Chapter 2: Utang na loob.

109 3 3
                                    

After class umuuwi na agad ako. Mahirap na. Nag-iintay sakin si Mama. Medyo mahina pa naman siya. Kaya ako medyo naging boyish eh. Dahil dito kay Mama. Kailangan ko kasing lumakas para sknya. Nung bata pa ko.. Di ko na nakilala tatay ko. 6 years old ako nung nagka-asawa ulit si Mama. Minamaltrato siya nung lalaki. Awang awa ako nun ke Mama. Iyak lang ako ng iyak nung bata ako kasi wala naman akong magawa. Ayun, napagdesisyonan ni Mamang tumakas. At tumira kami sa lola ko. Di ako tanggap ng lola ko kasi anak ako sa pagkadalaga ni Mama. It means, Teenage Mom siya nung pinagbuntis niya ako. Kaya ko naman nasabing mahina siya dahil mas asthma siya at sumpungin siya nun.

Kaya eto ako ngayon. Naisip ko kasing maging lalaki para hindi maranasan lahat ng sakin na nararamdaman ng babae. Isa na dun ang MAINLOVE.  

Hay enough of me. On the way home na sana ako. Kalalabas ko lang ng campus namin dahil uuwi na sana ako. Kaso 'tong si Aina nagpahintay. Ayun nandun lang ako mukhang tanga. 

'ang tagal niya ah'  i said to myself. weird kung weird pero madalas ko kausapin sarili ko. batba. 

Nakaharap ako sa building namin kung saan dun lalabas si Aina. hay ang tagal talaga. Di ko napansin may paparating na sasakyan sa likuran ko. 

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!"  sabay may tumakbo at tinulak ako papalayo sa sasakyan.

Nakahawak siya sa ulo at sa likod ko. Kaya natanggal yung tali ko. Nagulat ako kasi first time may makakita saking nakalugay!! T_TT Imbis na matuwa sa sumagip sakin sinampal ko siya.

"aray! what's your problem? i saved your life, you freak!!"  Ngayon ko lang narealize na si William pala yung sumagip sakin :O 

Tumayo ako at nag-ipit ulit bago nagsalita..

"alam mo bang wala pang nakakakita saking nakalugay ha?!"

"wtf i don't care. sana man lang magthankyou ka Miss.."

"BAKIT AKO MAGTATHANKYOU SAYO?! SINO KA BA HA?!"

"Aba ang yabang mo ah!!!!"

Sa sinabi niyang yun napikon ako at sinipa yung mahalagang part sa lalaki. YUNG ALAM NIYO NA. Sabay nagwalk out ako. Di ko na hinintay si Aina. Haist. Nakakainis talaga siya!!!! Psh. Pinagtinginan kami ng mga tao sa sigawan naming yun. Eh siya kasi eh. Nakakainis. Errrrrrrr

WILLIAM'S POV 

Nakakainis yung freak na yun!! I saved her life tapos sasaktan niya pa ko? Aish. Gangster. PARA SIYANG LALAKI KUNG SUMIPA. Pero honestly, maganda siya huh. Kung mag-aayos at kikilos babae. PERO HINDI, SHE'S A MONSTER! Sinampal na niya ko tapos sinapa niya pa yung ANO ko. Sinagip ko na nga siya dahil nakita kong muntik na siyang masagasaan ng driver ko sa sobrang careless niya. Grabe talaga. Buti na lang may seating arrangement na bukas. Baka kung anong gawin sakin ng babaeng yun. Nakooooo

By the why, I'm William. Every vacation ko umuuwi ako dito sa Pilipinas. Kaya marunong ako magtagalog tsaka tinuturuan rin ako ng Mommy ko. Ngayon lang kami nagstay dito for good dahil may business daw na aasikasuhin dito si Mommy at matatagalan kaya dito na ko pinag-4th yr high school. kakilala ni Mommy yung may-ari ng school kaya pumayag na lumipat ako kahit senior year na. 

Mahilig ako sa sports. Specially skate boarding at pagbibike. Sabi din nila gwapo ako, well di ko sila masisi. :D Matangkad ako. Siguro hanggang labi ko yung MONSTER na yun. Play boy. ^^ Pero nagbabalak ng magbago. Iba daw kasi mga babae dito sa Pilipinas kaya ayun. Well enough of me, masyado na kayong maraming nalalaman tungkol sakin..

KRISTA'S POV 

Umuwi na ko tapos diretso sa kwarto ko. Ayuko lumabas baka makita ni Mama na badtrip ako at magtanong pa kung bakit. naku. Papagalitan ako nun eh. -_- Di niya pwedeng malaman. 

Dahil merienda na, kailangan ko ng bumaba. Magtataka si Mama kung bakit di ako bababa eh at isa pa, gutom na rin ako. Hahaha. 

Pagkababa ko nakita ko si Aina nakaupo sa dining table namin. Siguro nag-alala siya dahil di ko siya kasabay pauwi. Katapat lang namin bahay nito kaya kahit kelan pwede siya, parang nakikidorm lang diba? Jk. 

"kamusta ang first day niyo girls?"  tanong ni mama habang papunta sa lamesa dala yung merienda namin. 

"as usual, ganun pa din po. ayos lang."  sagot ko naman habang kumukuha ng pagkain.

"Ay tita, itong si Aina pala nakipag-away! Usap-usapan sa school kaninang uwian eh. Kaya pala di mo ko hinintay."  Sabi ni Aina sabay turo sakin. OMY PATAY AKO KAY NANAY :O -_- 

"totoo ba 'to Krista? first day of school nakikipag-away ka na?"

"Eh kasi naman ma, alam mo ba kung anong ginawa sakin? Tinanggal niya yung ipit ko! Nakita niya kong nakalugay!!"

"Ang usap-usapan po sa school kanina sinagip daw po siya sa pagkakasagasa tapos bigla na lang daw pong sinampal ni Aina at sinipa ang.."  di na pinatapos ni mama yung sasabihin ni aina.

"Sino ba yun at parang ganun na lang ang galit mo ha, anak?"

"Si William po. Transferee sa school."  sagot ko habang nakayuko.

"LALAKI?! Anak naman. Ano na lang sasabihin ng lola mo kapag nalaman niyang nakipag-away ka ha?"

Aish. Si Lola na naman. Eh hindi naman ako tanggap nun dahil anak ako sa pagkadalaga ni Mama at ayaw niya rin sa tatay ko. EH DI KO NGA KILALA TATAY KO EH. Wala naman akong alam tapos sakin ibubuhos ni lola yung galit niya. Mayaman sila lola. Pure Filipino pero nagtrabaho sa States, nagsumikap at nakilala si lolo na Pinoy din na nagtatrabaho dun. Nagpakasal sila at nagka-anak. Si Mama yun. Nag-iisang anak nila si Mama. Tanggap naman sana ako ni lolo pero ewan ko ba kay lola. PUSONG BATO. 

Nung minaltrato si Mama, dun muna kami tumira kila lola. Dahil sa di kaya ni mama na makita akong di tanggap ni lola. Umalis na lang kami at humanap ng bagong tirahan. Yun nga, dito kami napadpad sa tapat nila Aina. See, mahal na mahal ako ni mama :) Pero mukhang papagalitan ako dahil sa ginawa kong 'to/ T_TT Aina kasi eh!! 

"bukas, magsorry ka dun sa William na yun. Naiintindihan mo ba Krista?"   ANO? AKO? NO WAY!

"eh, ma.."  Di na ako pinatapos magsalita ni Mama. 

"Sa ayaw at sa gusto mo magsosorry ka dun, okay?!"  ano pa bang magagawa ko -_- 

"Ok.."  AND THE QUEEN WON. -,-" 

"Nga pala, sa Sabado pupunta tayo sa lola mo."  ANOOOOOOOOOOOOOOOOOO?!

"Ah eh.. ano pong gagawin natin dun?" 

"Di ko rin alam pero pinapapunta niya tayo."  

'kung minamalas ka nga naman oh'  sabi ko sa sarili ko. 

"May sinasabi ka?" 

"Ah, wala po.." 

Haist. ANG SAYA NAMAN NITO GRABEEEEEEEEEEEE. Tumuloy na lang kami sa pagkain at umuwi na si Aina. Ako naman umakyat na sa kwarto. Aayusin ko pa gamit ko para bukas. Pano ba kasi kelangan nakauniform pa. Ang ikli nung skirt O.O Nakalimutan ko senior na pala ako T_TT Nakakainis. Tapos 3/4 na sleeves na may vest. Daming arti hay. 

Lintik na Pag-ibig.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon