Chapter 4 ❤ First Day of being Maid

978 42 10
                                    

Audrey POV

"Bye bes! Thank you sa pag hatid sakin ah?" sabi ko kay Lorraine.

Ngumiti lang sya sabay beso-beso at umalis na sya.

Hindi naman talaga ako dapat mag papahatid kay Lorraine kaso ang kulit nya gusto daw nya makita yung inuupahan ko, eh ayaw ko sana kasi nakakahiya pero mapilit kaya wala na akong nagawa.

Nilibot ko ang mga mata ko at sa aking maliit na inuupahan. Pag pasok mo palang sala na agad at tulugan ko.

Buti na nga lang may trabaho na ako kay Lance the regla bukas kaya makakabayad na ako nang upa.

Dapat nga mapapalayas na ako dito kaso pinakausapan ko nalang na mag babayad na talaga ako bukas kaya pumayag yung inuupahan ko.

Maliit man tong inuupahan ko ayos lang atleast hindi ako nakakatanggap nang pang-aapi. Hays, papasok pa pala ako sa trabaho bilang taga alaga don sa matanda.

Tapos gagawa pako nang assignment, buhay studyante nga naman. Sana maging maayos ang trabaho ko dun sa Lance na yun.

-

Lance POV

I want to call her pero fuck! Wala syang cellphone.

Ano bang klaseng tao yun? Kainis.

"BUTLER! IM HUNGRY!" sigaw ko sa intercom.

Maya maya pa ay pumasok na si butler may dala na syang pagkain ko.

Ako lang kasi andito sa mansion kasama ang mga katulong umuuwi lang dito si papa pag ginusto nya lang. Pinalapit ko yung butler.

"Yes sir?" Tanong nya.

Inabutan ko sya nang pera. "Pumunta ka sa mall ngayon din at bumuli ka nang cellphone." utos ko.

Mukha naman sya nag taka. Kumamot sya sa ulo nya. "Eh sir. May cellphone naman po kayo diba?" Tanong nya.


Sinamaan ko sya nang tingin. "Sino ba masusunod ikaw o ako?" Maawtoridad kong tanong sa kanya.



Ngumiti sya nang alanganin. "Bibili na po ako." sabi nya at lumabas na nang kwarto ko.

Humanda ka sakin Audrey, tignan ko lang kung hanggang saan yang katapangan mo.

-

Audrey POV


Nagising ako sa sigaw nang babae mula sa labas. Kaya napabangon ako ka agad. Ano ba yan? Sinabi ko namang mag babayad ako ngayon eh.

"Akala ko ba mag babayad kana?" Tanong ni aling Rose.

"Aling Rose pwede bang mamaya na? Papasok pako sa school tapos sa trabaho ko. Parang awa mo naman oh? 40 nalang tong pera ko." Malungkot kong sabi.



"Sige siguraduhin mo lang kung hindi wag kana mag pakita sakin." Sabi nya at umalis na.


Jusko naman ka aga aga eh. Makapag ayos na nga nang sarili dahil papasok pako at nang makapag lakad nang maaga.

-

"Bes! Bat wala ka sa dinadaanan mo? Dinaanan ka namin nang driver ko pero wala ka." sambit ni Lorraine.


Napakamot ako sa batok ko. "Eh kasi, ang aga maningil nang babaeng inuupahan ko kaya napapasok nako nang maaga." sagot ko.

Kinalabit ko sya. "May sasabihin pala ako bes." Sabi ko.

Complicated Love (Completed) Where stories live. Discover now