Yo!! Hi guys, salamat sa pagclick. Hindi naman ako newbie, at di rin naman ako professional. Pero I'm trying just like you guys. So, here's my 3rd love story! Sana magustuhan nyo. Inspired si author ngayon eh. ;)
~~~~
-One-
"Mom, I'll just go to Mcdo to buy some coffee for us," sabi ko. First thing in the morning pag weekends, bumibili ako ng coffee sa Mcdo, walking distance lang naman. We really love coffee kasi we need to be energized for the day. Madami kasi kaming errands with the family kasi alam naman nila na alone ako lagi sa school, kaya they're here to bond with me. Mahal na mahal nila ako eh. Kaya I'm so blessed.
"Sige anak! Hurry kasi baka malate tayo sa paglaro ng badminton."
"Yes, mom."
Badminton is my favorite sport. Kasi kahit sino pwedeng maglaro, bata man o matanda, hahawak lang ng raketa, ayun, nakakapaglaro na. Lumabas na ako ng bahay para makapunta na. Malaki bahay namin, and somehow medyo mayaman kami. Kasi si Papa engineer at si Mama naman ay isang known na fashion designer. Alam natin na busy yung mga trabahong yun. Pero they still spend time with me during the weekends. So sweet no!
Eto na ako naglalakad, sa totoo lang nakapajamas ako. Sanay naman na ako pumunta ng Mcdo ng ganito. Pero medyo nakakadown kasi, ako ganito magsuot tapos yung mom ko, isang fashion designer. Nakakahiya rin pala. T_T
Pumasok na ako sa Mcdo at wowwww, ang lamig! May aircon rin haha. Nag-order na ako ng 4 na coffee sa counter at sabi ng clerk na maghintay na lang daw ako. Kaya sinunod ko naman. Umupo ako sa isang vacant na table.
Pinatong ko yung ulo ko sa kamay ko at nagdaydream ulit.
Kailan kaya ako magkakaron ng isang tunay na kaibigan? Hay.
"Here's your order, Ma'am!" sabi nung waitress.
"Ahh, thank you." Kinuha ko kaagad yung apat na coffee. Dahil nagcacrave na ako, kinuha ko yung sakin at hinipan-hipan 'to.
*hipan*
*hipan ulit*
Ayan, di na mainit. Nung iinom na ako, may bumangga sakin!
"AY NAKO, SUPER CAFRAGILISTIC EXPIALIDOCIOUS!!! KABAYO KA, IMPAKTO KA, PALAKA PAGLAKI!" bigla kong pagsigaw. Natapon yung kape ko sa buong damit ko. Ang init grabe! Napaso na ata ang inaalagaan kong skin na makinis! Patay talaga sakin to! At lagot ako kasi nagsitinginan lahat. Wala pa naman akong panyo o pampunas pa.
"Sorry po, Miss. Nagmamadali lang po ako." Isang lalake siya at nakacasual na suot. Yung reaction nya parang natatae ng kape. YUCK.
"Look what've you done to me! Aalis ako ng malagkit? Please. Every weekend nalang kami magkasama ng family ko! Tapos sisirain mo na lang ng ganun?" reason out ko. Nakita ko yung reaction nya, sobrang natatakot siya. Eh kung ako yung nasa posisyon nya, talagang matatakot ako. So parang quits rin kung nagpalit kami.
"S-sorry talaga."
"Nasira araw ko sayo! HMP!" Kinuha ko nalang yung kape nila kasi ako wala na. Natapon na. Wasted. Sayang effort. Tsss, nakakainis talaga. Ugh, ayokong sabihin yung 3 words na yun. It'll horrify me even more. Bago ako umalis ng Mcdo, pumunta ako sa counter.
"Um, sorry po sa nangyari," sabi ko sa supervisor nila. Tumingin ulit ako sa lalakeng yun. Nakatingin pa rin siya sakin. At halos lahat pa rin nagulat.
Tsss. What a big trouble I've got into again. Kailan pa magiging normal buhay ko? I think it would forever be disastrous. And I'll be forever be miserable with this kind of life!
BINABASA MO ANG
Don't Say 'I Hate You'
Romance"I hate you" MY WORSE NIGHTMARE. Kahit mag-invade pa si Sadako sa mga pangarap ko, yung 3 words na yan, certified: trouble.