Part 3

1 0 0
                                    

Nagulat si Echo ng gising pa ang kanyang lola pagdating nya sa bahay. Alas tres na ng madaling araw. Ito na ang nagpalaki sakanya mula tatlong taong gulang sya.

Iniwan kasi sya ng kanilang Ina ng magtrabaho ito sa Japan at di na sila nito binalikan. Naging lasinggero naman ang kanyang ama kaya; syang binubugbog nito sa musmos na edad kaya kinupkop na sya ng kanyang loa.

"Oh, inumaga ka yata"bungad sakanya nito. Papunta ito sa may pinto para ilock ang pinto at sinenyasan si Echo na sya na ang magla-lock.

Nagmano naman si Echo.

"Sinamahan ko po kasi si Bella. Nahold-up kasi sya La." Pumunta sya sa kusina para uminom ng tubig. "Kayo ho, bakit gising pa kayo"

"Eh hindi ako makatulog at wala ka pa eh alam mo naman sa panahon ngayon napakadelikado eh" tipikal na boses ng matanda.

"Nako nay wag mo ako masyadong inaalala... Kayo talaga"

"Eh kamusta si Bella? Anong nangyari mabuti at hindi nasaktan yung bata..." Umupo ito sa upuan.

"Yun na nga po eh, mabuti na rin at okay sya. Sa panahon ngayon maswerte ka pa pag hindi ka sinaktan ng mga ganung tao." Sagot naman ni Echo. Nagtatanggal ito ng sapatos.

Tumunog ang cellphone ni Echo.

1 Message: Thank you! :) - Bela

Echo: Matulog ka na.

Bela: :(

Echo: Ssshh. Matulog na.

Bela: Okay po.

Echo. Ok:)

Napabuntong hininga si Echo.

Do I deserve Us?Where stories live. Discover now