Chapter 5: Weird

63 1 0
                                    

*KRISTA'S POV*

Ugh palaisipan pa rin sakin yung pagbabanta ni William. Pagbabanta talaga eh noh?! Naku. Baka kung anong gawin sakin nun hay. Tama na nga muna tungkol sknya.

Sabado ngayon! Pupunta nga pala kami kila lola -_-

Sana umokay na ang lahat. Si lola naman kasi, ang tagal-tagal na nun. Di makamove on? Huh. Sabi ni Mama magdamit daw ako ng medyo formal. Wag medyo boyish. UGH. LABAG SA KALOOBAN KO PERO KAHILINGAN NG NANAY KO EH. La ko magagawa. 

Nakapagbihis na ako at umalis na kami ni mama sa bahay. Nagulat kami ng may nag-aantay na kotse samin sa labas.

Driver: "ma'am, sumakay na po kayo. iniintay na po kayo ni Donya Maria."

Ohwell. Alagad lang naman pala ng lola ko. Fvck. Habang palapit ng palapit kami kinakabahan ako. Baka kasi pagsungitan na naman ako ni lola. huhu -_- 

Eto na. Moment of truth. Nandito na kami kila Lola.

Agad kaming sinalubong ni Lola at nakipagbeso siya ke Mama. Pinapasok niya kami at umupo sa may sala.

"Ang daming nagbago dito sa bahay Mommy.."  sabi ni Mama kay Lola.

"Oo nga eh. Pero di ko ginalaw ang kwarto mo."  sagot naman ni Lola.

"Oh Mommy, kamusta na po? Bakit nga po pala kami pinapunta ng biglaan?"

"Ay oo nga pala. May business party kami in a month. Napag-usapan na natin 'to matagal na diba? Tinging ko ito na ang tamang panahong magkakilala sila. Alam na ba ni Krista?"

"Ha? po? Ano po yun?"   sagot ko dahil wala akong kaalam alam :O

"Ahm. Kasi anak, ahhh... 

Napag-usapan namin dati ni Mama na..

Di naman usapan. Parang ritwal na ng pamilya."

"Eh ano nga po yun?"

"In two years, ikakasal ka na. Kapag 18 ka na."

"ANO PO?!"

"Hija. Wag mo kong biguin. Ito na lang ang hinihiling ko sayo para matanggap kita ng lubusan." singit ng lola sa usapan namin ni Mama.

ANO?! AKO IKAKASAL?! I mean, nasa plano ko rin naman ikasal pero in two years?! WHAAAAAAAT?!

"Pero.. pa.. paano na nangyari yun?!"  sagot kong gulat na gulat na nagtataka.

"Ako dapat talaga kasi ang nakafixed marriage. Pero naglayas ako nun at sumama sa tatay mo. Di ko alam na may nakausap sila Mommy na kapag ang magiging apo nila babae at ang apo ng kumpare ng lola mo lalaki eh ififix marriage kayo. At ayun na nga. Bumalik ako dito dahil iniwan ako ng tatay mo at naikwento ni Mommy."

"Pano na yun Ma?"

"Kung ayaw mo nam--"

"Hindi Ma. Gagawin ko na lang po ito para kay Lola."

"Then were good. Gusto kong magpakababae ang kilos mo. You still have one month pa naman bago kayo magkita. Salamat ng marami Hija. I owe you one."

Nagfake smile ako at niyaya na kaming kumain ni Lola. IKAKASAL NA AKO, IN TWO YEARS!! AKALAIN NIYO YON?! Ugh, kung ito lang naman ang paraan para matanggap ako ni lola gagawin ko na. Alam ko rin namang nahihirapan si mama dahil malayo siya kela Lola. FUUUUUUUUUUU 

Umuwi na kami at ako nanatiling tahimik. Aakyat na sana ako sa kwarto ko pero nagsalita bigla si mama..

"Anak kung di mo naman kaya, wag mo ng pilitin ang sarili mo.."

"Di po ma, okay lang sakin. Para matanggap na rin ako ni Lola."

"Pero di mo kailangang gawin--"

"Ma pagod na ko. Akyat na po ako." 

Umakyat na ako na humiga sa kama ko. Hay. KAKAYANIN KO 'TO! AKO SI KRISTA RAMOS!! 

Kinabukasan na at pumasok na ako sa school. Ayun medyo tulala pa rin.

Nasa school na ako at ayan.. DUMATING NA ANG KINABWIBWISITAN KO.

"Good Morning,freak."

"Pwede ba, wag mo na lang ako batiin kung tatawagin mo rin akong freak. Ugh!!"

"Wala ka na bang kalmadong side ha?"

"Meron kaso di ko maipakita dahil ang aga-aga nambwibwisit ka!!"

"Baka nakakalimutan may ut--"

Di na natuloy ang sinabi niya dahil dumating na si Mrs.Castro.

Ayun at nagrecess na din. Si Aina may mga bagong kaibigan kaya hinayaan ko na muna siyang sumama sknila. Kaya ako nagrecess mag-isa. Pero dun ako sa garden kumain. Pero di pa ko nakakapunta sa may bench. May agad na akong nakita dun :O

Si WILLIAM :O

"Hoy lalake, anong ginagawa mo dito?!"

"Bakit? Sayo ba 'to haaaaaaaaaaa?"

"Hindi. Pero dito ako madalas tumatambay! Bakit nakiki-gaya ka?!"

"Ang saya kasi dito eh. Tahimik."

*umupo ako malapit sa tabi niya*

"yun nga ang gusto ko dito eh.. dito ako nakakapagrelax."

"mukha atang kalmado ka na ah?"

"alam mo, kung bibwisitin mo lang a--"

"oh tama na, di na nga eh.."

"hay ewankosayo."

"ahm, may request pala ako. actually, its a command."

"COMMAND? AT SINO KA NAMAN PARA UTUSAN AKO HA?! TATAY BA KITA?!"

"Chillax, remember.. I once saved your live."

"Edi thank you!!"

"thank you? no. kailangan may gawin ka kapalit :) or else..."

"OR ELSE WHAT?! HA?!"

"Ipagkakalat kong di ka na virgin. Mwahaha"

"Sa tingin mo may maniniwala sayo ha?! NBSB 'TO PARE!!!"

"Bakit? People these days are so gullible. Tsaka uso ang 'nasa loob ang kulo' "

"HAY NAKAKABWISIT KA TALAGA! ANOBAYON HA!!!!!!!!"

"Be my girlfriend. ;)"

Iniwan niya ako mag-isa dun pagkatapos niya kong kindatan. Tignan mo 'tong lalaking 'to, TYPE PALA AKO!! MAYGAS. OVER MY DEAD BODY. Ewww. Nakakadiri. -__- Sa boyish kong 'to? Ugh. Nakakairita talaga siya. Bakit ba ganito buhay ko! Una, after two years ikakasal na ko tapos ngayon magkakaboyfriend ako ng isang hambong at sapilitan pa? WOW HA. WOW LANG. GRABE TALAGA. ANOBA GUISE, SARAP MAGPAKAMATAAAAAAAY TT_TT

Lintik na Pag-ibig.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon