"Ang malas malas malas malas naman!" Inis na inis na sabi ni Bella. Nahold-up kasi sya. Para syang lutang ngayon. Hindi makapaaniwala sa nangyari. Kinakabahan. Nanlalamig. Gusto nyang umiyak. Naaawa sya sa sarili nya.
Buti nalang nakaugalian nya na ilagay ang cellphone nya sa ilalim ng damit nya tuwing maglalakad sya pauwi at gabi na.
Agad nyang tinawagan si Echo. Alam nya na isang tawag nya lang dito ay pupuntahan sya nito.
Nasa isang fastfood nagpalipas ng oras si Bella habang hinihintay nya si Echo.
Maya-maya pa ay nakita nya ng parating ito, halatang nagmamadali ito at nag-aalala.
Tinaas nya ang kamay para makita sya nito.
"Anong nangyari, okay kay ka lang?" hindi pa ito nakakaupo.
"Choy nakakatakot..." naiyak sya. Kanina pa nya pinipigil ang iyak na dulot ng takot at panghihinayang sa mga nawala sakanya..
Bumuntong hininga naman si Echo at lumapit sakanya.. "Pumunta ka na sa pulis?" mahinahong sabi nito.
Ewan. Napapakalma talaga sya ng boses nito. Para bang safe na safe sya pag kasama nya ito.
"Eh natatakot nga ko! Pano kung may kasama yon? Tapos sundan ako? Tapos Barilin pa ko!" Pagrereklamo naman nya..
"Ssshhh shhh shhh! O sya.. sasamahan kita. Wag mo na isipin yung nawala. Mas okay na na yung gamit yung nawala kesa ikaw diba..."
Mas okay na na yung gamit yung nawala kesa ikaw diba...
Hindi nya alam kung bakit pero parang biglang kumabog ng malalim ang puso nya sa narinig.
Hoy ano yan, bakit may pagkabog ng puso na nagaganap dyan?. Saway nya sa sarili.
Hindi nya binibigyan ng malisya lahat ng magagandang ginagawa ni Echo sakanya.
Muli nyang naalala ang eksena sa holdupan kanina. Hindi parin sya makapaniwala. Paano kung sinaksak sya nito? Binaril? Ginahasa?
Di naman nakaligtas sa mata ni Echo ang takot sa mukha ni Bella. "Kumain nalang tayo.." maagap na iniba ni Echo ang mood.
Tumango naman sya.
"O sige, anong gusto mo?" Tanong ni Echo habang nakatingin sa bandang counter ng Fastfood.
YOU ARE READING
Do I deserve Us?
Short Story(Starring Bella Padilla and Jericho Rosales) I'm Bella. Walang direksyon ang buhay ko. I feel lost. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung gusto ko. He is Echo. I met him at my worst. Sobrang galing nyang guardian. He is very organized and vey commit...