Part 1

3 1 0
                                    

Nasa isang dinner with tatlong chiks si Echo at Lem.

As usual, niyaya nanaman ni Lem si Echo.
Hindi naman nakatanggi itong si Echo lalo pa at ginamitan sya ng magic words nito nung yayain sya "Libre kita!"

May pagkamahilig talaga makipagmeet-up sa ibat-ibang babae itong si Lem gamit ang isang dating site.

Sumasama lang naman si Echo sakanya sa ngalan ng libre. Sa totoo lang, kahit magaganda ang mga minimeet-up nito ay never sya naturn-on sa kahit sino dito.

Maya-maya ay nagpaalam magCR ang mga ito.

"Talagang sama sama kayo magcr mga girls eh no? Kahit anong mangyari?" pangungutya ni Lem sa mga ito.

Bigla syang bumaling kay Echo "pre tara CR tayo"

Nagngisian naman ang mga babae.
Ngumiting matipid si Echo at saka umalis ang mga babae.

"Alam mo ikaw pare kaya hindi ka magkagirlfriend ang boring boring mo!" naaasar na sabi ni Len sakanya.

"Not on point! I have two reasons..." umayos ito ng umupo at lumagok pa ng beer.

"First, I don't want those fvcking dating sites to be the foundation of my relationship..."

iling-iling lang ang sinagot ni Lemuel atsaka kumuha ng pulutan.

"and second... I'm a career man"

Humarap si Lem kay Echo.

"Ikaw pare umamin ka nga... Bakla ka no?" Nilakihan pa nito ang mata at parang aambahan sya...

Natawa naman si Echo. Ang ganda ng ngiti. Nilabas pa lalo ang dimples.

"Pano kung ganun na nga?" pinatulan nya ito.

"Fvcky*u!!"

Biglang tumunog ang Cellphone ni Echo.

Calling Bella...

Do I deserve Us?Where stories live. Discover now