pala 'tong si Jalen. Kaya ayun, ako nalang naiwan sa table. Nag-iisa. I tried to look okay, to feel okay, to act that I'm okay, but nearly, I always fail. Ewan ko ba. Napakasensitive ko. Para bang natrauma na ako sa nangyari.
After 15 minutes, nakabalik na si Jalen na dala ang pagkain namin.
"Tama ka Jad. That line is very wicked!" Tumawa kaming dalawa. Sarap pala pag tumatawa kayo sa isang bagay na parehas kayo nag-aagree. Astig! >//< "Buti na lang at di tayo naubusan. Phew."
"Salamat ah. I owe you! Hahaha!"
"Di ah, bumawi lang ako sa pagpila mo sakin kanina. And now, I feel your pain." Hahaha. Ayos 'tong magsalita si Jalen. May sense pero nakakatawa. XD
"Haha! Sige kain na tayo."
Kumain kami pero tahimik kami ngayon. Masarap lang siguro yung fried chicken and spaghetti nila. Jollibee lang ang peg?
Tumigil si Jalen ng sandali at linabas ang cellphone nya.
"Hello?" tanong niya.
"Nandito ako sa left sa pinakadulong table. Malapit sa may water dispenser. Dalii!" Yikes, kausap nya na ata yung papakilala nya sakin.
"Sige. Bye."
Ngumiti siya sakin nung inend call nya na. Binalik nya na rin yung cellphone nya sa pocket.
"Papunta na siya rito. Magiging masaya ito!" Sana nga masaya. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain namin hanggang sa...
"Jalen!" babaeng boses yun ah. Tumayo naman si Jalen at nagsabi ng, "Sept! Sabay ka na samin!" Kinakabahan talaga ako. The fudge, sino 'to? G-girlfriend nya?
I heard footsteps na papunta samin. And ayun, nakakita ako ng maganda at maaamong mukha. Sept pala ang pangalan nya.
Nung nagtagpo yung mga mata namin, chizzle, yung mata nya, BURNING FLAMES! Nanlilisik ito sa akin. Sabi na nga ba. Hindi maganda ang patutunguhan nito!
"Ummm, Jalen. What is she doing with you? I mean, what are you doing with her?" tanong na maarte ni Sept. Geez, tao rin ako.
"Well, nagkakilala kami kahapon and inatasan rin siya ni Professor Z na maging tour guide ko. So siya yung unang friend ko dito," pag-eexplain ni Jalen. "Sept, meet Jad my friend. Jad, si Sept, pinsan ko."
"Hi," matipid ko na sinabi.
Inirapan nya lang ako at may binulong kay Jalen. Masama ang kutob ko sa binubulong nya. Sinisiraan ba nya 'ko? Pshh. Nakita kong kumunot yung noo ni Jalen. And dun natapos yung pagbulong ni Sept. Pagkatapos nun, ngumiti si Jalen sa akin.
"Pshh. Rumors lang yan. Di mo pa nga kilala yung tao, huhusgahan mo kaagad. Ikaw kaya yung pumalit sa posisyon nya," pagalit na sinabi ni Jalen.
Tiningnan lang ako ni Sept ulit at nagbago yung expression nya.
"Umm. Sorry Jad. Sorry to bring up your past. Well, kung sinasabi ng pinsan kong ito na talagang mabuti ang loob mo. Eh, tiwalang-tiwala ako sa isang to...uhmm, can we be friends?" banggit niya. OMG~! Totoo ba ito? Yung feeling na, kanina tinatarayan lang ako ni Sept at ngayon, wow, bumait bigla? Wow, nakakapanibago. I guess, nagkamali rin ako. Nanghusga kaagad ako sa pinakita niyang impression.
"Yes. OF COURSE!" Lumaki ang ngiti ko sa mukha ng sobra sobra. My gee, nananaginip ba ako? Kinurot ko yung sarili ko at nasaktan ako. Ibig sabihin, this is reality. Totoong nakikipagfriends sakin si Sept. :D
"I'm glad. Let's start this over again. Hi, I'm September Abelardo pero you can call me Sept. Pinsan ni Jalen at favorite sport ko ang tennis." Inalok nya sakin yung kamay nya.
"Ako naman. I'm Jadyn Nell pero you can call me Jad or Em. Ordinaryong estudyante dito sa Southscape High at favorite kong tumugtog ng guitar dahil yun yung talent ng kuya ko. Nagpaturo lang ako. Mehehe!" Nagshake hands kami ni Sept. Ngumiti siya with satisfaction.
"Hep hep!" singit ni Jalen kasi mukhang OP siya. XD
"Hooray!" sagot ko. Tumawa kaming tatlo. Hahaha! Ang saya. Ang bait ng lahing Abelardo. I got two new friends! Sept and Jalen Abelardo. Ang bait ng Diyos O:)
I hope magpatuloy ito.
"Patuloy na nga yung pagkain natin at baka langgamin pa sa inyo." Pinalo ni Sept sa braso si Jalen. Kulit kasi. Yan ang napapala. Bwahahha!
Nagkwentuhan kami ng mga nakakatawa na mga bagay. Mas okay na ito dahil I don't want to open up about my personal life. Drama na naman. Contented with this conversation. Yiheeee. :)
{} AN: Guys, hindi every chapter may bagong friend si Jad ah. Wala lang baka yun yung ineexpect nyo. Di pa nangyayari yung mga twists and turns kaya abangan! :)) Thanks for reading! Vote and comment pls. :D

BINABASA MO ANG
Don't Say 'I Hate You'
Romance"I hate you" MY WORSE NIGHTMARE. Kahit mag-invade pa si Sadako sa mga pangarap ko, yung 3 words na yan, certified: trouble.